IX- NINONG'S ADVICE

4.6K 138 0
                                    

Naalala ko ang sabi ni Justice.


Natanggap daw niya ang inquiry ni C/Insp. Razon para ipa-deny ang mga papeles niya. ibig sabihin, hindi rin sang-ayon ang kanyang ninong sa plano nitong pagpupulis.


Tumunog ang aking cellphone.


"Huh! Si Ninong"

"Pumunta ka sa aking opisina mamaya"- text message ni Ninong.


Bagamat nag-aalinlangan ay sinikap kong makapag-ipon ng lakas ng loob na harapin si Ninong Logan.

Kalalabas lang ng ilang mga pulis sa kanyang opisina ng pumasok ako.


"Good afternoon po"

"Maupo ka" Seryosong utos ni Ninong. Ni hindi ko na magawang magmano dahil isnab kaagad si Ninong. Malamang hindi niya iabot ang kanyang kamay kapag nagmano ako. Mapapahiya lang ako. Tahimik akong naupo sa sopa.

"Itinuloy mo pala talaga ang pagpasok sa Police Academy!" Medyo madiin ang pagkakasabi niya. Halatang galit.

"Ninong naman"

"Ano 'yang hitsura mo? Nagpagupit ka pa talaga ng buhok" Panenermon ng matandang opisyal.

"Sabi ko na nga ba e" Napakamot na lang ako ng ulo.

"Hindi mo na inisip ang kalagayan ng iyong nanay. Nilayasan mo na lang ng ganun-ganoon si Thelma para lang makapagpa-enrol ka. At nag-drom ka pa. Sa tingin mo, kaya mo na talagang mag-isa. Kaya mo na ang sarili mo!"

"Ninong, sorry na po..."

"Kung nabubuhay lang si Pare..." Napahinto si Ninong Logan. Seryoso siya habang nakatalikod sa akin.

"Ninong , sorry na po... Ito po kasi talaga ang gusto ko. Gusto ko po talagang magpulis."


Umiyak na ako. Walang pinagkaiba ang sitwasyon ko sa harap ng mga pulis na nag-interview sa akin hanggang sa pagpasok ng mga professor ko sa lahat ng klase namin kaninang umaga. Basta kapag nalamang Gonzalez, minamaliit nila ako dahil isa akong babae. Hanggang dito ba naman, hinuhusgahan pa rin ako. Kanino na lang ako hihingi ng suporta? Wala namang iba kundi sa kanila lang naman... kay Ninong Logan at kay Nanay. Isama na si Romuela na nagtago ng lihim ko.


"Ano pa bang magagawa ko? Nandyan na yan... Hindi mo alam kung gaano mo pinag-alala ang nanay mo. Naglayas ka pa talaga..." Buntunghininga ng lalaking nasa 50 taon na ang edad.

"Sorry na po, Ninong..."


Matapos niya akong sermunan kinumusta niya ako sa dorm. Huminahon siya nang pagsasalita. Napabuntung hininga lang siya ulit.


"Halika nga dito" Ibinukas nito ang kanyang mga braso at hinintay na yumakap ako sa kanya.

"Yes, payag ka na po!"

"Wala akong magagawa kung dyan ka talaga masaya"

"Salamat po talaga, Ninong"

"Mag-aral kang mabuti doon. Sabihin mo sa akin kung sino ang nang-aapi sa iyo doon"

"Hindi kaya lalo akong pag-initan sa ginagawa po ninyo"

"Pag-iinitan ka o malilintikan sila sa akin. Mamili sila?"

"Heto, allowance mo" Inabutan niya ako ng pera. Hindi ko sana kukunin kasi sapat naman ang pera ko pero kilala ko si Ninong. Kinuha ko na rin at idadagdag na lang sa ipon ko.


Pinahatid niya ako sa sasakyan para daw siguradong umuwi ako ng maaga. Sinabihan niya akong mag-aral mabuti at iwasan ang paglalakwatsa. Aral kung aral. Walang ligaw-ligaw. Kasing- istrikto lang siya ni Tatay.


"Lemuela, huwag mong kalimutang i-text ang nanay mo at sabihin mong nagkausap na tayo. Sabihin mo rin ang kalagayan mo sa dorm para hindi siya mag-alala"


Tumango lang ako.


"Sagot!"

"Sir, yes Sir.." Napasagot ako ng ganun sa sobrang gulat ko at natawa na lang si Ninong.


SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon