CHAPTER 14

817 28 0
                                    

Maagang ipinatawag si Reeve ni Don Montecilio na pumunta sa opisina nito kinabukasan. Nagtatakang sumunod na lamang siya sa assistant nitong si Herbert ng tinawag siya nito.

"Magandang umaga Don Montecilio." pormal na bati niya dito nang makapasok siya sa loob at halatang hinihintay siya nito.

"Reeve. Heto ang sahod mo." at inilagay ang isang puting sobre sa mesa. "Just like what I said to you."

Di agad siya nakaimik habang nakatitig lamang sa puting sobre.

"Take it Reeve." sabi nito nang di parin siya gumagalaw.

Hanggang si Herbert na ang kusang kumuha ng sobre at binigay sa kanya. Tahimik na tinanggap niya ito pero yung totoo ay natutuwa siya. Finally he can earn while working in the mansion. Nginitian siya ni Herbert na parang masaya ito para sa kanyang unang sweldo.

"That's 25 thousand pesos. Normally I pay Lyiane's butler for 50 thousand pero like I said, kalahati lang ang ibibigay ko."

"Salamat Don Montecilio. Malaking tulong na po ito sa pamilya ko." agad niyang pasasalamat dito.

Medyo napatawa ito sa sinabi niya. "You sound like a working husband trying to feed his family. You're better than your father, Reeve. Keep up the good work."

"Salamat po."

"And before I forget this again since I didn't tell u last time you came here. I wanna remind you something very important. Don't ever fall for my daughter. She will be engaged to Andrei in the future. Do I make myself clear, Reeve?"

What.. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Reeve ng marinig niya Ang salitang engage at parang nahihirapan siyang magsalita.

"Reeve?" nagtatakang tawag nito sa kanya dahil hindi parin siya sumasagot.

"I'm sorry, Naiisip ko lang ang pamilya ko." He lied.

"Did you hear what I told you?"

"Opo Don Montecilio..I won't fall for your daughter.."

"That's good. Mabuti na yung nagkakalinawan tayo habang maaga pa. Just focus on your job. Makakaalis ka na." at nagsimula na itong magtrabaho sa mesa nito.

Tahimik na lumabas siya sa opisina habang pabalik-balik naman sa isip niya ang mga sinasabi ni Don Montecilio. Kanina lang ay sobrang saya niya pero agad ding nawala iyun. Direcho siyang lumabas sa mansyon at inilabas ang kanyang cellphone upang tawagan ang kapatid niyang babae.

"Oh kuya, napatawag ka?" tanong nito sa kabilang linya.

"Reign, si inay?"

"Nakaalis na kuya para magtinda ng isda sa palengke. Mamaya susunod na din ako, naglilinis pa kasi ako ng bahay."

"Ok. Pakisabi nalang kay Marian na kung pwede pumunta siya dito bukas, may ipapadala ako."

Si Marian ay isa sa mga naging kaibigan niya doon simula pagkabata. Medyo matanda lang ito sa kanya ng dalawang taon. 26 ito at siya naman ay 24. Nakapagtapos ito ng college at nakapagtrabaho sa isang magandang kompanya kaya naman agad itong nakabili ng sariling sasakyan.

"Ano po yung ipapadala mo kuya?"

"May sahod na ako."

"Talaga po kuya?! Buti naman kuya! Siguradong matutuwa din si inay!" masayang bulalas nito.

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ni Reeve dahil sa masayang boses ng kapatid.

"Pag tuloy-tuloy yung sahod ko Reign, bumalik ka sa pag-aaral."

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon