XXXVIII-LEMUELA'S DILEMMA

2.8K 68 0
                                    

LEMUELA'S POV


Hindi ako naiintindihan ni Justice. Hindi niya alam kung ano ang hirap ng kalooban ang ibinigay sa amin ng pagkamatay ni Tatay. Aanhin namin ang pera kung wala si Tatay. Siya lang ang pinakamahalagang tao para sa aming tatlo.


Ang salitang patawad ay hindi ko pa natututunang gamitin. Ni hindi pa pumapasok sa aking isipan lalo na sa puso ko.


Hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng presinto. Binayaran ko ang metro ng taxi. Nagmadali akong bumaba at nagpunta ng parking area. Mabuti na lang at nasa bulsa ko ang susi ng aking kotse...



Pasado alas dose na akong umuwi. Sinalubong ako ni Nanay. Namumugto ang mga mata nito.


"Anak, bakit ngayon ka lang?" Tanong niya sa akin.

"Nanay, bakit po gising pa kayo? Bakit kayo umiiyak? "

"Lemuela, si Ela.... si Ela"

"Bakit po? May nangyari ba kay Ela?"

"Hindi mo ba natanggap ang mga text ko"


Naalala ko na naiwan ko sa kotse ni Justice ang bag ko ng pumasok kami sa bahay nila kaya hindi ko alam na tumatawag si Nanay.


"Ano pong nangyari?"

"Hindi pa umuuwi ang kapatid mo"

"Ano? Saan po siya nagpunta? Nagpaalam po ba siya sa inyo?"

"Nagpunta dito ang mga kaklase niya. May dumukot sa kapatid mo habang pauwi siya kanina galing ng school. Isinakay daw siya ng van. Dinala na lang nila ang gamit ni Ela"


Bigla akong nawalan ng lakas. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong magwala sa galit. Nakita ko pa ang pag-aalala ni Nanay kay Ela. Bigla kong naalala ang aming misyon, nasabi doon na madaming kababaihan ang nawawala bawat buwan dahil ginagawa silang sex slaves.


Hindi ako nakatulog buong magdamag sa pag-aalala. Para akong paranoid. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.


Hindi muna ako dumiretso sa presinto kinabukasan. Pinuntahan ko ang mga kaklase ni Ela na kasama niya ng araw na may dumukot dito. Matagal na palang may palaging sumusunod na van sa kanya. Ni hindi man lang niya iyon nababanggit sa akin. Hindi niya siguro naisip na nasa panganib siya. Sa hinuha ng kanyang mga kaklase matagal na siyang minamanmanan. Nagkataon lang na naunang lumabas si Ela habang naghihintay sa kanyang mga kaibigan pauwi. Naiwan nito ang kanyang mga gamit .


Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak sa loob ng kotse paglabas ko ng gate ng school nila.


"Tatay, hind ko po alam ang gagawin ko. Diyos ko, tulungan ninyo ako...HUHUHUHU!..."


Matagal na akong nasa parking area ng presinto. Hindi ako makapag-isip ng tama. Hindi ko nga masyadong ininda ang pagbi-break namin ni Justice pero sa tingin ko mas kailangan ko siya sa mga pagkakataong ito.


"Humingi ka ng tulong sa ninong mo. "

"Sabihin mo kay Justice ang nangyari... "

SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon