LI- PARTY TIME: DIRTY LITTLE TRICK

2.6K 59 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Party Time.


Umikot ang nakakasilaw na ilaw at maingay ng tugtugin sa loob ng hall. Lahat ng kapulisan ay game na nakasuot ng party outfit.


"Ang party na ito ay para sa tagumpay ng misyon ng buong presinto. Ang tagumpay nila ay tagumpay nating lahat. Let's go party! " Sigaw ni Hepe. Hindi mo aakalaing may pagkaparty goer si Ninong.

"Para pakitaan tayo ng kagila-gilalas na sayaw mula sa kanilang pagiging undercover agent. Nandito ang tinaguriang Five Little Kittens ng Club Copacabana mula sa Forensic Department."


Sigawan ang mga kapulisan. Napanganga si Guineverre sa pagkamangha. Hindi kasi siya makapaniwala. Madami-dami din kasi siyang na-miss ng mawala ito at nagkataong ipinadala sa schooling.


Biglang dumilim ang paligid. Umikot ang mga nakakasilaw at iba-ibang kulay ng strobelight. "Touch My Body" ang pamagat ng tugtog. Lumabas ang apat at sumayaw sa ibabaw ng entablado. Nasa harapan si Justice ng oras na iyon. At bahagya itong napapapikit dahil patay-sindi ang ilaw kaya hindi niya makita si Lemuela. Biglang namatay ang ilaw, at tinutukan ng spotlight ang gitna. Nilagyan ito ng silya sa gitna at lumabas si Lemuela. Nandoon silang lima pero nasa gitna ang dalaga. Bagay na bagay sa kanila ang red shorty shorts and na overall in sleeveless with matching police cap. Naka-kneehigh boots din sila.


Masyadong seductive ang sayaw.


Nagkasigawan ang mga pulis ng bumaba ang apat na taga-Forensic. Sinundan ng spotlight ang mga babae at huminto sila kay Homer. Niyaya nila itong sumama sa kanila sa stage.


"Ano ito?"

"Halika na."

"Sumama ka sa amin sa harap" Bulong ni Pepsi.


Nagulat din si Justice sa pakulo ng mga babae at si Homer pa ang kinuha. Pinaupo si Homer sa gitna at tinukso ng lima sa nakakaakit nilang galaw.


Umupo sa kandungan ni Homer si Lemuela habang hawak ng dalawa sa magkabilang kamay ito at ang dala naman ay sa paa nito. Kaya lalong nagsigawan ang mga pulis.


"Ako naman... sa akin naman' Sigaw ni Kris.

"Hoy, manahimik ka nga dyan...Marinig ka ni Sgt. Lorenzo" Saway ni D.O. Pinandilatan niya ng mata si Kris.


Nakaupo ito patalikod sa audience at nakaharap siya kay Homer.


"Ito ba ang gusto mo?"

"Lemuela, ano to?"

"Surprise ko sa iyo"

"Lemuela, itigil mo na ito"

"Hindi pa tapos ang palabas. Malapit na. Wait ka lang!" Matagal akong nakaupo sa kanyang kandungan. I doubt kung tinigasan siya o kinilabutan.


Inilabas ni Lemuela ang kanyang automatic pistol. Totoong automatic pistol ito at halata naman sa malayo . Itinutok niya ito sa sentido ni Homer. Ramdam ni Homer ang lamig ng baril. Tunog ng baril mula sa audio ang tumapos sa palabas.


"Mag-iingat ka, Homer hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo sa akin" Babala ni Lemuela. Nakahalata si Justice sa ginagawa ng mga taga- Forensic. Mukhang dinarag ng mga babae si Homer kaya halata ang takot sa kanya.


Malakas na palakpakan ang narinig sa buong hall. Hindi nila alam na ga-munggo ang pawis ni Homer at sobra siyang kinabahan sa ginawa ni Lemuela.


Pagbalik sa upuan, tumabi ito kay Guineverre.


"Bakit parang nanginginig ka?"

"Grabe, napaka-intense ng number na iyon"

"Sinabi mo pa, akala ko nga totoong totoo"


Hindi alam ni Guineverre na totoong baril ang dala ni Lemuela.


"Magsi-CR muna ako"- Homer.


Sinundan siya ni Lemuela.


"Homer....." Sigaw ni Lemuela.

"Sorry!" Isang malakas na sampal ang lumapat sa pingi ng binata. Nagulat si Guineverre na noon ay nakasunod na rin kay Lemuela.

"Sorry, matapos mo akong babuyin. Hindi sapat ang bayad na iniabot mo kay Conrad para mabura sa alaala ko ang kahalayang ginawa mo sa akin. Kung hindi lang ako nagpipigil, ipuputok ko talaga ang pistol na ito sa sentido mo para gumana ang common sense mo bago mo ginawa sa akin iyon" Muling itinutok ni Lemuela ang kanyang baril kay Homer tulad ng ginawa nila noon sa Paintball Competition.

"PUTANG INA KA...HAYUP KA!... MAMATAY KA NA!" Malulutong na mura ang narinig ni Homer mula sa dalaga habang walang awa siyang pinagsasampal nito.

"Lemuela, anong nangyayari dito? Homer, anong sinasabi ni..." Tanong ni Guineverre.

"Oooppsss, sorry ( ginaya niya ang paraan ng pagkakasabi ni Cheon Song Yi ) Hindi pa pala alam ng girlfriend mo ang ginawa mo. Well, it's up to you how to explain it"

"Lemuela..."- Guineverre

"Wala akong kailangang ipaliwanag sa iyo. Baka siya, mayroon... Para malaman mo kung anong klaseng boyfriend mayroon ka. Itinuring ko siyang kaibigan pero... Hindi ka kawalan sa akin Homer..."


Napatakbo si Justice para umawat pero nakaabot pa rin ng sampal si Lemuela kay Homer.


"Tama na!" Niyakap niya si Lemeula. Naiintindihan niya kung gaano iyon kasakit sa babaeng tulad niya.


Pagkatapos magbihis ay sabay na kami ni Justice na pumasok muli ng bulwagan.


"Isa ka pa...Puwede bang tantanan mo ako?"

"Lemuela..."


Pero hindi nagpapigil ang binata kaya nanahimik na lang ako. Magkatabi kami sa upuan.


"Lemuela, halika. May ibubulong ako sa iyo" Inilapit ko ang aking tenga pero pinaharap niya ako sa kanya hinalikan niya ako. Ang mga loko-lokong taga-spotlight, tinutukan talaga kami at nagkahiyawan pa sa loob.

"Ikakasal na yan! Ikakasal na yan"

"Malapit na" Sigaw niya.


Napuno ng tawanan sa loob.


Minsan masakit talagang magbiro ang tadhana. Hindi natin ito napaghahandaan at hinding hindi natin ito nagugustuhan. Kapag nagbiro ang tadhana, matuto kang makisabay sa laro ng buhay. Matuto kang umiyak at masaktan. Matuto kang tumawa higit sa lahat. Iyon ay dahil tao ka at buhay ka pa.


Kahit may nangyaring hindi alam ng iba, natapos ang salusalo dahil naging matagumpay ang naging operasyon nina Justice at Lemuela.



SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon