Chapter Eight.

3.7K 115 63
                                    

"I'm going to set rules for this. Ayaw ko kasi may magrereyna-reynahan eh condo ko naman 'to."




Pambungad nya sa akin ng makalabas ako ng KWARTO KO. Ang guest room nya na ngayon ay kwarto ko na. Mwehehe!




Napataas naman ako ng kilay sa sinabi nya? Ano namang mga rules kaya? Dapat isa rin sa rules ay ang, strictly no bringing fafabols. Echos! Pero kiber narin!




"Ano bang rules mo?"




Tinitigan nya ako ng maigi saka sya nag-cross arms. Ang seryoso pa ng mukha na parang sa isipan nya'y isa akong kawatan.




Unti-unti naman syang lumapit sakin kaya napapaatras ako. Hindi rin ako makaiwas sa mga titig nya sakin. Jusko naman 'tong baklang 'tow! Kinakabahan tuloy ako. Baka reypin nya 'ko, e.




Oo nga pala, shukla pala 'tong si bakla. Sa aming dalawa, mas may chance pa na ako ang mang-rape sa kanya.




Yummyness pa naman ang body nya. Tapos 'yung maumbok nya na bundok sa loob ng boxers nya...Erase! Erase! Anubayan! Kung ano-anu na 'tung iniisip ko.




"Rule no. 1.." tumitig pa sya lalo sakin. 'Yung titig na pinapahiwatag na dapat isuksok ko ang sasabihin nya sa pinakailaliman ng utak ko. "Strictly no touching. Ayokong lumapit-lapit ka sakin at ayoko rin namang lumapit sayo."




Ang arte naman ng baklang toww! Wala naman akong virus 'no! Ipa-tulfo ko pa kaartehan nya, e. Isusumbong ko sya kay fafa Raffy, sasabihin kong, Fafa Raffy, may ka-live in po kasi akong shukla. Ayaw nya pong kahit isang beses na mahawakan ko sya. Ang arte arte po, diba? Fafa Raffy?




"Rule No. 2! No sharing of foods. Pagkain ko'y akin. Pagkain mo'y iyo. Magluluto ako ng para sa akin at magluluto ka ng para sa'yo."





Hindi ko naman alam na ang takaw pala ni shukla. Pero okay lang naman sakin kasi marunong naman ako magluto. Alams nyo na, hindi lang ako puro ganda at talino 'no. I can cook, I can clean the house, I know how to wash the dishes! Oha! Pang-wife material 'tong ateeng 'nyo!




Yes, I do the cooking! Yes, I do the cleaning!




"Rule No. 3.." umayos naman sya sa pagkakatayo nya ngunit hindi nya pa rin tinatanggal ang pagtitig sakin. Ano ba't puro sya titig. May dumi ba ako sa mukha? O naiinggit sya sa beautyness ko? "Bawal magdala ng mga bwisita na hindi ko naman kilala." diniinan nya pa talaga ang word na 'bwisita'. Galet na galet beks?




"Rule No. 4, Bawal ang mga basurang pakalat-kalat dito. In short, ayokong makitang marumi 'tong condo ko."




Ayy taray! Basura raw oh! Itapon ko na ba sarili ko?




"Rule No. 5..."




"Ang dami mo namang rules. Hanggang 20 ba yan? Iprint mo nalang kaya tapos babasahin ko nalang later." angal ko sa kanya na kinataas naman ng kilay nya.




Totoo naman, eh. Itype nya nalang sa laptop nya tapos i-print nya. Oh diba less hassle, less laway.




"Huwag mo kong pakialaman sa mga gagawin ko at hindi kita pakikialaman sa mga ka-echossan mo sa buhay. Liban nalang sa rules na lalabagin mo, diretso kick out sa condo ko."




Ano sya, si Kuya? Diretso force evict kapag may nilabag sa rules? Hired ko na kaya sina Toni at Kim para may maglilive sa mga nangyayaring kaganapan sa condo ni shukla.




"Wala bang rules na bawal ma-fall?" tanong ko sa kanya. Mukhang nandidiri pa sya sa narinig nya.




"Wala. Saka ba't naman ako ma-fafall sayo. Mangyayari lang 'yun kapag naging tunay na babae na si Vice Ganda." sagot nya saka nag-out na sa harapan ko.




Ang sungit talaga ni bakla. Nagtatanong lang naman ako, eh. Baka kasi may rules syang ganyan edi na-basted na 'ko sa pinaplano ko.




Since mukhang tapos na si Andrew sa mga ka-ek-ekang rules nya, dumiretso muna ako sa kwarto at naisipang umidlip. Alas kwatro pa naman ng hapon kaya may oras pa akong makapagpahinga.



-----------------


"Ayy! Pucha naman! May sariling buhay ba 'tong mantika at tumatalsik-talsik sya?!" reklamo ko na kinakunot ng noo ni Andrew.




Mukhang naiisturbo ko sya sa panonood nya sa netflix kasi napapalingon sya sa gawi ko rito sa kitchen. Tuwing nagtatama ang tingin namin, napapairap naman sya.




Linggo ngayon at kasalukuyan akong nagsusunog ng ulam dito sa kitchen nya. Kagabi kasi hindi na ako nagluto at nagpadeliver nalang ng pagkain para sa sarili ko.




Kaya heto ngayon, I'm suffering from this pain. Chos! I'm suffering from this pain na galing sa mantikang galet na galet sakin! Ako naman 'tong todo ilag kapag bumubuga ang mantika.




Napangiti ako nang matapos ako sa pagprito ng hotdog ko. Nagtataka nga ako eh kanina kasi pula 'tong hotdog, ngayon naging kulay sunog. Normal lang ba 'to guys?




Since gutom na 'ko at no choice na kinain ko nalang ang niluto ko. Ang panget pala ng lasa ng sunog na ulam. Huhu! Mommy, help me! Nawalan tuloy ako ng gana. Buti pa si Andrew tapos na syang kumain.




Pagkapatapos nya kasing magluto, sumunod agad ako sa kanya. Kumain naman sya mag-isa kanina na hindi man lang ako inimbitahan kumain. Buti nga hindi nabilaukan si bakla. Kasi kapag nangyari 'yun, tatawanan ko talaga sya.





Bwisit kasi na rule no. 2 'yan. Ekis na pala 'yung sinabi kong marunong ako magluto mga beh. Na-realize ko pala noong kaharap ko ang kawali at ang mantikang galet na galet sakin na wala pala akong skills sa pagluluto.



"Ano 'yan? May hotdog bang itim?"




Nakatayo na pala si Andrew sa gilid ko. Hindi ko man lang napansin kasi kanina pa ko nakikipagtitigan sa hotdog na niluto ko.



"New recipe ko 'yan! Hotdog 'de sunog recipe. Oh diba ang sarap pakinggan." natatawang sabi ko.




Siguro kung nagsasalita lang 'tong hotdog, baka umiyak na 'to kasi kinawawa ko ang pagkatao nya. Dating pula na ngayo'y naging itim.



"Kababaeng tao, 'di marunong magprito." napasimangot naman ako sa sinabi nya.




Nakita ko syang kumukuha sa ref nya ng hotdog saka nagpa-init ng mantika sa kawali. Pinagmasdan ko lang sya sa ginagawa nya. Bakit kaya ganun? Kanina 'yung mantika kung makatalsik sakin, wagas! Ngayon naman kay Andrew, chill lang sya sa pagprito.




"Ayan. Ganyan magprito ng hotdog. Hindi sunog, hindi gaya ng iyo. May parecipe-recipe ka pang nalalaman." saka nya nilapag ang tatlong hotdog sa harapan ko.




Umalis agad sya sa harapan ko at padabog na pumasok sa kwarto nya. Napangiti nalang ako at napasigaw.




"Salamat sa hotdog mo, bebeh!" sigaw ko mula rito sa kitchen.



Tinikman ko naman ang lutong hotdog nya.




Ang sarap pala ng hotdog ni Andrew. I mean, 'yung pritong hotdog!

***

Seducing my Gay Fianceé (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon