CHAPTER 22

713 18 2
                                    

Halos mapagod si Lyiane sa kaiiyak sa kwarto niya dahil sa naging desisyon ng Dad niya. She must find a way. Di niya hahayaan na ganun nalang ang mangyayari sa kanila ni Reeve. And she miss him so damn much.

Tumayo siya at lumapit sa bintana, hinahanap ng paningin niya si Reeve sa ibaba. Nang mahagilap ito ng mga mata niya na mag isang nagtatrabaho sa garden nila, mas lalo siyang nasaktan at napaiyak ulit. He really doesn't belong there.

Iniisip niya kung paano ito kausapin nang maalala niya ang cellphone nito. Agad na kinuha niya ang cellphone sa bedside table at tinawagan ito habang nakatuon parin ang mga mata niya dito. Nakita niyang natigilan muna ito sa ginagawa at kinuha ang cellphone nito sa bulsa para sagutin ang tawag niya.

"Reeve..! I miss you!" naiiyak na sabi niya nang tanggapin nito ang tawag.

Narinig niya ang malalim na buntong hininga nito bago magsalita.

"Lyiane.." nasa tono ang kalungkutan. "I miss you too.. "
Pagkatapos niyang marinig iyun, napaiyak na naman siya.

"R-Reeve.. Dad forbid me to come near you..." umiiyak niyang sabi.

"I know babe.."

"Let's just leave this place Reeve.. I'll go with you!"

"No Lyiane.. Wag mong sirain ang buhay mo dahil sakin.."

"But I can't.. Reeve.. ayoko ng ganito!" halos humahagulgol siya habang pinapahiran ang sariling mga luha.

"Lyiane.. stop crying please.. nasasaktan ako na  marinig kang umiiyak."

Humihikbi siya at pilit na pinakalma ang sarili. But the pain is still there. Tanging si Reeve lang ang may kakayahan na magtanggal ng iyun. She wants nothing else but him.

"Do you like my gift..?" maya-maya'y sabi nito dahil di parin siya nagsasalita at humihikbi lamang.

"Y-Yes. I-I love it . T-Thank you." and shit her eyes shed more tears pagkatapos maalala ang regalo nito.

"Sshh Lyiane.. please.." sabi nito at napabuntong hininga. "I'll come to your bedroom tonight, so please stop crying.."

"Y-You will..?"

"Yes. I promise."

Dahil sa pangako nito ay kahit papano unti-unting nababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Yes right, they can just meet in secret. Kahit ganun lang muna sa ngayon ay kaya niyang tiisin iyun.

Nakita niya itong napatingin sa likod at agad na nagpaalam sa kabilang linya. Nakita niya ang Dad niyang lumabas sa mansyon  at nakatingin kay Reeve pero di ito nagsalita. Did he caught him using cellphone? Kinabahan ulit siya at hinintay kung ano ang gagawin ng Dad niya. Pero maya maya ay umalis din ito at dun siya nakahinga ng maluwang.

Nasa kwarto lamang si Lyiane at hinintay ang gumabi. Tinetext din niya si Reeve para mabawasan ang kanyang lungkot at nagrereply din  naman ito. Late nga lang but it's okay. She's willing to wait.

Hanggang sa mag alas onse at nakatanggap si Lyiane ng text galing dito na nagsasabing papunta na ito sa kwarto niya. Excited siyang naghintay malapit sa pinto at nang makarinig siya ng mahinang katok, agad na binuksan niya ito.

"Reeve!"

Mabilis na pumasok ito sa loob ng kwarto niya at agad din niyang nilock ang pinto.

"I missed you!"

Naluluha niyang sabi at agad na niyakap ito ng mahigpit ganun din ito sa kanya. Pagkatapos ay mariin nilang hinahalikan ang isa't-isa sa mga labi at halos kapusin sila ng hininga pagkatapos.

"I missed you too.." sabi nito at masuyong hinahaplos ang kaniyang pisngi.

She hugged him again so tight at ramdam niya ang mabibilis na pintig ng puso nito. Then she gently placed her right palm on his chest near to where his heart is.

"It's beating fast.." ngiting sabi niya.

"Lyiane.." at hinawakan nito ang dalawa niyang kamay pagkuway pinisil-pisil. "Total malapit na ulit magpasukan. Just focus yourself on your studies for now.."

Nalukot niya ang kanyang mukha at kunot-noong napatitig dito.

"A-Are you breaking up with me??"

"No Lyiane , it's not like that. I just–"

Pareho silang napatigil nang may biglang kumatok ng malakas sa labas ng pintuan at kasunod nun ay boses ng kanyang ama.

"Lyiane! Open the door!" sumisigaw ito sa labas ng pinto then she immediately panicked.

"H-Hide! Quick! " mabilis na itinulak niya si Reeve papasok sa malaki niyang closet at agad na sinara iyun.

She's shaking because of fear for Reeve. Baka ano ang gawin ng Dad niya dito. Alam ba nito na nasa loob si Reeve?

"Lyiane ! Open up!" galit na sigaw ulit nito.

Nilapitan na niya ang pinto at binuksan iyun. And right after she did that, galit na pumasok ang ama niya sa loob habang ang butler nila na si Herbert ay nakatayo lamang sa labas ng pinto.

"D-Dad?"

"Where's Reeve?! Alam kong nandito siya! " halos lumabas na ang ugat sa leeg ng kanyang ama dahil sa galit.

"H-He is not here Dad. It's just me. I-I'm preparing to sleep." sabi niya at di tumitingin ng direcho sa kanyang ama.

"Stop lying Lyiane at ilabas mo na si Reeve. Reeve! Get out from where you are hiding! Now!"

"Dad please! He's not here ! "

"Lyiane, I got you monitored. And I saw in cam na pumasok siya dito!"

"W-What?? Dad! No!!"

"Reeve! lumabas ka sa lungga mo or I'll make your family pay!"

"No no no Dad!! Please! Don't do this to me!"

Mahigpit na niyakap niya ang Dad niya para magmakaawa. She knows that Reeve will come out if it's about his family. At hindi nga siya nagkamali dahil ilang segundo lang ay narinig niya ang dahan-dahang pagbukas ng closet niya kaya mas lalong hinigpitan niya ang yakap sa Dad niya.

"You! I warned you!!" galit na turo ng Dad niya kay Reeve at akmang susugurin din nito iyun. Kaya naman agad na pinigilan na niya ito.

"Herbert!" tawag niya sa butler para tulongan siyang pigilan ang Dad niya at pumasok na rin ito para umawat.

"Hindi ka nababagay sa anak ko!! You are just like your father!! A filthy deceiver!!" patuloy ng ama niya at bakas sa mukha ang poot para kay Reeve.

Reeve just stood there in silence at nasa sahig ang paningin nito. Gusto niya itong yakapin pero ayaw niyang bitawan ang kanyang ama na handang sumugod dito.

"Dad!! Tama na please! I love him!!" sigaw niya at umiiyak niyang sabi. Hindi na tumitigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha simula ng lumabas si Reeve. Fear is taking over her whole body of what her Dad will do to him.

"Umalis ka sa pamamahay ko bago pa kita ipakulong! Pero pag nakita pa kita ulit, I swear I'll put you behind bars hanggang sa magtanda ka na sa loob!" banta ng kanyang ama dito.

"No! No Dad! Please!!! Dad don't do this please!!"

Her heart is breaking, halos nahihirapan na siyang huminga dahil sa nangyayari. Ayaw niyang mawala si Reeve. Hindi niya makakaya yun. Halos parang nagmamakaawa na ang boses niya sa Dad niya pero di lang siya nito pinapansin. Di man lang ito tumitingin sa mga mata niya. She never cried this much before, ngayon lang. This is worst than all of her nightmares.

"Herbert! take Lyiane to the Library! At wag mo siyang ilabas hanggang nandito pa rin yang kutong lupa na yan!" tukoy nito kay Reeve pagkatapos ay nagsimulang lumabas sa kwarto niya.

Akmang lalayo siya kay Herbert kaya mabilis siyang  binuhat nito na parang bigas papalabas doon.

"No! Let me go! Reeve!! Reeve!!" kahit anong gawin niyang pagsuntok sa likod ng butler nila ay binalewala lang nito iyun. "Reeve!!" halos mamamaos na ang kanyang boses sa kasisigaw habang inilalayo siya doon.

✍🏻To be continued..

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon