Chapter Fourteen.

3.6K 109 29
                                    


Sabado ngayon and I thanked God dahil walang pasok at hindi ko makikita si Gwen ngayon. 'Yun nga lang, isang araw kong makakasama si Andrew ngayon.



"Andrew! Tignan mo nga, bagay ba sakin?"




Itinaas ko ang dalawang kamay ko at marahan na sinabunutan ang buhok. Tapos nag-pose ako na mala-model.




Andrew is currently drinking his coffee at nakaupo sya sa dining table habang nagbabasa ng dyaryo. When he heard me, he stopped reading and glared at me.



Muntik pa akong matawa nang makita syang muntikan nyang maibuga ang kapeng iniinom nya. Buti nalang nalunok nya agad. Bwahaha!




"What the heck are you wearing?" he irritatedly asked.




"Errr...two-piece swimsuit? Hindi mo ba alam 'to?" I answered.




"It looks disgusting."




Bumalik agad sya sa pagbabasa ng dyaryo nya. Hmp! Apakasungit! Gusto ko lang naman ipakita sa kanya kung bagay ba ang bikini na nabili ko online. Kanina lang dumating 'to kaya sa sobrang excited ko, sinukat ko agad. I'm planning to have a trip after our Ojt para naman makapag-relax ako. Since one week nalang naman at aalis na kami ni Lana sa Lee Corp.




"Panget ba talaga sakin 'to?"




Umikot pa 'ko kahit alam kong hindi naman sya nakatingin sa akin. I think susuotin ko 'to kapag nakapag-beach ako.




"Yeah." bored nyang sagot na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.




Kj naman neto. Sexy naman ako, ah? Oo nga pala, he likes men. Baka nga diring-diri sya sakin ngayon. Halikan kita dyan, eh!




Padabog akong naglakad papunta sa kwarto ko. Epal na Andrew. Sinira ang mood ko. Amp sya! Napagdesisyunan kong magbihis at bumaba para bumili ng makakain sa labas since wala ako sa mood magluto. Bibili nalang ako ng cup noodles sa convenient store na nasa tapat lang ng condominium building.




Pabalik na ako sa loob ng condominium building habang nakayuko kasi nag-ifb ako eh. May kumalabit naman sakin kaya iritado akong napatingin.





"Charm?" satinig ng boses lalaki.




And then I saw Carlos with his makalaglag-panty-smile again. As usual, ang gwapo nya pa rin at ang bango-bango pa. Naalala ko tuloy na hindi pa ako naliligo kasi mas inuna kong rumampa sa harap ni Andrew kanina habang sout ang floral two-piece swimsuit na bago kong bili. Napahakbang tuloy ako ng konti para hindi ako maamoy ni Sir Carlos.



"Hey, Sir! Ano ginagawa nyo rito? Dito kayo nakatira?"




"Carlos nalang kasi. Haha. My friend is living here, hindi ako. How 'bout you?" wika nya habang hindi pa rin natatanggal ang ngiti nya.




Nagdadalawang-isip tuloy ako sa magiging sagot ko. Sasabihin ko bang sa fiancee ko ako nakatira? But in the end, iba ang naisagot ko.




"Uhm...oo dito ako nakatira. Hehe."



"Talaga? Babalik ka na ba? Hatid na kita sa floor mo." he offered.




"O-okay."




Sinamahan nya ako sa elevator. Sinabi ko sakanya ang floor number nang tanungin nya ako at nagpresenta na sya na ang pumindot. Feeling ko tuloy disabled person ako. Haleeer! May kamay ako Carlos oh! Pasalamat ka gwapo ka at hindi kita matanggihan. Hahahaha!.




Seducing my Gay Fianceé (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon