🧡

6 2 0
                                    

NOT YOUR FICTIONAL CHARACTER

“What chapter are we again?" my boyfriend asked as he flipped through the pages of the book na naplanuhan naming basahin.

Ganito kasi kami.

If we have free times to do cuddles, and if di namin naisipang magdate, sa loob na lang kami ng kwarto niya magstay tapos tamang basa lang ng aklat. Ngayon lang namin napatuloy ito since we've been busy with our own lives.

Sa totoo lang, ayaw niya noong una but he agreed naman to read a book with me. We had different genres when it comes to picking a book. He likes non-fiction while I am drawn to fictional stories.

And at the same time, naplanuhan naming basahin ang isa sa pinakapaborito kong story ni Jonaxx. Well, you should guess the title.

“Sa batis..." tipid na sagot ko sa kaniya.

“Hmm...I remember...I put a mark sa isa sa mga page...it was prom kaya—di pa tayo umabot sa may batis. Ano bang meron don? You were so excited in that part. Ah, there it is." he chuckled nang makita niya ang perma sa isa sa mga page.

Geez. I just wanna see his reaction naman. Huwag mo kong pag-isipan ng masama. We both know kung anong meron—nevermind.

Nagbabasa kami and everytime may kilig moments, of course, di ko mapigilang pisilin ang braso niya or idiin ang sarili sa kaniya habang tumatawa. Geez, attorney.

Pinakli niya ang page and we continued to read. Habang nagbabasa, di ko maiwasang magkomento.

“Sana ol." I pouted, “Sana ol may Riguel Alleje."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chris kaya tumingala ako sa kaniya, “Why? Don't tell me never kang nagwish na magkaroon ng isang babaeng mala Lilliene?"

He chuckled again, “That never crossed my mind."

“Eh?"

“Why do you want someone like Riguel Alleje?" tanong niya sa kin.

Ngumuso ako, “Because...oh, come on. He is the standard!"

There was a deep silence. Sabi na, eh. Nanatili na lang sana tayong tahimik, Annie. Magtatampo na naman tong lalaking ito. Hayst.

“N-Never bang sumagi sa isip mo na kahit minsan man lang, gusto mong mabuhay sa buhay ng ibang tao?" tanong ko sa kaniya.

“Pumasok na sa isipan ko yan. But never kong hiningi na mabuhay sa buhay nila. At never kong hiningi sa buhay ko na magkaroon ng isang Lilliene who can fill my thirst." sagot niya.

Natiurok na lang ako sa posisyon namin nang bigla niyang ibinaba ang mukha sa batok ko. I can feel the warmth in his every exhale, sending shivers through out my body.

“I'm not your fictional character and I can never be your Riguel Alleje." he murmured, “Because I am me."

“Hindi ko naman sinabing maging Riguel Alleje ka—hala—"

“You see, baby..." He rested his chin on my shoulder, “Lahat ng mga lalaki ay may kaniya-kaniyang way sa pagpapakita ng pagmamahal nila. Some become possessive. Some become sexual. Some become shy. Some become controlling or demanding. And some, become sweet to you only."

I leaned my cheek on the side of his face as I listened to him saying, “Iba-iba kami ng way sa pagpapakita ng pagmamahal namin sa taong minahal namin. That's why, don't bring your fictional standards to life dahil some of us can never reach that. Just so you know, hindi lahat ng lalaki ay malambing, o di kaya sweet. Hindi lahat ng lalaki ay seloso o madaling magalit. Hindi lahat ay gustong kontrolin ka. And hindi lahat ay sumusunod sa word na chivalry."

True.

“Not everyone will treat you like a queen. And not everyone ay gustong maging under. Kasi, hindi lang naman kayong mga babae ang nahihirapan. Minsan, nahihirapan din kaming ipakita yung pagmamahal namin dahil ayaw naming maka disappoint." umayos siya ulit sa pagkakaupoand added, “Learn to appreciate your man's unique effort. Learn to appreciate the way he show his affection and love. "

I nodded, “Oh, um..."

Why do I always end up speechless?!

“I can't love you like the way how those leading men in stories do. This is no fiction. You're my reality. Kaya, whether you like it or not, mamahalin kita sa paraan na gusto ko. At hindi sa paraang nababasa mo."

Oh, well.

When it comes to words, talo na naman ako.

He's right.

We're living in a reality.

And being a woman na palaging nakabaon ang mukha sa mga aklat ay di nating maiwasang makaisip minsan.

Why can't I have someone like Riguel Alleje?

And instead of asking that question, you should be like;

Anong meron sa boyfriend/husband ko na wala sila?

Don't force your partner to be someone they're not.

Love is not self-seeking. Love does not envy.

Me and my future husband soon: HAHHAHAA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Me and my future husband soon: HAHHAHAA

Only jsls can understand what is being portrayed in my art:

I hope you enjoy reading!🧡

The Best Part Of Us (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon