Additional CHAPTER

917 9 0
                                    

Her Wildest Plan
SPG - 18

Tinungga ni Lotte ang isang basong tequila habang nakatingin sa isang gwapong binata na nasa loob din ng bar na pinasukan nila ni Irene.

Kilala ang grupo nito sa loob ng bar. They're men wearing suits but they are actually gays. At isa sa mga ito ay type niya. Infact , he outstand the others. Mas gwapo at masculine ito. And hot yes! But it's so frustrating to know that this yummy guy is gay!

"Tigilan mo na nga katititig sa kanya Lotte. Ilang araw na tayong pabalik-balik dito, e di ka man lang mapansin. Just give up girl. And daming lalaki jan at straight pa!" natatawang sabi ni Irene sa kanya.

"No Irene. I never felt this way before. Feeling so attracted to a guy."

"Omg Lotte! Ilang beses ko ng narinig yan sayo. And FYI girl, he is a gay not a guy. Ipasok mo yan sa kukote mo."

"Alright Irene, time to make a move." at direcho siyang naglakad papunta sa grupo.

"Wait! Lotte !!" tawag ng kanyang kaibigan pero di niya ito binalingan.

Nakatuon lamang ang mga mata niya sa gwapong mukha ng binatilyo. Hanggang sa natagpuan niya ang sarili na nakatayo na sa harapan nito.

Unang nakapansin ang mga kaibigan nito nang makalapit siya.

"Besh." narinig niyang sabi ng isa at sinenyasan ang lalaking gusto niya.

Sa wakas ay lumingon na rin ito sa kanya at nginitian siya nito. May dimple pa ito sa gilid ng labi. omgsh!

"Yes miss?" sabi nito sa masaya na boses.

Baritono ang boses nito at halatang pilit na itinaas nito ang tono just like how gays tend to sound like.

"I wanna talk to you if it's okay. Just you and me." diretsahan niyang sabi.

"Okay , sure." nakangiti parin na sabi nito at nagpaalam na sa grupo.

"Besh baka kainin ka niyan." narinig pa niyang pahabol na sabi ng kaibigan nitong bakla.

Pinili ni Lotte na dun sila mag usap sa isang sulok ng bar na malayo sa mga tao. Medyo madilim doon pero nakikita parin niya ang gwapong mukha nito.

Kunot-noong napatingin ito sa kanya at parang pilit na ang ngiti sa mga labi nito.

"Ano yung pag uusapan natin?" umpisa nito.

"Are you really gay??" prangka niyang sabi.

"Ahm Miss hindi ba obvious?" sabi nito at parang babaeng tinungga ang alak sa hawak nitong kopita.

"Well, alam mo kasi, hindi bagay sayo. I'm sorry. Prangka lang talaga ako."

Bahagya itong nabigla sa sinabi niya at tuluyan ng nawala ang ngiti nito.

"Wow grabe siya. Kaya mo ba ako kinausap just to insult me?" di makapaniwalang sabi nito.

"Nope, I just want you to realize that, you are so.. hot. You look so manly." sabi niya at napalunok pagkatapos niyang tingnan ito mula ulo hanggang paa.

"I'm sorry. Hindi tayo talo." parang nandidiri na sabi nito at nagmamadaling iwanan siya.

Napa awang naman ang mga labi niya nang bigla siya nitong iwan at sa naging ekspresyon ng mukha nito.

"Aba't –! Humanda ka, di kita titigilan." padabog na bumalik siya sa table nila ng kaibigan niya at ibinuhos ang inis sa pag iinom ng tequila.

{ Hope you will also support this upcoming new story soon. }

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon