CHAPTER 24

681 17 1
                                    

Medyo naging busy na si Lyiane sa sumunod na mga araw dahil sa paghahanda ng kanilang nalalapit na kasal ni Andrei. Gusto nito na makasal sila agad at gaganapin ito sa susunod na buwan. Sobrang saya naman ng Dad niya pagkatapos nitong malaman ang naging desisyon niya at sumunod na rin ito sa bilin ng Doctor na hindi na magpapagod sa trabaho.

Actually halos lahat ng mga tao sa paligid niya ay masaya at excited para sa kasal niya.. pero siya, kahit konti di niya maramdaman iyun. Mas ramdam pa niya ang pangungulila at feeling niya ay kakatayin siya sa araw ng kasal niya.

"Girl, ano ba ? Tama na yan at ienjoy mo nalang si Andrei." sabi ng kaibigan niyang si Irish.

"Oo nga.. gwapo naman siya Lyiane." segunda ni Lotte.

Kasama niya ang tatlong kaibigan na si Irish, Lotte at Irene sa loob ng bar para magchill. She needs it dahil nastress na siya sa paghahanda ng wedding niya.

"Kayo talaga. Puro kayo gwapo." sabi niya at tinungga ang wine sa kopita.

"At mukha ding mabait. So hindi ka luge girl." komento ulit ni Irish.

"Baka magaling din yun sa kama." at napahagikhik si Lotte.

Napailing lamang si Lyiane sa dalawang baliw niyang kaibigan.

"Alam mo Lyiane. Akala ko talaga na nakita ko si Reeve noong nakaraang araw. Para kasing siya yun." sabi ni Irene habang umiinom din ng wine.

Agad na napatingin siya kay Irene nang marinig iyun pati na rin ang dalawa niyang kaibigan.

"Saan mo nakita??" tanong niya kay Irene.

"Palabas ng Escarrer Holdings. Nagmamadali na pumasok sa sasakyan na audi at color black. I love the car. I think it's the latest model."

Saglit silang natahimik sa sinabi ni Irene pagkatapos ay napatawa si Irish.

"Girl, he can't afford to buy an Audi. ok ka lang??" natatawang sabi ni Irish.

Siya naman ay bagsak ang balikat at napainom ulit ng wine. Akala pa naman niya ay may pag asa na siyang makita ito ulit.

"Sabi ko nga diba? Akala ko siya yun. Para kasing siya na naka side view." paliwanag nito.

"Di natin alam baka may magandang trabaho na yun ngayon." at napatawa na rin si Lotte.

"Still it's impossible, he can't afford an Audi after 6 years." ani Irish.

Napabuntong hininga si Lyiane at tumayo na para magpaalam.

"Girls I gotta go. May kailangan pa akong tapusin sa office ko. Ciao."

Naisipan niyang pumasok na sa opisina para ibuhos ang atensyon sa trabaho. She wants to get rid of Reeve from her mind dahil baka sa mental hospital ang abot niya.

"CIAO!" sabay sabi naman ng mga ito.

DUMIRETSO si Lyiane sa kanyang office nang marating niya ang kanyang restaurant. Pagbukas niya ng pinto sa kanyang office ay nakita niya si Andrei na nakaupo doon at may dalang bouquet at isang box ng cake. Agad itong tumayo para lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Baby, saan ka galing?" nakangiting tanong nito.

"Ahh.. me and my friends went out for some drinks. Matagal na din kasing di namin nagagawa yun." sabi niya at tinungo ang kanyang mesa para umupo.

"I see. Well you really need to relax sometimes. Masyado kang busy dito. And plus our upcoming wedding." natatawang sabi nito.

Tahimik na napatingin lamang siya kay Andrei. Bakas sa mukha nito na excited ito sa kanilang nalalapit na kasal. Napabuntong hininga lamang siya at napatingin sa mesa niya na may bouquet at cake.

"Oh yeah, I bought your favorite cake. Chocolate Ice Cream Cake." at binuksan nito ang box para ipakita sa kanya.

"Thanks Andrei. I will eat it later. Medyo busog pa kasi ako ngayon. And.. next time, can you just bring food? No more flowers please?"

"Yeah sure. I'm sorry. Nagsasawa ka na ba?" at natawa ito ulit.

"Malamang." and she rolled her eyes.

"Baby, you're so cute whenever you do that." sabi nito sabay haplos sa pisngi niya.

Tiningnan lang niya ito at di nagsalita. She doesn't even know what to say. At wala talaga siyang maramdaman para dito. It's so frustrating dahil hindi niya pinangarap ang magkaroon ng unhappy marriage life.

"Lyiane.. I know you don't love me. But I promise you that I will do everything just to make you happy." seryosong sabi nito habang nakatitig sa kanya.

"Okay Andrei.. Thank you.."

"My pleasure baby." at ngumiti na ito ulit .

Umupo si Andrei sa visitor's chair habang inuumpisahan na niya ang kanyang trabaho.

"Katie told me about her husband's birthday party. You're going?" maya maya'y tanong nito.

"Of course Andrei. She's my friend." sagot niya habang may pinipirmahang mga papel sa mesa.

"Ok. But I can't come with you. May meeting ako sa araw na yun. Pero susunduin kita pagkatapos."

"It's okay Andrei. Just text me kung susunduin mo na ako."

"I will baby. Don't worry."

Hindi na ito umimik at hinayaan nalang muna siya magfocus sa trabaho. Naging busy din ito sa cellphone. Napasulyap siya sa kanyang cellphone nang magvibrate ito sa mesa. Nakamute lang kasi ito. It shows on the screen that an unregistered number is calling her. Kunot-noong dinampot niya ang phone at sinagot ang tawag.

"Hello?"

But no one's answering.

"Hello? Who's calling?" tanong niya ulit.

Wala paring sumasagot sa kabilang linya kaya tinapos na lamang niya ang tawag. Maybe her friends are trying to troll her again.

"Sino yun?" pansin naman ni Andrei.

"Ewan. Walang sumasagot. Baka yung mga loka-loka kong kaibigan."

At ibinalik na niya ulit ang atensyon sa trabaho.

"Anyway , I need to go back to my office now. Hinahanap na ako ng sekretarya ko. See you later baby."

"Okay."

Hinalikan siya nito sa pisngi bago ito tuluyang lumabas sa office niya. Nang wala na ito sa paningin niya, itinigil muna niya ang ginagawa at sinandal ang likod sa swivel chair.

"Finally.. alone time."

Kanina pa niya hinihintay na umalis si Andrei dahil gusto niyang mapag isa. Then she closed her eyes hanggang sa dinalaw na siya ng antok at mabilis na nakatulog.

✍🏻To be continued..

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon