XXI- IN THE BEGINNING

3.1K 97 0
                                    

LEMUELA'S POV


Ginugul ko ang isang linggong bakasyon para makasama sina Nanay at Romuela. Pansamantala akong bumalik sa bahay . Nakatulog ako ng mahimbing na walang inaalala. Sanay na akong gumising ng maaga para mag-jogging.


Sa hapag kainan...


"Anong balak mo? "Tanong ni Nanay.

"Lumabas na po ang job order ko. Magrereport na po ako sa presinto kung saan ako nakadestino"

"Sigurado ka ba sa pinapasok mo , Lemuela"



Hindi pa rin maka-move on si Nanay. Wala siyang ibang tanong sa akin kundi iyon at iyon pa rin.



"Nanay, tapos na po ako. Ibang mundo naman ang tatahakin ko. Suporta at pang-unawa po ninyo ang kailangan ko ngayon"

"Kumusta kayo ni Justice?"

"Kami ni Justice? Kailan pa po ba naging kami?..."

"Hindi mo pa ba siya sinasagot? Mukhang masigasig ang binatang iyon sa panliligaw sa iyo a"

"Pero hindi ko po siya kayang pagbigyan. Baka makasagabal lang siya sa mga plano ko"

"Anak, kailangan mo rin ng kaagapay sa buhay balang araw"

"Pero hindi po sa pagkakataong ito"

"Kailan mo pa siya pagbibigyan?"

"Nanay..."

"Okay, sige. Pati ba naman yan e pagtatalunan pa natin. Ikaw naman ang nakaaalam kung sino talaga ang gusto mong makasama balang araw"



Napaghahalata si Nanay. Mukhang boto siya kay Justice. Mabuti kung ganun...



Napahinto sila ng usapan ng may biglang pumarada na kulay pulang kotse sa tapat ng bahay nila. Bumaba ang dalawang lalaki na mukhang mga ahente. May hawak na clipboard ang lalaki.

Biglang tumunog ang aking cellphone. Si Ninong ang nasa linya.


"Good morning po, Ninong.."

"Ah talaga po..."

"Wow! Ninong masyado naman pong..."

"Hindi po ako makapaniwala..."

"Thank you po..."


Pinatay na niya ang cellphone.


"Ninong mo ba ang kausap mo?"

"Galing po kay Ninong sa kotse. Regalo daw po niya sa akin"

"Huh! abah at masyado yatang galante itong si Logan. Kotse pa talaga ang regalo sa iyo"


Ganoon siya kamahal ni Logan. Palibhasa ay walang anak ang hepe kaya halos naibuhos niya lahat kay Lemeuela ang pagmamahal nito. Kahit noong nasa akademya ito, halos sunod sa luho si Lemuela.

Dumating si Justice kinahapunan ...


"Good evening po, Ma'am Thelma..."

"Ano ka ba? Huwag mo akong tawaging Ma'am. Puwede na yung Tita... Halika, pasok... Maupo ka at tatawagin ko lang si Lemuela"


Ilang saglit lang at kasunod na ni Thelma si Lemuela. Inabot ng dalaga ang mga bulaklak. Tahimik siyang umupo .


"Bakit ka na naman nandito?"

"Dinadalaw ka... Masama ba?"

"Ayoko nung palagi kang nandito"

"Bakit? may nagbabawal na ba sa iyo?"

"Justice..."

"Lemuela, huwag mo rin akong pigilan sa gusto kong mangyari. Kung gusto mo akong tanggihan, bahala ka pero huwag mo akong pigilan sa gusto kong gawin. Masaya ako kapag nakikita ka kaya huwag mo na akong pagbawalan"

"Sige, kung yan ang gusto mo... Fine... Do whatever you like"

"Hindi ako susuko..."

"E di wow!"


Isinabay namin si Justice sa hapunan. Si Ela hindi na naman napigilang magtanong.


"Kuya Justice, sinagot ka na ba ni Ate?"

"Wish mo lang..." Sabi ni Justice sabay tingin kay Lemuela. Patay malisya naman si Thelma.

"Mahina ka pala e" Pang-aasar ni Ela.

"Mukhang may hinihintay yata ang ate mo." Pa-humble na sabi nito pero may kurot sa puso niya.

"Mahirap kasi yung umaasa ka. Huwag mong aksayahin ang panahon mo sa taong hindi ka naman binibigyan ng pansin"

"Mahirap yan, Lemuela. Huwag mong hintaying mawala ang isang bagay bago mo ma-realize na mahal mo na pala siya baka lalo mong pagsisihan ang lahat"


Ayon ang hugot ni Justice. May point naman siya. Pero hindi niya ako madadala sa ganung mga palabas niya. Magtiyaga siya, yan ang ginusto mo e. Boto na nga sa kanya si Nanay kaya ano pang pinuproblema niya


SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon