XX- SUCCESS!

3.4K 99 0
                                    

LEMUELA'S POV


Saglit lang ang dalawang taon. Hindi ko namalayang ga-graduate na rin ako. Nakatanggap ako ng mataas na karangalan sa aking pagtatapos. Muling naging matunog ang apelyidong Gonzalez simula ng tumuntong ako sa akademya. May mga awards akong nakuha bilang kauna-unahang babae sa SWAT TEAM. Team leader ako ng mga panahong iyon. Natsambahan ko lang siguro. Magaling din kasi ang teamwork namin. Best Sniper of the Year din ako. Yun talaga ang pangarap ko. Maging Sniper.


Hindi ako natiis ni Nanay. Dumalo siya sa graduation ko. Proud na proud din si Ninong Logan ng isabit sa akin ang natanggap kong medalya. Tinanggal ko iyon at isinabit din sa kanya.


LEMUELA'S SPEECH

Para sa nakatataas na pinuno ng ating Kapulisan, magandang umaga.

Sa kapwa ko, magsisipagtapos... ito na ang katuparan ng ating pagsusunog ng kilay sa apat na taon natin sa akademya.

Napakasaya ko ngayong araw dahil natupad ko na rin ang aking pangarap, ang maging isang pulis. Sana, nandito ang taong pag-aalayan ko ng aking karangalan... ang dahilan kumbakit ako nagpulis. Sabi ko noon, saglit lang ang apat na taon... magpapang-abot pa kami. Magiging partner kami ni Tatay pero sayang hindi na niya ako nahintay.

Kay Nanay, Kay Romuela at kay Ninong... salamat sa inyong suporta.

Sa lahat ng mga kaklase ko, mga nakaaway ko, nakalaban ko sa mga kompetisyon, mga naging kaibigan ko... salamat sa inyong lahat.

Bukas ay isang panibagong umaga para sa ating lahat...

Humayo tayong lahat at gawin ng tama ang ating tungkulin at panatilihing walang bahid dungis ang ating pangalan bilang mga pulis.



Tuluyang bumagsak ang luha ni Lemuela.


"Salamat, Ninong sa lahat ng suporta mo sa akin sa lahat ng pagkakataon. At higit sa lahat, sa napakabuti at mapagmahal nating Diyos..."


Wala kasing anak si Ninong Logan kaya naiyak siya ng ibigay ko sa kanya ang parangal na iyon. Hindi ko naiwasang umiyak ng magbigay ako ng speech. Pinasalamatan ko ang Diyos dahil ginabayan niya akong makapagtapos. Inialay ko ang aking tagumpay kay Tatay, kay Nanay at kay Romuela.


Kinabukasan ay mag-isa kong tinungo ang puntod ni Tatay. Inialay ko sa kanya ang aking medalya at nangakong hahanapin ang lumapastangan sa kanya. Heto na naman ako at umiyak sa harap ni Tatay. Iyon ang naging kanlungan ko sa lahat ng pagkakataon.


"Sana Tatay nakita mo kung gaano kasaya si Ninong ng ibigay ko sa kanya ang medalya sa taas ng stage. Naiyak po ako kasi mas gusto ko sanang ikaw ang magsabit sa akin niyon. Best Sniper ako Tatay. Nag-standing ovation po silang lahat sa akin."


"Tatay, mahahanap ko na rin po ang taong pumatay sa inyo"


Yumuko si Lemuela. Umagos ang luha sa kanyang mga mata. Kuyom ang palad nitong napasuntok sa lupa habang nakaluhod ito sa harap ng puntod ng ama. Nandoon pa rin ang poot sa taong lumapastangan sa ama. Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na iyon.


Nagmadaling umuwi si Lemuela at nadatnan doon si Justice.


SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon