XXXVII- DEADLY GAME

3K 74 8
                                    

LOGAN'S POV


Matagal nang plano na isang malawakang entrapment kay Conrad Go. Sa kabila ng kabi- kabilang buy bust operation, naging mahinang ebidensya ito upang maipakulong siya ng habambuhay. Puspusan ang pagtatrabaho nina Roman at Justice. Lahat ng magagaling na police asset at pinakilos na niya. Sa loob halos ng dalawang taon, pinagtiyagaan ng dalawa ang development ng kaso hanggang sa maikasa ang plano ngayong araw.


Isang plano na alam kong ikagugulat nila.


Mukhang pang-pelikula pero sa tingin ko ay magiging epektibo lalo na kung makikipagtulungan ang lahat , maingat at masusi ang bawat hakbang na gagawin. Susunod sa bawat iuutos at hinding hindi gagawa ng sariling kilos dahil baka ito pa ang ikabulilyaso ng mga pinagpaguran ng magagaling kong pulis.


Misyon: Buwagin ang malaking drug activities ni Conrad


Matapos ibigay ni Justice ang overview ng buong plano, tumayo ako sa harap. Hinintay kong pumasok ang mga kababaihan ng Forensic Department. Alam kong hindi ito magugustuhan ni Justice. Kinakabahan siya at hindi rin mapakali. Panay ang bulong kay Roman kumbakit ako tumigil.


"Magkakaroon tayo ng undercover agent" Napuno ng alingasngas sa loob ng hall. Taas noo ang hepe.

"Sino?"


Nagkatinginan kaming lima.


"Undercover?"- Valentina

"Agents?"- Lemuela

"What?"- Lucille

"Wow! Mukhang exciting ito!"- Gwen.

"Kailangan nating ma-penetrate ang loob para malaman natin kung paano tumatakbo ang operasyon ng droga sa loob ng compound ni Conrad"


Pangalan palang ni Conrad, nagbago kaagad ang mukha ni Lemuela. Hindi na naitago ni Justice ang katotohanan. Iyon ang ayaw sana niyang ipaalam sa dalaga.


Gustong magsalita ni Justice pero nawalan siya ng pagkakataong gawin iyon.


"Alam natin na maraming clubs si Conrad pero front lang niya itong lahat. Magtatalaga tayo ng mga agents na magpapanggap at magtatrabaho sa loob bilang dancers, G.R.O. at mga prostitutes."


Napayuko si Justice.


"That's it"


Iyon ang plano.


Hindi makapaniwala ang mga taga-Forensic.


May iba ang nagtataka, nagtatanong at may excited na rin.


Natapos ang meeting. Maingay ang mga pulis pagbaba ng hall.


Pinagreport ko sa opisina ang mga taga-Forensic para sa iba pang instruction. Sinundan ako ni Justice. Parang batang nagmamaktol.

SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon