CHAPTER 11

954 34 0
                                    

Wala sa mood na sinusundan ni Reeve sila Lyiane at Andrei. Mas gustuhin pa niyang manatili sa mansyon kesa gawing third wheeler ng mga ito. Napatiim bagang siya habang nakatingin sa kamay ni Andrei na kung saan naglalanding sa katawan ng dalaga. He held her on the waist , arm, shoulder , hands. At hinahayaan lang ito ni Lyiane. What the fuck? They just met yesterday for fuck's sake! Di maiwasang makuyom niya ang kamao at nangangalaiti siyang sunggaban ng bugbog si Andrei just to release his fucking anger.

Nang mapagod ang mga ito sa kamamasyal, they stopped in one of those expensive restaurants and just when they're about to sit, parang naalala siya ni Lyiane kaya tinawag siya nito. When he got close to them , agad na nagsalita si Andrei.

"He can eat on that table." turo nito sa malayong mesa sa dulo.

"Oh. Malaki naman itong mesa Andrei."

"This is our date, remember?" ngiting sabi nito kay Lyiane.

How he wish he can punch his face right there hanggang sa matanggal ang ngipin nito.

"Okay." tumango na rin ang dalaga at tumingin sa kanya pero saglit lang iyun. "Doon ka na Reeve." at umupo na ang mga ito .

Napipilitang umupo si Reeve mag isa sa dulo habang di inaalis ang tingin sa dalawa. Kitang-kita niya kung paano napapatawa ni Andrei si Lyiane pero di niya alam kung bakit masakit iyun tingnan para sa kanya. Nahuli niyang minsan tumingin si Lyiane sa kanya pero agad nitong binawi at masayang nakipag usap ulit kay Andrei.

That hurts.. Why does it hurts so much?

Napukaw ang kanyang pag iisip nang may lumapit sa kanyang waiter at tinatanong ang kanyang order. Kanina pa pala niya hawak ang menu pero ang mga mata niya ay nasa dalawa nakatuon.

Napabuntong hininga si Reeve at lumingon sa waiter.

"Beer please."

"Just beer sir?"

"No scratch that. Just water. Lots of water.. and tuna sandwich." at ibinalik ang menu sa waiter.

"Oh ok Sir."

Nang makaalis na ang waiter, pinilit ni Reeve na ibaling ang tingin sa iba pero di parin niya maiiwasang mapatingin sa dalawa.

" I thought she likes me.." wala sa sariling nasabi niya habang tanaw ang masayang mukha nito na nakatingin kay Andrei.

PILIT na iniignore ni Lyiane ang presensya ni Reeve sa malayo. Sa gilid ng kanyang mga mata , alam niyang nakatitig ito sa kanila. Nang tingnan niya ito saglit kanina, napansin niya ang galit sa mukha nito at di niya alam kung bakit. Is he mad at me??

Masaya namang kasama si Andrei, hindi niya alam na may pagkajoker pala ito. Akala niya seryoso at boring kasama pero hindi pala. She genuinely having fun with him. Pansin di niya ang pagiging gentleman at sweet nito.

"Here try this, this is one of my favorite dish that they served in here." at akmang susubuan siya nito nang may biglang marinig silang lagapak ng kubyertos.

Sabay silang napalingon ni Andrei at nakita nila si Reeve na pinupulot nito ang nahulog na kutsara pagkatapos ay kunot-noong nagtapon ng tingin sa kanila at sinimulan nito ang pagkain.

"Is there something wrong with that guy?" di mapigilang tanong nito. Napansin rin pala nito iyun.

"Nah. He's always like that Andrei. Dapat masanay ka na." ang tanging nasabi lang niya.

"Then how did he even passed to become your butler?" curious na tanong nito.

Because I forced him.. sagot ng isipan niya. Pero nginitian lang niya si Andrei at di na sinagot Ang tanong nito.

"Let's just continue eating, shall we?" pag iiba niya.

"Yeah sure." di na rin ito namimilit na pag usapan iyun.

Hanggang sa matapos ang araw na iyun at hinatid sila ni Andrei sa mansyon gamit ang sasakyan nito.

"Thanks for today Andrei, I had fun." she genuinely said that and smiled at him.

"Me too. Can't wait to have another date with you."

Sabay kindat nito sa kanya, natatawa na lamang siya sa sinabi nito habang kapwa silang nakatayo sa entrance ng gate.

"So uhm.. I'll just text you I guess? Or call?"

"Sure. Drive safely."

"I will , my princess." sabi nito habang nakatitig sa kanya at masuyong hinawakan ang kanyang pisngi.
Hanggang sa unti-unting nawala ang ngiti nito at naging seryoso habang ang titig nito ay napunta sa mga labi niya. She already guess what's his next move but she's too tired to move an inch. it's just a kiss anyway.

Dahan-dahan nitong nilapit ang mga labi sa kanya nang biglang narinig niya ang boses ni Reeve at kapwa silang natigilan.

"Ma'am Lyiane, Pinapatawag ka ni Aling Celing.."
lumingon siya at kunot-noong nakatingin ito sa kanya sa likuran.

"Huh?? Why??"

"I don't know.. importante daw.."

"O-Okay." at tiningnan niya ulit si Andrei na halata sa mukha nito ang medyong pagka badtrip

"I'm sorry Andrei. I'll just see you next time." natatawa niyang sabi.

"Alright, sweet dreams my princess." nakangiti na ulit ito.

"You too!" at sinara na niya ang gate.

Nang lumingon siya sa likod ay wala na si Reeve doon. Direcho siyang nagpunta sa kwarto ni Aling Celing at kumatok.

"Yes Celing?" tanong niya nang magbukas ito ng pinto.

"Ano po yun ma'am?"

"Tinatawag niyo daw ako?"

"Ha? Wala naman. Sino ba maysabi?" nagtatakang tanong nito.

"Ahmm.." what the hell?? He lied??? "Never mind, sorry for bothering you." paghingi niya ng paumanhin dito.

"Ok lang po yun ma'am."

Galit na pumunta si Lyiane sa kanyang kwarto at naghubad ng kanyang suot habang iniisip si Reeve. Ano bang problema nito?! Argh! Pagkatapos ay direcho siyang umupo sa loob ng bathtub na may tubig at doon kinalma ang sarili.

✍🏻 To be continued...

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon