"Are you okay, Charm?"
Napalingon agad ako kay Andrew at hindi namamalayang kanina pa pala ako nakatulala. Dumating agad si Kuya Indoy habang bitbit ang food tray. Inilapag nito ang breakfast namin ngayong umaga.
"I'm fine." I sighed.
My brain still can't function very well. Masyadong inookupa ng utak ko 'yung nabasa ko kanina sa phone nya. I throw a glance at him at kalmado lang naman syang kumakain. I wonder what he's thinking right now. I'm sure naman na nabasa na nya ang text mula sa Ex nya since pumunta sya sa kwarto kanina..
"What are your plans after this?" he asked kaya muntik akong mabulunan.
"I-I think we should go home already. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko." I reasoned out.
Napatingin sya sakin at napatigil sa pagsubo ng pagkain nya. He immediately came closer saka nya inilapat ang kamay nya sa noo ko.
"Hindi ka naman mainit."
"I-Im just..not fine."
I couldn't tell him why I'am being like this. Gusto ko nalang talagang umalis at magkulong sa kwarto. I don't wanna attached myself to him anymore. Kahit na alam kong unti-unti ko na rin talaga syang nagugustuhan.
He didn't complained to what I've said. After our breakfast, nagpaalam muna si Andrew para magpa-gas sa sasakyan nya since mahaba-habang byahe rin mamaya. Nasa labas lang ako habang nakatanaw sa dalampasigan. I embraced the warm wind from the ocean.
"Okay lang po ba kayo, Ma'am?" Kuya Indoy appeared beside me..
"Opo." Napatingin ako kay Kuya Indoy. "M-may dinala na ba si Andrew rito?"
"Naku, Ma'am. Hindi naman sa chismos ako. Honest lang po ako. Hehe." saka sya napakamot sa batok. "May lalaki nga na nagpunta rito noon. Sa pagkakaalam ko, jowa 'yun ni Sir eh. Pero nakaraan na 'yun, Ma'am. Past is past, ika nga nila!" wika nya kaya napabuntong-hininga ako.
I guess, I really need to stop this. I shouldn't force myself to have a place in Andrew's life. He will never like me at mas lalong hinding-hindi nya ako mamahalin.
"What if po....bumalik 'yung nakaraan nya?" rinig kong napatawa si Kuya Indoy sa naging tanong ko.
"Naku, Ma'am! Talo pa rin ang nakaraan kesa sa ngayon. Kaya nga po nakaraan na, kasi po, tapos na." sagot ni Kuya Indoy kaya napangiti ako. Dami namang words of wisdom ni Kuya. "Saka, maaari mang bumalik ang nakaraan nyang 'yun pero hindi na gaano kalaki ang halaga nito." dagdag nya.
"Ang lalim nyo naman po magsalita." natatawang komento ko kay Kuya Indoy.
"Base on experience lang, Ma'am! Kaya rin siguro ako hindi nagka-asawa kasi hinayaan ko ang sarili kong makulong sa nakaraan ko."
Itatanong ko pa sana 'yung kwento ni Kuya Indoy kaso dumating na pala si Andrew. I can feel Kuya Indoy's sad voice kaya malamang may malungkot na kwento si Kuya Indoy kung bakit hindi pa sya nagkakaasawa.
Kinuha agad ni Andrew ang mga gamit namin pabalik sa kotse. Inihatid kami palabas ni Kuya Indoy at todo paalam naman ako sa kanya. Mami-miss ko ang masarap na luto ni Kuya..
"Ingat po kayo, Ma'am at Sir! Alam kong babalik din naman kayo rito." pagbibiro ni Kuya.
"Paalam po! I would gladly wait to hear your story next time, Kuya!" sigaw ko mula sa sasakyan.
"Sige, Ma'am! Hehehe!"
Pinaandar na ni Andrew ang sasakyan. Tahimik lang kami buong byahe namin. Nakatulog ako sa sobrang bagot. Ayoko naman kasi kausapin sya 'no! Tapos mukhang nafi-feel nya rin ata na wala ako sa mood kaya hindi na sya nagkusang kausapin ako. Nagising nalang ako dahil sa malalakas na busina sa labas. Traffic na naman. Kailan ba matatapos 'to?
Traffic na nga tapos akwkward pa! I forced myself again to sleep to avoid having a talk with him. Buti nalang nakatulog ako ulit. Nagising nalang ako dahil naramdaman kong may umaalog sakin.
"Do you want me to carry you?"
"Hindi pa naman ako lumpo, Andrew." I know I sounds like mataray. I don't want him to show his concern to me. Mas lalo lang akong mahuhulog tapos sa ending, hindi naman nya pala ako sasaluhin.
Bumaba ako sa sasakyan nya saka kinuha ang bag ko na nasa likod nito. Dumiretso agad ako sa loob para sumakay sa elevator. Pinindot ko agad ang floor number ng condo nya. Sasara na sana kaso iniharang ni Andrew ang kamay nya.
"Why are so mad? May regla ka ba?" inis nyang tanong sakin.
"What?!" inis ko ring tanong pabalik.
"PMS. You know?" saka sya umiwas ng tingin.
"PMS mo mukha mo."
I immediately distance myself away from him. Tinapunan nya ako ng tingin kaya inirapan ko lang sya. Bumukas din naman agad ang elevator kaya dali-dali akong naglakad at binunggo sya sa braso.
"PMS. Tss."
Ititipa ko na sana ang passcode nya kaso, nakita kong bukas na pala ang pintuan nya. Nakaramdam ako ng kaba habang iniisip kung sino ang nasa loob ng condo nya. There's a possibility that it might be a thief. Second, posibleng 'yung ex nya ang nasa loob at kanina pa pala ito naghihintay sa kanya.
I let a deep breath and sigh. Relax, self. Mas mabuti sigurong magnanakaw nalang 'yung nasa loob kesa 'yung ex nya.
Kaso kung magnanakaw 'yun, there's a big chance na patayin kami. Goddammit! Kaso ayoko namang ex nya ang sumalubong samin. That would be awkward!
"What are you doing?" baling ni Andrew nang makitang hindi pa ako pumapasok sa loob.
Hahawakan na sana nya ang doorknob pero pingilan ko sya agad.
"Wait!" humarang agad ako sa pintuan nya.
"What?" he looked confused.
"W-what if may magnanakaw sa c-condo mo?" kinakabahang tanong ko. Tinaasan nya lang ako ng kilay.
"That's impossible. Mahigpit ang security rito." he chuckled kaya nainis ako.
"What if nga, diba? WHAT IF! Sinabi ko bang
totoo na may thief? Duh?!" I crossed my arms at inirapan sya."Walang magnanakaw, okay? Now move, woman or else I'll kiss you until you-"
I moved immediately. Mahirap na 'no!
Binuksan nya agad ang pinto. Pumasok sya agad, ako naman dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob.
"ANDREW!"
Napalingon ako sa taong naka-upo sa may sofa. Tumayo agad ito nang makita nya si Andrew..
BINABASA MO ANG
Seducing my Gay Fianceé (COMPLETED)
RomanceDaisynelle Charisma Ghaddi was surprised when her mother announced that she's engaged with a guy named Andrew. But what more surprises her was Andrew's identity. Andrew is a gay who have a live-in-partner but Andrew's parents doesn't know about this...