XV- LET THE GAME BEGIN

3.8K 105 5
                                    

3RD PERSON'S POV

Hindi pa nakakaalis si Justice . Naghihintay siya sa loob ng kotse. Matamang naghihintay kung maisasabay niya si Lemuela. Nang makitang lumabas ang dalaga, kaagad siyang lumabas at niyaya siyang sumabay sa kanya.


"Halika na..."

"Justice, salamat na lang..."

"Ano bang problema?"


Pero hindi umimik si Lemuela. Madami siyang dalang gamit para sa kanilang paintball activity ng umagang iyon. Hindi siya nagpahalata na bahagyang masakit ang kanyang na-sprained na paa.


"Sasali ka pa rin ba kahit hindi pa maayos ang kondisyon ng paa mo?"

"Huwag mo akong pakialaman..."

"Ayoko lang na lumala ang kondisyon ng sprain mo..."

"Salamat na lang sa pag-aalala..."


Lumapit si Justice kay Lemuela ngunit umatras ang dalaga. Ayaw nitong hawakan siya ng binata. Kunwari lang naman iyon para mangilag lang sa kanya ng konti si Justice.


"Aalis na ako..."

"Lemuela..." Sigaw ni Justice ngunit hindi siya nilingon ng dalaga. Nakita na lang niyang sumakay ito ng jeep kaya umalis na rin siya.



JUSTICE ' POV


Napakahirap ng sitwasyon ko. Mukhang ngayon pa ako makararanas ng pagkabigo sa babaeng ito. Akala mo naman, kagandahan e angliit naman. Oo, kahit ganun para akong hindi pulis. Hindi ko siya makuha sa astigan. Mas matapang pa nga siya kaysa sa akin. Hindi ko maipagpilitan ang gusto ko kapag siya na ang kausap ko. Siya palagi ang panalo.


IMPOUNDING AREA


Hinati ang aming grupo sa dalawa. Naka-camuoflage ang isang grupo at nakakulay itim naman kami. Kulay pulang pintura ang laman ng aming baril at kulay yellow ang sa kalaban. Mayroong mask ang buong mukha namin. May oxygen naman kaya, okay lang.


Bahagyang mapuno ang lugar kaya mayroon kaming puwedeng pagtaguan. Tambakan ng mga impound na sasakyan ang lugar. Mahirap maghanap dito. Padamihan na lang daw ng mababaril sa kalaban.


Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ng mga oras na iyon? Totoong laban ito. Nag-ingat ako na hindi ako matamaan. Hinanap ko talaga sila. Hindi ako nagtago. Iniangat ko ang aking mask at sumigaw.


Parang walang gustong lumabas. Parang walang gustong magpaputok. Hindi matatapos ang laro kung patuloy silang magtatago kaya sumigaw si Lemuela at hinamon ang mga kaklase.


"Lumabas kayo!" Hinintay ko kung sino ang lalabas sa kalaban. Walang kumilos hanggang sa isa-isa silang nagpakita.

"Sinong sumigaw?" Sabi ni Homer. nanatili siyang nakakubli.


Nakatago ako sa pinakaligtas na lugar. Nagtiyaga siyang umakyat sa pinakataas na patas ng lumang sasakyan. Sniper lang ang peg. At feel na feel ko ang pagiging sniper. Hindi kasi siya puwedeng makipaghabulan sa mga kaklase. Bahagya pa niyang nararamdaman ang kirot ng kanyang sprain. Puro sa noo ang tama ng limang kalaban. Isang pulang-pulang splat sa helmet ang tumama doon kaya dead na sila.

SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon