CHAPTER 16

819 29 2
                                    

"Hijo, gising ka na ba? May naghahanap sayo sa labas , Marian daw pangalan." boses ni Aling Celing ang pumukaw sa kanya habang kumakatok ito sa labas ng pinto ng kwarto niya.

Tiningnan niya ang oras sa cellphone at alas nuwebe na pala. Nagmamadali siyang bumangon at agad na binuksan ang pinto.

"Salamat Aling Celing, magbibihis lang po ako." sabi niya dito habang walang suot pang itaas.

"O sya sige, Bilisan mo. Mukhang kanina pa yun." at umalis na ito.

Nang makaalis na ito, kumuha siya ng tshirt sa  closet at nagmamadaling nagbihis. Mamaya nalang siya magbihis ng uniporme pagkatapos maligo.

Nadatnan niya ang kaibigan na si Marian sa labas ng gate habang nakasandal ito sa kotse.

"Ang tagal mo. Akala ko nandyan ka na sa garden nagtatrabaho." reklamo nito pero wala naman sa mukha ang galit.

"Pasensya na. Ngayon pa lang kasi ako nagising." napakamot na lamang siya sa ulo.

"Alas nuwebe na ah. Hindi ka ba mapapagalitan niyan? Nagpuyat ka ba?"

Nag iwas siya ng tingin nang maalala ang ginawa nila ni Lyiane kaninang madaling araw.

"Kumusta ka na?" pag iiba niya sa usapan.

"Heto, ganun parin, maganda." nakangising sabi nito. "Eh ikaw? Anong balita jan sa mansyon? Balita ko may sahod ka na sabi ng kapatid mo."

"Yeah. Butler na trabaho ko ngayon."

"Wow butler! Promoted! Pero ang tagal gumising !"

Natawa na lamang siya sa naging reaksyon nito. Pagkatapos kinuha niya ang pitaka sa bulsa at inabot dito ang 20 thousand. Nagtira siya ng 5 thousand sa sarili.

"Pakibigay nalang kay inay. " at tinanggap naman nito ang pera. "Atsaka kung pwede, yung tungkol sa gamot niya–"

"Yes I know. Alam mo na pala?" putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

"Alam mo?"

"Uu. Ako yung naghatid sa kanila noong lumapit sakin si Reign habang umiiyak.. Inatake ng highblood kasi yung nanay mo.. Buti hindi malala.. Binilhan ko na rin ng gamot."

"Ma-Magkano babayaran ko sayo?" nauutal niyang sabi nang maalala na naman ang kalagayan ng ina.

"Reeve no.. it's okay. Parang nanay ko na din si nay Eve.. Diba nangako ako sayo na babantayan ko sila habang wala ka..?"

Magkapit-bahay lang sila ni Marian kaya madali lang nito mabantayan ang pamilya niya.

"Salamat Marian.." sabi niya habang nakayuko at pinipigilan ang sarili na maging emosyonal sa harap nito.

"Uu nga pala, penge nga ng number mo. Para matawagan kita sa susunod. Nakalimutan kong hingiin kanina kay Reign eh." pag iiba nito sa usapan habang kinukuha ang cellphone.

Nasa kalagitnaan sila sa pagbibigay ng number sa isa't-isa nang marinig niya ang boses ni Lyiane sa likuran.

"Babe! Andito ka pala. Kanina pa kita hinahanap." lumabas na din ito ng gate para makalapit sa kanila.

Agad itong yumakap ng mahigpit sa tagiliran niya pagkatapos ay nakataas ang kilay na tumingin kay Marian.

"May bisita ka pala? Sino siya?" tanong ni Lyiane sa mataray na boses.

"Uhh.. Si Marian kaibigan ko."

Halata sa mukha ni Marian na naguguluhan ito pero naglahad parin ito ng kamay kay Lyiane at nagpakilala.

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon