CHAPTER 1

1.9K 31 0
                                    

Bored si Lyiane nang pumasok sa private office ng kanyang dad sa mansion nila. Umupo siya sa harapan nito habang abala ang kanyang ama na nagpipirma ng kung anong mga folders na nakalatag sa mesa nito.

"Dad, I wanna go out with my friends tonight." pasimula niya kahit alam na niya kung ano ang magiging sagot nito.

"And it's a no, Lyiane." agad na sabi nito habang abala parin ang mga mata sa ginagawa.

Lyiane rolled her eyes at napabuntong hininga. Nabobored na siya sa pamamahay at gusto niya makakita ng mga bagong mukha at lugar.

"For pete's sake dad! I'm already 18!" di maiwasang tumaas ang boses niya.

"Don't use that tone on me Lyiane ! " bulalas nito ng mag angat ng mukha.

"I-I'm sorry.. But dad-"

"When I say No then it's a No. Ako ang magpapasya kung pwede kang lumabas!"

Padabog na tumayo si Lyiane at lumapit sa bintana. She needed some fresh air to breathe dahil nahahighblood siya sa sobrang strikto ng kanyang ama. Excited pa naman siya noon na maging 18 dahil akala niya magiging malaya na siya.

"I wish mom is here.."

Bigla niyang namiss ang kaniyang ina. Siguro sasaway ito sa dad niya pag nandito ito hanggang ngaun. napatingin siya sa ibaba ng mansion na napapaligiran ng mga bulaklak. Her mom loves flowers. Kaya naman halos mapuno ang labas ng mansion ng mga iba't ibang klaseng bulaklak. Nakakatulong din ito sa kanya, it actually helps to calm her nerves when she's mad.

"Get out Lyiane kung wala ka ng iba pang sasabihin. I'm busy."

She rolled her eyes again after hearing that at nanatili lamang nakatayo doon habang nakamasid sa ibaba. Maya² lang ay naagaw pansin niya ang isang lalaki dun na abala sa gawaing hardin, ngaun lang niya ito nakita at mas bata ito kumpara sa ibang katulong nila. Like around 20s.

"Dad, we have a new gardener?" agad niyang tanong habang pinagmamasdan ito sa ibaba.

"Yes, the son of Mr. Nuerez. Yung di na nagbabayad sa akin at bigla nalang nawala ng parang bula."

"Ohh."

Yes she heard about Mr. Nuerez, sugarol ito at halos araw-araw nagkacasino. Bilyon ang utang nito sa dad niya at laging nangangakong babayaran ito. Pero lumipas nalang ang 5 years, mas tumaas pa lalo ang naging utang nito.

"So what is he doing here?" tukoy niya sa anak nito na nagtatrabaho ngayon sa hardin.

"He will work here to pay for his father's debts"

Napatawa si Lyiane "Tatanda nalang yan dito dad sa kababayad ng utang ng ama niya."

"It's their problem not mine" simpleng sabi nito.

Natatawa parin si Lyiane sa dahilan na iyun. Kawawang nilalang.

"Anyway dad, I'll leave u alone now." Lumabas na siya sa office nito at diretsong bumaba sa matataas nilang mga hagdan hanggang sa marating ang pintuan papalabas ng mansyon. She's so curious about their new young gardener. At last may bago sa paningin niya at most of all hindi matanda. lol

Lyiane walks around the garden with poise at kunwari inienjoy tingnan ang mga bulaklak na nandoon hanggang sa nalapitan niya ng husto ang bagong hardinero. Hindi parin siya nito napapansin kaya naisipan niyang kumanta ng kung anu-ano.

"Don't cha wish your gf is hot like me. Don't cha. Don't cha baby?"

Sa wakas ay nag angat ito ng mukha at kunot noong nakatingin sa kanya. Brown eyes , halatang halata sa liwanag , sharp nose and oh those kissable lips. Para itago ang pagkamangha, Lyiane just rolled here eyes and brushes her long burgandy hair para maimpress ito sa ganda niya. Pero laking dismaya niya na di man lang umabot ng isang minuto ang tingin nito sa kanya at nagpatuloy ulit sa ginagawa.

Wtf? dinedma ako?! Hindi makapaniwalang nasabi ni Lyiane sa sarili habang nakatingin parin dito. The guy is just wearing sando kaya malaya niyang nakikita ang mga biceps nito. hindi sobrang malaki, katamtaman lamang. And she likes his back too. Parang napakasarap sandalan. Ano pa kaya kung-

"Ma'am Lyiane, nandito po pala kayo. Sobrang init po ng panahon. Baka gusto niyo tawagin ko si Herbert para may magdala ng payong sa inyo."

Naputol ang kanyang pag iisip nang dumating si Celing , ang matagal na nilang gardener at namumuno doon. Tinutukoy nito ang kanyang matandang butler na si Herbert.

"No need Celing. Papasok na din ako." habang ang mata niya ay nakatuon parin sa binatang nakatalikod.

"Ahh ma'am, bago pa lang hardinero si Reeve. Tinuturuan ko pa sa lahat ng gagawin." sabi ng matanda ng mapansin kung saan siya nakatingin.

"Hm. Pansin ko nga. Kanina pa ako nakita niyan, wala man lang sinabi." mataray niyang sabi.

"Ah ganun ba ma'am pasensya na, di ka yata nakilala." at agad na bumaling kay ito kay Reeve, "Reeve! hijo , nandito ang anak ni Don Montecilio, si Ma'am Lyiane. Magbigay galang ka. Bilis!"

"So he's Reeve." mahina niyang sabi at nakataas ang kilay. "Like his name."

Nag angat ulit ito ng tingin at itinigil ang ginagawa pagkatapos ay tumayo at yumoko. "Magandang umaga Ma'am Lyiane" sabi nito sa baritonong boses.

"And love his voice" mahinang komento niya. Di parin siya nito tinitingnan pagkatapos at mas doon pa tumitingin kay matandang Celing na abala sa pagsasalita sa kung ano pa ang dapat gawin nito.

Shit this guy. kay aga², sinisira na ang araw ko. Ito pa lang ang unang lalaki na dinedma ang beauty niya. Bakla ba to?? Dahil sa inis, bumalik nalang si Lyiane sa loob ng mansyon. Pag iisipan niya ang susunod niyang gagawin para mapansin cia at makaganti na din dito.

************** To be continued *********

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon