This part is dedicated to my boyfriend na di nagwawattpad HAHAHA
PRIORITIZE GOD BEFORE ME
I had a boyfriend who is a Christian. I am too a Christian but let's just say, I'm a hypocrite. A big hypocrite. But not until my boyfriend came and helped me straightened my ways.
We planned a date for today kaya nandito kami ngayon sa park to enjoy the night. Bumibili din kami ng streetfoods sa daan. Tumigil sa may nagtitinda ng ice cream saglit and we finally decided to take a stop sa isang di mamahaling restaurant.
Habang kumakain kami I opened up a topic to ask about his exes.
"Eh? Di mo siya nayayakap? Why is that?!" Gulat kong tanong sa kaniya.
His last ex daw ay di pa niya nayakap. Kaya its really bothering me kung bakit ganon. I mean, ang clingy kaya ng lalaking ito.
"Well, I am a very conservative and distant person..." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. He's not like this when he's with me. And, he added, "But that was before I met you."
We had a lot of things to talk about. Nag-uusap kami minsan na halos na magbulungan, nagtatawanan, tapos bigla-biglang maging seryoso, matatahimik tapos hahagalpak ulit sa tuwa.
The vibes that I only felt with him.
And in the middle of our conversation, bigla siyang tumingin sa phone niya nang may nagpop up sa screen nito.
Kinuha niya ito and smiled at me, "Baby, prayer time mo na."
Napakurap-kurap ako sa kaniyang sinabi at napalingon sa paligid, "Paano na yon? Mamaya na lang, Chris. Nasa date pa tayo at ang daming tao sa paligid."
He stared at me and sighed saka tumayo. Tapos naman din kaming kumain, kinawayan niya ang waiter na papalapit sa min at nilagay ang pera sa ibabaw ng table. He pulled my hand dahilan para mapatayo din ako.
"Let's go. Hahanap tayo ng tahimik na lugar para makapagpray ka. Don't worry. I'll pray with you, baby."
Hindi ako makareact. Napasunod na lamang ako sa kaniya hanggang sa dumating kami sa may dalampasigan. May mga tao pero hindi kasing ingay ng restaurang. Ngayon, mas lamang ang naririnig n hampas ng alon sa mga bato at buhangin.
Kinuha niya ang scarf na nasa loob ng kaniyang bag at maayos na nilagay sa buhangin. Nauna siyang umupo doon at tinapik ang katabing bakante.
"Sit here." Aniya at tumingala sa kin, "Prayer time mo na, baby. Hindi natin pwedeng iskip yun dahil lang may date tayo o di kaya busy ka."
"But-"
"No, buts when it comes to God, Annie." He sighed, "You need to prioritize Him before me. Siya dapat ang nauuna sa lahat at hindi ako. I can pray with you and I will pray with you. Huwag kang mahiya o ano when it comes to Him."
"I didn't mean to skip the prayer time. Its just that I was-okay. I'm sorry." Umupo na din ako sa tabi niya.
Nilagay niya ang isang piraso ng ear pod sa tenga ko at ang isa sa kaniya, "Sa susunod na nahihirapan kang gumawa ng desisyon between God or me. Choose God before me. Prioritize God before me. Dahil siya lang yung nag-iisang nagmamahal sayo bago kita minahal."
And as I looked at his eyes.
I saw a man with the heart like Jesus.
He's indeed a blessing to me.
Happy Reading! 🧡
BINABASA MO ANG
The Best Part Of Us (COMPLETE)
Short StoryThis is a love story about two people who are eager to understand what love really is. Learn Ann and Chris' love lessons.