Akala ko pa naman papagalitan ako pag-uwi ko. Unfortunately, iba pa ang nadatnan ko nang makarating ako sa bahay. I saw my mom crying. Ngayon ko lang ulit sya nakitang umiiyak ng ganito.
"Hey, mom. Why are you crying?" bungad ko nang makapasok sa may sala.
"Charm.." she sobbed. I can feel that she's holding too much problems. "Our company. Unti-unti na itong nalulugi." umiyak ulit sya kaya niyakap ko si mom.
Naiiyak na rin ako dahil nasasaktan akong nakikitang umiiyak ang magulang ko. I felt useless. Wala man lang akong magawa para maisalba ang kompanya namin kasi nag-aaral pa ako sa ngayon.
I honestly don't have enough experience to help my dad. Kaya nga nag-aaral ako eh, para kapag nakapagtapos ako, matulongan ko sila na mas palakihin pa lalo ang kompanya.
"Where's dad?" tanong ko nang medyo kumalma na si mommy sa kakaiyak.
"He's in our company. Nagkaproblema rin kasi 'ron." pinahid nya muli ang mga luhang pumapatak. "I don't want to lose our company, Charm. Its not about the money that I'am scared to lose. Gusto ko kasi kapag mawala na kami ng dad mo, may maiiwan kami para sa magiging pamilya mo." I felt my heart was aching.
I know that parents are just concerned about our future. How did I become selfish? Kaya lang siguro naisipan nina mommy na i-engage ako dahil ang gusto lang nila'y mapabuti ako.
Ginagawa nila ang lahat para maisalba ang kompanya. Ilang henerasyon na rin kasi ng pamilya ni mommy ang nagpatakbo neto kaya't naiintindihan ko kung bakit ayaw nyang mawala ang kompanyang iniingatan nya.
"Nagpapasalamat nga kami ng daddy mo kasi andyan sina Mrs. Dela Vegas para tulongan ang kompanya natin." wika ni mommy habang umiiyak pa rin. "Malaki-laki na rin kasi ang utang na loob natin sa kanila, anak."
Thankful pa rin pala ako sa parents ni Andrew. Tinutulongan pala nila ang kompanyan namin. Siguro dahil na rin engagement namin. Lalo pa't nakatakda akong ikasal sa anak ni Mrs. Dela Vegas.
Kaya hindi sila nagdadalawang-isip na tulongang makaangat ang kompanya namin.
"Sshh. Don't worry, mom. Everything's gonna be okay."
Nang kumalma na si mommy, nagtungo muna ako sa kwarto ko para magpahinga. Para na rin makapag-isip.
"Slow, amp! Tulongan mo si Andrew magmove-on. Kilalanin nyo isa't-isa at kung hindi mag-work edi tapos ang engagement nyo."
I'm sorry, Hannah. I guess, alam ko na ang sagot. I should not ask Andrew to stop our engagement. This is the only way na matulongan ko ang kompanya namin.
Bumangon agad ako at nagbihis. Kinuha ko ang dalawang luggage bag saka nilagay ang mga damit na kakailanganin ko.
"This is your time to know Andrew very well."
Tama ka nga, Hannah. This is my only chance to get close to him. Ayokong palampasin ito dahil baka magsisi ako. Isa pa, sa paraang 'to maisasalba ko ang kompanya namin.
Pinuno ko ang dalawang luggage bag ng mga gamit na kakailanganin ko sa pang-araw-araw. Nang matapos ako, bumaba agad ako hila-hila ang dalawang bagahe.
Feeling ko tuloy para akong isang anak na lalayas.
"Mom.." naabutan ko si mommy na may kausap sa phone. Nang makita nya ako agad nya namang binaba 'yun. "I'm leaving, mom." paalam ko na kinabigla nya.

BINABASA MO ANG
Seducing my Gay Fianceé (COMPLETED)
RomantizmDaisynelle Charisma Ghaddi was surprised when her mother announced that she's engaged with a guy named Andrew. But what more surprises her was Andrew's identity. Andrew is a gay who have a live-in-partner but Andrew's parents doesn't know about this...