PROLOGUE

3K 39 0
                                    

"Ano? ayaw mo?" nakataas ang kilay na tanong ng amo niyang babae habang hinihintay na gawin niya ang ipinag uutos nito.

"Ma'am Lyanie, hardinero ako hindi butler ninyo" nakakuyom ang kamao habang hindi nakatingin dito.

"I know, but it doesn't matter. You will be my butler after 2 days anyway. So dapat ngayon pa lang, masanay ka na." mataray na sabi nito habang tinitingnan ang makukulay nitong kuko.

"Ano??" napatingin siya dito pagkatapos marinig iyon na naging dahilan para mas magalit siya sa spoiled brat niyang amo.

"You heard me. Kaya kumilos ka na!"

"Ayoko maging butler" matiim niyang sabi habang nakatingin dito at ngayo'y nakatingin rin sa kanya.

He hates seeing her face. Lagi nlng siya pinahihirapan nito araw-araw at di niya alam kung bakit.

"As if may choice ka? You know I can make your life miserable in just a second." nakangising sabi nito. "Oh wait , not your life, but your family"

Bahagya siyang natigilan nang maalala ang ina at kapatid niya. He's willing to do anything for the sake of them. "Wag mong pakikialaman ang pamilya ko." malamig niyang sabi habang nagbaba ng tingin.

"Yep I know you're a good boy. So be also good to me"

Hindi niya alam na nakalapit na pala ito ng husto sa kanya habang binibigkas ang mga salitang yun. Nakatitig ang mga magagandang mga mata nito sa kanya. She actually looks innocent , yun ang unang impression niya dito noong una niya ito makita. Pero nagkakamali pala siya, she's an evil in disguise. Sayang ang ganda.

"Hihintayin ko ang desisyon ng ama mo." sabi niya at tumalikod para iwanan na ito.

"Wait! I said get my freaking coffee! Reeve!!"

Sigaw parin nito habang patuloy siya sa paglalakad papalabas ng mansion. Hinding-hindi niya susundin ito hanggang wala pa siyang naririnig sa mismong ama nito kung ililipat ba talaga siyang maging butler nito.

And he hope it's not true.

*********************************************************

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon