CHAPTER 23

658 16 0
                                    

NAPATITIG si Lyiane sa isang bouquet na ngayo'y nakalagay sa mesa ng kanyang opisina. Pagod siyang umupo at kinuha ang card na kasama nun. As usual, It's Andrei again. Anim na taon na ang lumipas ay di parin siya nito tinitigilan. Panay ang padala nito ng bulaklak sa kanya. It's a peace offering for what he did six years ago. Hindi na rin niya mabilang ang paghingi nito ng tawad sa kanya pero mas lalo lamang nito pinapaalala ang nakaraan. Andrei is the main reason why her heart is broken until now.

Bumabalik ang lahat sa alaala niya na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"I hate you Andrei! I hate you so much!" umiiyak at sumisigaw na sabi niya nang makausap ito sa cellphone.

"L-Lyiane. I'm sorry.. but I'm just doing what's right for you.." ani nito sa kabilang linya.

"You don't know what's right for me! You're selfish! Wala kang pakialam sa nararamdaman ko!! You're damn selfish!!"

"Lyiane.. Alam mong hindi pwedeng maging kayo. Alam mo na hindi rin pa-"

"Oh shut up Andrei and fuck you! Mabulok ka sana sa impyerno!" putol niya sa sasabihin nito at agad na pinatay ang tawag.

"Ma'am Lyiane.." boses iyun ng kanyang butler na si Herbert. Bakas sa mukha nito ang awa at pag aalala.

Simula nang pinaalis ng ama niya si Reeve sa mansyon ay halos di na siya masyadong kumakain. Lagi lamang siya umiiyak sa kanyang kwarto at nagkukulong doon. Nag aalala na din sa kanya ang iba pang mga katulong sa mansyon lalong-lalo na si Chef Montano at si Aling Celing. Minsan bumibisita ang mga ito para kausapin siya. Nalungkot din ang mga ito sa nangyari. Hindi katulad ng kanyang ama na matigas ang puso. Her Dad even confiscated Reeve's smartphone. Siniguro talaga nitong di na niya makakausap ang binata.

"Excuse po Ma'am, naghahanap po sa inyo si Ma'am Katie." pukaw ng staff niya sa kanyang lumilipad na diwa.

"Ok. I'm coming."

Kinuha niya ang mga bulaklak at direchong itinapon sa trashcan pagkatapos ay lumabas na ng opisina.

Nadatnan niya si Katie na nakaupo sa counter stool ng kanyang restaurant. Araw-araw maraming customers ang nandoon para kumain and it's a big success for her business unlike her father na papalubog na ang kompanya nito. Maybe it's his karma.

"Hey girl! Baka naman pwedeng makalibre!" nakangising sabi ng kaibigan niyang si Katie nang malapitan niya ito.

"Wag kang kuripot Katie. Ang yaman-yaman mo na , plus ang mayaman mong asawa." natatawang sabi niya at umupo sa tabi nito.

"Yup! I'm indeed lucky. Mag asawa ka na rin kasi!"

"Kung makasabi ka parang pinupulot lang ang maging asawa sa kalsada." napailing na sabi niya.

"Girl, I'm talking about Andrei! Balak mo bang tumandang dalaga? I think he's a good package. Gwapo at mayaman. He can save your father's business."

Bigla niyang naalala ang Dad niya na dalawang taon na siyang kinukulit sa pagpapakasal kay Andrei for the sake of his company. But she said No everytime he asked her.

"I'm still 25 , Katie."

"And you're turning 26 soon."

To be honest, she doesn't really care anymore kung tatanda siyang dalaga.

"I don't love him.." sabi niya na di na nakangiti.

Hinawakan ni Katie ang mga kamay niya at pinisil-pisil iyun.

"Girl.. you need to move on. It's been six years and until now, no news from him."

Tukoy nito kay Reeve. Hinanap niya ang binata nang makagraduate siya sa college at pansamantalang nakapagtrabaho sa kompanga ng Dad niya pero nalaman niyang wala na ito at ang pamilya nito sa tinitirahan nilang bahay. Nagtanong din siya sa mga tao doon especially ang matalik nitong kaibigan na si Marian kahit ramdam niya na di nito gusto ang presensya niya pero sumagot din ito na wala ring alam.

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon