XXIV- TWISTING MOMENTS

2.7K 75 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Kinabukasan, wala ni anino Justice siyang nakita. Wala rin itong miscol o text sa kanya. Napansin ni Gwen na wala sa sarili si Lemuela. Nakatingin nga siya pero tagos-tagusan ang titig.


"Hmm Lemuela, may hinihintay ka ba? Kanina ka pang parang di mapaanak na pusa?"

"Huh wala ha!"

"Baka naman, hinahanap si Justice?"

"Excuse me... Anong K para hanapin ko ang kumag na yon?"

"Etchos... Huwag ka nang mag-deny dahil tayo-tayo lang naman ang nandito"

"May nangyari ba?"

"Tigilan nga ninyo ako.... Tapos na ba yang ginagawa mo?"

"Iniiba ang usapan... Baka gusto mong pag-usapan natin si Justice"

"Tantanan nga ninyo ako..." Sabay alis ng gloves ni Lemuela at lumabas ng laboratory.


Lumabas ito ng gusali at dumiretso sa kantin. Bandang alas tres na rin iyon ng hapon.


Umupo siya sa isang bakanteng upuan atsaka kumaing mag-isa. Malalim siguro ang kanyang iniisip at hindi namalayang nakisalo sa mismong mesa niya ang binata... si Homer.


"Ale, makikisabay na rin ha!' Ngunit halata niyang wala sa sarili ang dalaga. Hindi umimik si Lemuela. Maging si Homer ay nagulat sa reaksyon ni Lemuela.

"Kailan ka pa umupo dyan?"

"Bakit ba parang wala ka sa sarili mo?" Sumubo ang binata at halatang gutom na nilantakan ang pagkain sa tray nito.


Biglang nagdagsaan ang ilan pang mga pulis na animo'y gutom na gutom. Masyado tuloy maingay sa loob ng kantin. Ipinatong ng mga pulis ang kanilang mga gamit sa ibabaw ng mesa. Umupo at pansumandaling nagkuwentuhan.


"Para talagang palos ang mga anak ng...." Tinanggal ang cap nito at ipinatong din sa mesa.

"Akala siguro nila, makakatakas sila"

"Mabuti na lang at magaling si Justice. Hanga talaga ako sa kanya kapag tropa niya ang kumana" Sabay apir ng dalawang pulis.


Pagpasok ni Justice, nagkaroon ng malakas na kantyawan sa loob ng kantin.


"Congrats, Justice"

"Tsamba lang yun, Sarge"

"Magpainom ka naman"


Bigla siyang napalingon sa tapat niya at napansing tahimik na kumakain sina Homer at Lemuela. Nagkatinginan ang dalawa. Tumayo si Lemuela. Lalong nawala sa mood si Justice.


"Uy, Lemuela. Mukhang hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo" Sabi ni Homer.

"Nawalan na ako ng gana" Sagot niya.

"Bakit dahil nakita mo ako?" Sigaw ni Justice. Hindi siya pinansin ng dalaga. Umuusok ang ilong ni Justice sa inis. Halos sagad na sagad ang pasensiya niya sa ginagawa ni Lemuela.

"Sarge, masyado namang mainit ang ulo mo. Babae yun eh" Awat ni Roman.


Parang may cold war sa pagitan nina Lemuela at Justice. Hindi sila puwedeng magkasalubong dahil para silang mga manok na panabong. Hindi rin sila puwedeng magkadikit dahil para silang mga aso't pusang magkakagatan.

Hindi rin nakatiis si Justice.


"Lemuela"

"Justice, please don't make things obvious when we are at work. Kung galit ka sa akin o naiinis, tigilan mo ang pagbibigay ng mga side comments"

"Kayo na ba talaga ni Homer?"

"Kung ano ang nakikita mo, sarilinin mo na lang"

"But I won't give up... Girlfriend ka pa lang naman e... Hindi pa naman asawa. Girlfriend nga,naagaaw pa. Asawa pa kaya?"


Dumating si Homer.


"Lemuela...." Ngunit hindi siya pinansin ng dalaga. Tumalikod na rin si Justice at hindi na rin siya pinansin.


Nakita ni Justice na magkasabay umuwi sina Homer at Lemuela. Si Homer ang nag-drive ng kotse. Hindi napansin ng dalawa na nasa loob na ng kotse si Justice at pauwi na rin sana.


"Mukhang sila na ngang dalawa"



JUSTICE'POV


Lalong sinusubukan ni Lemuela ang haba ng aking pisi. Hindi ko alam kung ano ang totoo. Nang makita ko sila ni Homer parang gusto kong manuntok ng tao. Hindi ako makapapayag sa nakita ko.


Kahit gusto ko nang matulog, hindi ko magawa. Si Lemuela ang naiisip ko.


Na-miss ko ang halik niya at ang yakap niya niya...



Kahit pulis, marunong ding mag-deny ng nararamdaman.


SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon