CHAPTER 13

970 30 0
                                    

Nang magising si Lyiane kinabukasan ay wala na si Reeve sa tabi niya .Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at nagtext dito.

"Hi babe good morning. I miss you. <3" and she hit send habang nakahiga parin at ngumingiti.

Ilang sandali Naman ay nagreply ito kaya agad niyang binasa ang text nito.

"Good morning babe. I miss you too." reply nito.

OMG OMG! And she rolled over on her bed habang tumitili at yakap ang unan. He finally called her babe. Parang nasusuffocate siya sa tuwa at kilig. Nagtext ulit siya dito.

"Kumain ka na babe?"

and he replied.

"Nasa kusina ako ngayon kumakain. Wanna join me?"

she replied.

"Sure babe! Ligo muna ako. mwaahh! <3" at nagmamadaling tinungo niya ang bathroom.

HABANG kumakain si Reeve sa kusina, nag enjoy naman siyang kausap si Chef Montano. Kinukwento nito ang mga naging karanasan sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Hinihintay din niya si Lyiane na bumaba.

"Ikaw Reeve, ayaw mo bang mangibang bansa?" tanong ng Chef sa kanya.

"Paano naman po yun? Di nga ako nakapagtapos ng highschool."

"Pwede mo gamitin ang experience mo dito after 2-3 years. At saka, may kilala si Don Montecilio sa labas na pwede mong mapasukan."

"May utang pa ako Chef."

"Alam mo, mabait naman yun. Hindi lang halata sa mukha." natatawang sabi nito. "Hinding-hindi ka pagtatrabahuin ng matagal dito dahil lang sa utang. Makikita mo makakatanggap ka ng sahod by the end of the month."

Natahimik si Reeve habang iniisip ang sinasabi nito. Sana nga ay totoong may makukuha siyang sahod para makapagpadala na siya kay inay.

"Good morning guys!"

Sabay silang napalingon ni Chef Montano nang dumating si Lyiane at abot taingang binati sila nito.

"Oh ma'am Lyiane, good morning din! Mukhang ang saya natin ngayon ah?" ngiting bati din ng Chef.

"Syempre Naman Tito."

"Good morning ma'am Lyiane" bati din niya.

She rolled her eyes and said
"Remove the 'Ma'am', Reeve."

"Ayaw niya ng Ma'am, Gusto niya ng sweetheart." natatawang tudyo ng Chef sa kanila.

"Chef! Baka may makarinig sayo aabot pa kay papa ang chismis." saway nito.

"Ang tanong Ma'am Lyiane, may dapat bang ichismis?" sabi ng Chef at nasa himig parin ang panunudyo.

Kapwang natahimik sila ni Lyiane sa tanong nito at pinatuloy nalang niya ang pag inom ng kape. Nagsalita ulit ang Chef ng maramdaman ang sitwasyon.

"Alam niyo, napagdaanan ko na din yan. Kung inaalala mo ang papa mo Lyiane. Wag kang mag alala dahil wala akong sasabihin na kahit ano." At ngumiti ito kay Lyiane pagkatapos ay sa kanya.

"Ahmm.. thanks Tito." nahihiyang sabi ni Lyiane. Pati rin naman siya ay nakaramdam ng hiya.

"Sige iwanan ko muna kayo." at kumindat pa sa kanya yung Chef bago ito tuluyang umalis doon. Napailing na lamang siya at napangiti sa pagiging supportive nito.

"Reeve.." umupo si Lyiane sa kandungan niya at pinulupot ang mga braso nito sa leeg Niya. "I miss you." naglalambing nitong sabi.

"Pangalawang beses mo na yang sinabi." natatawang sabi Niya.

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon