"Bye, Lana! Mauna na 'ko ha!"Paalam ko sa kaibigan kong si Lana. Nakakahaggard din talaga minsan ang Ojt. Buti nalang kasama ko ang kaibigan ko in the same company, tsaka mababait din ang mga kasama ko sa department na inassign sakin.
May isang babae nga lang ang hindi. Her name's Gwen. Parang galit ata sa existence ko kaya tapos kung makautos naman, wagas!
But I have no choice since this is an OJT. Kailangan namin makisama sa kanila.
"Sure! Goodluck! Sana mapapayag mo fianceé mo. Hahaha!" she said and laugh.
I just shake my head then laugh. Pinaandar ko na agad ang sasakyan ko at nagmaneho na paalis. Kinuwento ko kasi sa kanya ang tungkol kay Andrew at sa engagement namin. Tawang-tawa pa sya sa ginawa kong pag-seduce kuno kay Andrew noon sa restaurant.
Mabilis lang akong nakarating since malapit lang naman pala ang condo ni Andrew sa kompanyang pinag-o-ojt-han ko.
Bumaba agad ako sa sasakyan ko at pumasok sa loob ng condominium building. Nasa ikalimang palapag ang kanya kaya kailangan ko pang magelevator.
I crossed my arms sa sobrang pagkabagot kakahintay na makarating sa ikalimang palapag. Sa wakas, nang bumukas ang elevator nagtungo agad ako sa pintuan para itipa ang passcode.
"Hah! Mamaya ka sakin, Andrew." wika ko sa sarili nang bumukas ang pintuan.
I was amazed when I enter. The room is clean and his things are arranged accordingly. It looked so neat to the point na parang ayaw ko nang tumapak, takot na baka madumihan ko ang loob.
But then, I welcomed myself at prenteng napaupo sa sofa nyang kulay gray. Buti nalang iniwan ko ang bag ko sa loob ng kotse.
I checked my watch and saw it was nearly six in the afternoon. I already knew about his schedule. Kasalukuyan din syang may OJT kagaya ko since same kaming graduating students.
Napansin ko ang magazines na nakapatong sa glass table nya. Inabit ko ito at saka tinignan.
"Ba't puro men's magazine? Taray sexy pa ng mga lalaki rito oh. Kita mga bulge sa ano hahaha!"
Ang weird naman pala ng Andrew na 'yun. Maybe he has this collection saka ginagaya ang mga modelo sa magazine. I laughed at my own thoughts. Napailing nalang ako sa naiimagine ko.
Ibinaba ko agad ang magazine nang marinig na may tila nagbubukas ng pintuan. Nakaharap pa naman sa may pintuan ang couch na kinauupuan ko kaya makikita ko kaagad kung sino man ang papasok.
Inayos ko muna ang dress ko na mukhang nalukot dahil sa pagkakaupo ko. Inayos ko rin ang buhok para naman kapag makita ako ni Andrew dito, eh masaksihan nyang napakaganda at sexy ng fianceé nya.
Nang tuluyang bumukas ang pinto, muntik pa akong mahulog sa sofa na kinauupuan ko sa sobrang gulat.
"O.MY.GHADD!" I screamed.
Nang marinig nila ako, napahinto agad sila sa ginagawa nila. Oo sila, kasi dalawa sila at...at...they are freaking kissiing! I can't believe this! Taksil ka Andrew! Isa kang taksil! Uhm, taksil nga ba?
At ang pinagtataka ko pa, bakit lalaki ang kahalikan nya? Omyghad. Mababaliw ata ako.
"Sino sya, hon?" tanong ng lalaki kay Andrew.
Andrew was shocked. Maybe he doesn't expect me to be here and...and witnessed such thing.
Before Andrew could speak, I immediately stood up and confronted the guy who he was kissing with awhile ago.
"How come you didn't know me. I'm Andrew's fian-asgdhkl!"
Agad tinakpan ni Andrew ang bibig ko kaya hindi natapos ang sasabihin ko. What's his problem? The guy should know that I'm his freaking fianceé!
"S-she's my groupmate...right! Groupmate ko sya! Can you buy us some foods outside? May pag-uusapan lang kami tungkol sa project namin." palusot nya sa lalaki habang ang kaliwang kamay nya ay nanatiling nakatakip sa bibig ko.
"Okay." the guy answered. He kissed Andrew first before taking a step to leave.
Now what the freaking freak's happening here?! Saka anong groupmate at project? Mukha bang project sa school itong engagement namin at ka-groupmate nya ako? Wow.
Padabog kong inalis ko ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko nang tuluyang mawala ang lalaki sa paningin namin. I gave him my death glare and crossed my arms.
"What was that?"
"Paano ka nakapasok dito?"
Sabay pa kaming nagsalita. Tinaasan ko sya ng kilay at unti-unting humakbang palapit sa kanya. Napapaatras naman sya sa ginagawa ko.
"Ano 'yung nakita ko, ha? Saka anong hon? Sino sya?" I asked.
Sa kakaatras nya'y nacorner na sya sa pader na malapit sa pintuan ng condo nya. He looked intimidated by me. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at tumingkayad, mas matangkad sya sakin kahit pa may takong itong suot kong sandals.
"Umalis ka nga sa harapan ko." bugaw nya sakin.
"Fine." since nangangalay na paa ko sa kakatingkayad para lang maabot sya. "Ayan. So, ano na? Sagutin mo mga tanong ko." I demanded.
"Its none of your business."
"Eh paano kung mommy mo nalang ang tanungin ko?"
He scoffed and I saw how his face got serious when he heard me.
"Okay." sagot nya at nagcross-arms pa habang nakasandal sa pader."He's Renjie. My boyfriend." he confessed nervously.
My eyes widened by his sudden confession. Renjie is his boyfriend!
"And yes, I'm gay."
***
A/N: Typo and grammatical errors are expected to be seen and read by the readers. I don't have time to re-read as of now po, so please just bear with me..
You can actually comment kung saan may mali. Handa po akong tumanggap ng mga kritisismo. Hekhek! Anyways, Godbless guys!
BINABASA MO ANG
Seducing my Gay Fianceé (COMPLETED)
RomanceDaisynelle Charisma Ghaddi was surprised when her mother announced that she's engaged with a guy named Andrew. But what more surprises her was Andrew's identity. Andrew is a gay who have a live-in-partner but Andrew's parents doesn't know about this...