CHAPTER 21

739 16 0
                                    

"Girl saan ka ba galing? Bigla ka nalang nawala." agad na sabi ng kaibigan niyang si Katie nang puntahan ang grupo.

"Nagpapahangin lang sa labas." simpleng sagot niya at kumuha na rin ng wine sa dumaang waiter.

"Lyiane, ang daming gwapo dito ! Gosh!" kinikilig naman na sabi ni Leslie.

"Oo nga! Girls , we should make a move!" natatawang sabi ni Irish.

Nang sabihin iyun ng mga kaibigan niya, napatingin na rin siya sa paligid. They're actually right, marami ngang gwapo silang guests na anak ng mga kasosyo ng Dad niya sa business nito. Hindi niya ito napansin kanina dahil kay Reeve lang nakatuon ang mga mata niya pati isipan niya.

"But that guy is hotter!" turo ng kaibigan pa niyang si  Lotte sa likuran niya kaya napalingon na din siya. "Omg Lyiane your butler is so hot!"

Nakangisi lamang si Lyiane habang ang ibang kaibigan din niya ay nakatuon na rin kay Reeve na papalapit sa kanya.

"Hey .." bulong na sabi ni Reeve na halata sa mukha na naiilang sa mga kaibigan niya.

"You know Reeve, I always wonder what you look like when you're naked." walang hiyang sabi ni Lotte at napatawa na rin sila Irish , Katie and Leslie.

"Lotte! " saway niya dito.

Nang tingnan niya si Reeve, sa ibang mga tao na ito nakatingin pero napansin niya ang pamumula ng pisngi at tainga nito. Di niya maiwasang matawa na rin at napailing.

"Girls , just to remind y'all. Reeve is my official boyfriend, so hands off. okay?"

Napasinghap sa gulat si Leslie, Katie at Irish. Si Lotte naman ay napahawak sa dibdib.

"Oh no! I feel hurt!" madramang sabi nito pero di naman seryoso.

"We're happy for you Lyiane." sabi ni Irish na ngayo'y nakangiti pati narin ang iba pa niyang mga kaibigan.

"Sabi ko nga e , na kayo talaga ang magkakatuluyan. I felt it coming! " segunda ni Katie.

"Of course Katie! That's Lyiane, no one can resist." natatawang sabi naman ni Leslie.

"Well girl, I know my unrequited love will never get a chance. So keep him or I'll steal him." ani ni Lotte na  tumatawa din.

"Loka loka ka talaga."

Pinakawild talaga ang kaibigan niyang si Lotte sa grupo pero mabait naman ito. Mahilig lang magbiro.

Maya-maya lang ay nagpunta na ang mga kaibigan niya sa gitna ng function hall nang magsimulang magsayaw ang iba. Nakikisayaw na ang mga ito sa mga binatang nandoon.

"Bakit mo sinabi sa kanila na may relasyon tayo?" pabulong na sabi ni Reeve sa kanya nang makaalis na ang mga ito.

"Don't worry Reeve, they don't spread the news. They're trusted."

"How can you be so sure?"

"Cause I've known them for so long. Kaya wag mo na silang alalahanin."

Habang nakatayo lamang sila ni Reeve doon at umiinom siya ng wine, napansin niya si Andrei sa kabilang side na seryosong nakatingin sa kanya at umiinom din ito. Nagtatakang tiningnan din niya ito. Di nito inaalis ang pagtitig sa kanya pero di naman ito lumalapit. Problema nun?

Inalis na niya ang pagtitig dito at lumingon kay Reeve na nanonood lamang sa mga nagsasayawang guests.

"Let's dance?" alok niya dito.

"No Lyiane.." malungkot na tanggi nito.

Napabuntong hininga na lamang siya at hindi na nagpupumilit. Nang mapatingin ulit siya sa gawi ni Andrei ay wala na ito doon.

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon