"ANDREW!"
She stood up at lumakad papunta sa gawi namin. She made a frowned at nagpapapadyak na lumakad.
"Nakakatampo kayong dalawa! You didn't invite me! Nagpunta pala kayo sa beach?! Urgh! Sobrang naiinggit ako!" she complained kaya natawa ako.
Hannah grabbed me at bigla akong niyakap. "I miss you, girl!"
I almost forgot about Hannah. Akala ko pa naman may magnanakaw! Nakalimutan kong alam pala ni Hannah ang passcode ni Andrew since they are best of friends.
"What are you doing here?" Andrew asked Hannah. Umalis agad sya sa pagkakayakap sakin.
"You're still grumpy as ever! Saka buti pa kayo, nag-honeymoon na agad! Hahahaha!" bigla akong na-ubo sa sinabi nya. "Anyway, I have a news! Me and Denver are now-" Andrew cut him off.
"I don't wanna hear it. Alam ko na naman. Now, leave." utos nya kaya sumimangot si Hannah.
"Do you want me to kick your balls?! Saka san mo naman nalaman?!" sigaw nya kay Andrew.
"Uhm, I'll go to my room. Excuse me." I akwkwardly said. Na-o-OP kasi ako sa topic nila.
Lumakad agad ako papunta sa kwarto ko dala ang bag ko. Naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila.
"Huy! Inaway mo na naman wife mo?"
"She's still not my wife."
Hindi ko na nasundan ang pinag-usapan nila. I throw myself at my bed. Andrew's right. I'm still not his wife. Pero bakit may kung ano sa loob ko ang nasasaktan nang marinig ko ang bagay na 'yun mula sa bibig nya? Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko.
Ngayon ko lang ata nailabas ang mga luhang 'to. Nakakainis naman kasi talaga ang buhay. Everytime na masaya ka, bigla nalang susunod 'yung kalungkutan sayo. Ngayon masaya ka, bukas bigla ka nalang maiiyak.
Nagkulong ako sa kwarto buong araw. I didn't even know kung anong oras umalis si Hannah. Basta ang alam kong lang, gabi na but I refused to eat. Nagising nalang ako na umaga na. Bumangon ako kahit tinatamad ang katawan kong bumangon. I did my morning routine since today is Monday and I still have to attend my class.
Lumabas ako at nakitang mukhang kakagising lang ni Andrew.
"I'm leaving."
"Breakfast? I'll cook for you."
"N-nah! Sa school na ako kakain."
Hindi ko na sya hinintay na makasagot. Sinara ko agad ang pinto saka sumakay sa elevator para makababa. Hinanap ko agad ang car ko sa parking lot and drove it. Namiss ko tuloy sasakyan ko. Parang ilag araw din akong hindi nakapagmaneho sa kanya.
"Oh my ghad! Charmyyy! I miss you!" Wendyll surprised me with a warm hug. Muntik pa akong matumba sa ginawa nya.
"Nakakagulat ka, loka!" reklamo ko but still, I felt happy dahil nagkita kami ulit.
Masyado kami busy sa mga OJT's namin kaya hindi na kami nakakapag-bonding. Unlike Lana na kasama ko sa same company. Asan na kaya 'yung babaeng 'yun?
"I missed hanging out with you, guys! Anyway, puntahan natin si Felix! Daliiii!" she grabbed me kaya hindi na ako nakasagot agad.
Tumatakbo kami sa hallway kaya napapatingin ang ibang estudyante sa amin. I really missed running here. 'Yung tipong late ka na sa klase pero tumatakbo ka pa rin knowing naman na late ka na. Haha!
"San ba kasi si Felix?" tanong ko habang tumatakbo pa rin kami.
"May performance! Ayun, nandun sa gym! Alam mo namang singerist 'yun eh.."
"Alam ko! Pero ba't ba tayo tumatakbo?!" hingal kong tanong. Napahinto ako at napahawak sa tuhod ko.
"Ano, girl? Pagod ka na?" tanong ni Wyndell. Mukhang nanghahamon ata.
"Pagod? Ano 'yun?" saka ako tumakbo at inunahan sya.
"You, bitch! MADUGAAAA!"
Para tuloy kaming timang na tumatakbo papunta sa Gym. Napapalingon 'yung mga naglalaro ng soccer sa field kaya nagtawanan kami ni Wyndell. Nang makarating kami sa Gym, sabay kaming naglupasay sa sobrang hingal.
Bwisit na Wyndell kasi 'to. Napasubo tuloy ako sa pagtakbo. Wyndell was my classmate since highschool. Athlete kaming dalawa sa pagtakbo kaya tuwing nagkikita kami, we're running like a kid who doesn't want to lose from his enemy. At ganun kami ni Wyndell. We're trying to beat each other pero pareho talaga kaming mabilis tumakbo.
"Nakakahingal pala! Mukhang tumatanda na talaga tayo!" biro nya kaya tumawa kaming dalawa.
"What are both doing? Yuck! You're all sweaty and gross!" sabay kaming napalingon ni Wnydell. We saw Lana acting like being disgusted by our sweats.
"Pahid ko 'to sayo, eh!" wika ni Wyndell kaya napa-urong si Lana..
"Nag-marathon na naman kayo? Haleer! Hindi na kayo bata." she said kaya tumawa ako.
"Oo nga. Tumatanda na kasi 'tong si Wyndell." I said kaya binatukan nya agad ako. "Ouch! That hurt, you bitch!" angal ko.
"You deserve that. Anyway, pasok na tayo sa loob."
Binigyan muna kami ng tissue ni Lana para ipampahid sa mga pawis namin. As we entered inside, narinig agad namin ang boses ni Felix. Kasalukuyan nyang kinakanta ang Kathang-Isip ng bandang Ben & Ben.
"Ano meron dito?"
"May event ang Art club. Inimbitahan nila si Felix kumanta. Yiieee! Inlab ka na naman sa boses nya 'no?" kantyaw ni Wyndell sakin.
Nagtinginan kami ni Lana. We're talking using our own eyes. I haven't told Wyndell about my engagement with Andrew yet. Maybe I should tell her later. Baka magtampo na naman at sabihin nyang si Lana nalang palagi kong sinasabihan sa lahat.
Umupo kami rito sa may vacant seat na nasa likuran lang at hinihintay na matapos si Felix. Nakikinig lang kami sa kanta nya habang andaming mga estudyanteng kinikilig sa performance nya. Maybe they are imagining na sila ang kinakantahan ni Felix.
Nang matapos ang kanta nya, tumayo agad kami. Nakita naming bumaba si Felix at hinintay muna na makapunta sya sa gawi namin. I think he was already informed by Wyndell na andito kami at nanonood sa performance nya.
"Charm?"
"Felix?"
"Charm! Ikaw nga!"
"Ako nga, Felix!"
Then he hug me kaya tinulak ko sya.
"Crap! Mukha kayong timang." Lana said kaya tumawa kami.
I haven't introduced Felix, but he WAS my boyfriend BEFORE. Kaya malamang, he's my Ex now. But still, we are friends! Sino ba kasi nagsabi na hindi raw nararapat maging magkaibigan ang mag-Ex?
"Kala ko hindi kayo papasok ngayon, eh." wika ni Felix nang makalabas kami sa Gym.
"Di porke't tapos na ang OJT eh hindi na kami papasok. May attendance pa rin saka marami pa tayong kailangang ipasa 'no." saad ko kaya nag-agree naman si Wyndell at Lana sakin.
"Uhm, guys? M-may sasabihin ako." this is it. I must tell Wyndell and Felix about the news.
Engagement party pa naman namin this coming Sunday. Ayoko namang magulat nalang sila sa news tungkol sakin. Huminto sila sa paglalakad at hinintay ang sasabihin ko.
"I'm engaged."
BINABASA MO ANG
Seducing my Gay Fianceé (COMPLETED)
RomanceDaisynelle Charisma Ghaddi was surprised when her mother announced that she's engaged with a guy named Andrew. But what more surprises her was Andrew's identity. Andrew is a gay who have a live-in-partner but Andrew's parents doesn't know about this...