CHAPTER 10

1K 31 0
                                    

Mga ilang araw na ding iniiwasan ni Lyiane si Reeve. Di rin niya ito tinatawag. Pinilit nalang niyang ienjoy ang sarili sa kwarto habang kaharap ang laptop. Nanonood siya ng mga palabas sa Netflix o di kaya'y nikapag video call sa mga kaibigan niya.

"Girl, malapit na pala yung birthday mo. Anong plano mo?" tanong ng isa niyang kaibigan na si Irish habang nag group video call cla sa Skype.

"Di pa namin napag usapan ni Dad."

"Aba himala Lyiane. Knowing you, you're always advance. Wag mo ng hintayin Dad mo baka nakalimutan na yun." sabad ng isa pa niyang kaibigan na si Leslie habang kumakain ng junkfoods sa harap ng cam.

"It's ok girls. Marami pang araw na dadaan."

"Hey girl. What's wrong with you? Why you look so lifeless. May problema ka ba?" tanong ni Katie.

"Ahh.. wala naman. Medyo inaantok lang." pagdadahilan niya.

"Oh by the way, Anjan ba si Mr Hot butler ? Send my regards please! hahaha" ani ni Lotte.

"Wag ka ngang ano Lotte. Kay Lyiane na yun. Diba Lyiane? Baka naman gusto mong ishare kung ano na progress niyong dalawa." nakangising sabi nito.

"Girls.. Walang panahon yun sa babae. He doesn't like me as well. So let's just not talk about him."

"Akala ko pa naman magkakabf ka narin sa wakas." natatawang sabi ni Irish.

Tipid lang siyang ngumiti habang naaalala yung mga lalaking nabasted niya sa school. Halos hindi na niya mabilang sa rami. They're all good looking but wala parin. Kahit konting interes wala siyang maramdaman sa mga lalaking iyun. Not until when ... Reeve came..

"Hellooo? Earth to Lyiane ! Naririnig mo pa ba kami?" at nagtatawanan ang mga kaibigan niya sa video call.

"Sorry girls, I just remember something. Y'all saying?"

"We wish for a masquerade party on your 19th birthday Lyiane!" Excited na sabi ni Lotte na sinang ayonan din ng lahat.

"I'll tell dad about it."

At agad na nag usap ang mga ito kung ano ang magandang theme para sa birthday niya.

Maya-maya lang ay, narinig niya ang mga katok sa pintuan kasabay ang boses ng kanyang ama na tumatawag sa kanya sa labas.

"Girls, I'll go off now. Dad is here. Ciao! Mwaah!"

Then she closed her laptop and immediately opened the door.

"Lyiane. Ready yourself and wear something nice. We have visitors coming today."

Agad na sabi nito pagkabukas niya ng pinto.

"Sino po sila Dad?"

"Your Tito Fernand and his son Andrei."

Fernand is also one of his father's best buddies before and also a business partner. Tito na din ang tawag niya dito dahil malapit ito sa kanila simula pa noong maliit pa siya.

"Oh okay. Pero bakit kasama yung anak niya?"

She knows may anak itong lalaki pero hindi pa niya ito nakikita. As what she heard before ,doon ito sa states nag aaral.

"He wants to meet you."

"But why?"

"Save your questions later Lyiane. Just get ready." sabi nito at umalis na.

"Weird." ang tanging nasabi niya sa nagngangalang Andrei.

Napukaw ang pag iisip niya ng makarinig siya ng yabag at paglingon niya , nakita niya si Reeve na naglalakad papalapit sa kanya, of course dadaan lang naman ito para pumanaog sa kabilang dulo.

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon