CHAPTER 17

794 20 0
                                    

Panay ang tawa ni Reeve sa kanya habang nakasunod siya dito papaakyat ng bundok. Sumasakit na ang mga paa niya. Mag iisang oras na silang naglalakad. Parang di na yata niya kaya ang isa pang oras.

"Babe! Wait lang! Ang bilis mo naman maglakad!"

Huminto na din ito at lumingon sa kanya. Di man lang ito napagod  kahit konti.

"Ang lakas mo mang alok mag hiking e di mo naman pala kaya." natatawang sabi nito.

Inirapan na lamang niya ito at uminom ng tubig sa dala niyang tumbler. Sumasakit na din yung likod niya sa dala niyang bagpack.

"Ako na magdala ng bag mo." sabi nito ng mapansin ang bahagya niyang paghilot ng balikat.

"Iniiwan mo Kasi ako e!" nakasimangot niyang sabi.

"Hindi ah. Mabilis lang talaga ako maglakad."

At kinuha na nito ang bagpack niya. Dala nito ngayon ang dalawang bagpack nila.

"Pahinga muna tayo?" tanong nito ng di pa rin siya gumagalaw at nakasimangot lang.

"Oo."

"Tara, doon tayo." turo nito sa unahan na may malaking bato at inalalayan na siyang maglakad.

"Hays finally." sabi niya nang makaupo na rin sa bato. "I'm hungry."

Agad na kinuha ni Reeve sa bag ang binili nilang pagkain sa fast food. Inabutan siya nito ng burger and french fries.

"Thanks!"

Tumabi na din ito sa kanya at sabay na silang kumain.

"Do we still have to walk babe?" maya-maya'y tanong niya.

"Lyiane, ang layo pa natin sa Tops." tukoy nito sa pangalan ng lugar kung saan doon makikita ang magagandang tanawin sa ibaba. May mga tao rin dun  na nagcacamping.

"Wag nalang tayo pumunta doon. Kahit dito nalang." sabi niya habang napatingin sa paligid at napansin niya ang ilog sa unahan sa likod ng mga naglalakihang puno. "Try natin doon Reeve."

Napatingin na rin ito sa direksyon na sinasabi niya. Pagkatapos ay natawa.

"Tayo lang ang magcacamping doon Lyiane. Wala namang maganda doon ."

"May ilog at least. "

"And?"

"And maybe we can find some fish?"

Napailing ito at tumatawa na naman.

"Reeve! Stop laughing! Ayoko na talaga maglakad ng malayo. Let's just stay here. Ayaw mo nun, walang ibang tao."

"Alright, c'mon."

At naglakad na sila papunta doon. Reeve marked the trees para alam nila ang daan pabalik. Nang marating nila ang ilog, agad na bumaba si Lyiane. Hanggang tuhod lang ang lalim nun. The water is so clear, and yes there are few fishes pero di naman gaanong kalaki. Sobrang lamig din ng tubig . Nakakarelax sa paa.

Abala naman si Reeve na maghanap ng magandang spot doon na pwedeng paglagyan ng tent nila hanggang sa may makita siya na malapit lang din doon.

"Maligo tayo dito mamaya babe!" tawag niya kay Reeve.

Tumingin ito sa kanya habang nilalabas ang mga gamit.

"Sigurado ka? Ang babaw lang niyan."

"Yes! why not? We can sit and relax. I love the water." sabi niya habang dinadama ang malamig na tubig sa mga kamay niya.

"Ikaw bahala." ngiting sabi nito sa kanya pagkatapos ay abala na itong pinapatayo ang kanilang tent.

"Siguro tayo lang nagtent dito." Natatawang sabi after she realized it. "It's still worth it babe dahil magkasama tayo."

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon