LIV- VACATION IS HERE!

2.8K 66 0
                                    

LEMUELA'S POV


Ito ang araw na hinihintay ko. Ang bakasyon na payo ng aking doktor bago ako tuluyang bumalik sa trabaho. Masaya si Nanay ng makita niyang inihatid ako ni Justice sa bahay. Niyaya ko na rin siya para sumama sa akin sa pagbabakasyon.


Nagkatawanan sa salas ang mag-iina...


"Ikaw ang nagyaya tapos sagot ko. Ay, ano to? Nagkakalokohan yata tayo" Sabi ni Justice habang nakayakp ito sa dalaga.

"Hehehe, joke lang! Basta, umoo ka na kaya hindi puwedeng bawiin. Magtatampo ako" Sabi ni Lemuela.


Walang imik sina Nanay at si Ela.


"Ehem, kayo na ba ulit?"


Tumango lang si Lemuela habang muling yumakap naman si Justice sa kanya.


Agad akong humanap ng magandang transient house sa Baguio City para maisama ko sa bakasyon sina Nanay at Romuela. Dinala ni Justice ang kanyang kotse. Halinhinan kaming nag-drive paakyat ng Baguio.


Huminto muna sila sa isang gasoline station upang magpagasolina.


"Nanay,puwede po kayong mag-CR doon. Tatlong oras na lang nasa Baguio na tayo."

"Ate, punta tayo ng strawberry farm ha!"

"Sure, gusto ko ring pumunta doon"

"Justice, oorder na lang ako ng food sa jolibee. What do you want?"

"You" Bulong nito sa akin.

"Taken na ako Kuya. Sorry hindi po ako inoorder at hindi pa ako puwedeng i-take out"


Lumabas kaagad ako ng kotse. Sinundan ako ng tingin ni Justice at ni Romuela.


"Bakit ba nag-shorts ang ate mo?"

"Kuya, natural talaga ni ate ang mag-shorts ng maiksi"


Pagsilip ni Justice, hawak-hawak na si Lemuela ng isang lalaki palabas ng food chain.


"Kuya mukhang mapapaaway yata si Ate"

"Justice, hindi mo ba tutulungan si Lemuela?" – Nanay.

"Naku, kayang kaya na po yan ni Lemuela. Baka pagalitan pa niya ako kumbakit ko siya pinakialaman"

"Ikaw, ang liit-liit mo, ang tapang-tapang mo" Sabi ng lalaki habang hawak siya sa kuwelyo nito.

"Sir, hindi po kasi porke't malaki kayo e sisingit kayo sa pila. Kung pipila kayo ng maayos, lahat naman tayo makakabili" Sabi ni Lemuela.

"Aba at anong akala mo sa akin?"


Marami pa rin talaga ang mga tao sa mundo na masyadong mapagmataas. Hindi porke't maliit ako, puwede na akong apihin. Hindi porke't matangkad siya, kayan-kayanan na niya ako. Umalis na ako dahil ayoko nang makipagtalo sa kanya. Hinawakan pa ako sa balikat o di nakatikim siya ng balibag sa semento. Hindi siya nakabangon. Natakot din ako dahil mukha silang mga goons.

SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon