VIII- COLLEGE LIFE

5K 113 2
                                    

Hindi na uso ang malalaking backpack na puno ng notebook at libro. Hinanap ko na aking klase. Kahit mga kaklase ko ay hindi rin permanente. Hindi lahat, first year. May iba kang magiging kaklase mula sa ibang taon.


Pagpasok ko sa loob ng klase, hindi lang din naman pala ako ang babae.

Humanap na ako ng mauupuan.

"Miss, dito ka. " Sabi ng isang babae sa akin.

"Salamat..." Nakatingin lang ako sa kanya.


Halatang tomboy ang isa at ang isa ay mukhang pang- Binibining Pilipinas contestant sa kagandahan. Nanliit ako ng tumayo ang dalawa. Para kaming mga daliri ng kamay, middle finger, ring finger at ako ang pinky finger.


Maingay lang sa loob dahil sa lakas ng kanya-kanyang kuwentuhan. Pero hindi pa kami lahat magkakakilala. Halos Freshmen lahat ang nasa loob ng klase.


Pumasok ang isang Senior Officer na magiging instructor namin ng araw na iyon. Matipuno ang kanyang pangangatawan tulad ng inaasahan sa isang pulis. Mukhang inaalagaan niya ang kanyang mukha at pati na ang balat nito sa katawan. Hindi siya babad sa initan tulad ni Tatay.


Isa-isa niya kaming tinawag sa apelyido. Pagdating sa akin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo. Nanunukat ang kanyang paningin.


"Gonzales... " Pinatayo niya ako.

"Hindi ka ba nagkakamali ng kursong pinasukan, Iha?"


Hayan na naman tayo sa walang kamatayang tanong na 'yan. Ano ba ang problema ng mga taong ito? Bakit kanina, hindi niya tinanong yung kaklase ko na mukhang pang-Bb. Pilipinas? Pagdating sa akin, may panghuhusga .


"Hindi naman po"

"Sa liit mong iyan, baka hindi ka makapasa?"

"Nasa dugo ko po ang pagpupulis kaya hindi ko na po kailangan ng tangkad. Kung matangkad nga ako pero bahag naman ang buntot ko, ano ang silbi ng taas ko?"


Nagsigawan ang aking mga kaklase. Dahil doon, napansin kong palagi niya akong pinag-iinitan at may pagkakataong binibigyan niya ako ng corporal punishment sa harap ng aking mga kaklase.


Pagkatapos ng klase, niyaya nila ako sa kantin. Lahat naman kami ay baguhan kaya kanino pa ba naman ako sasama.


"Ako nga pala si Pamela Guevarra."

"Lemuela Gonzalez..." Sabay abot ng aking kamay.

"And I am Julia Anderson...Nice meeting you..." Kinamayan kaming pareho ni Pamela.


Tatlo lang kaming babae sa klase na iyon. Labimpito ang mga lalaki.


"Mukhang kilalang kilala ka dito a..." Sabi ni Pamela kay Lemuela.

"Pulis kasi ang tatay ko. Kailan lang siya namatay dahil sa isang buy bust operation."

"Condolence ha!"

"Matagal na siyang patay. Kung hindi nangyari iyon, malamang wala rin ako dito"

"Natural, hindi ka talaga papayagan ng tatay mo na magpulis. Yun ngang mga prof natin paulit-ulit na sinasabi na hindi basta-basta itong pinapasok natin lalo pa't mga babae tayo. Isang babala pero kung desidido talaga tayo, walang bibitiw..."- Pamela

"Tama..." Sumang-ayon si Julia.

"Ano bang balak ninyong kainin? Angdami namang mga estudyante..."


Halatang halata na akademya ito para sa mga magpupulis. Sa buhok pa lang ng mga lalaki, mapapansin mong halos iisa lang ang barberong pinagpagupitan nila. Naka-clean cut ang iba at ang iba naman ay halos semi-kalbo na. Mas marami namang nagpapagupit ng barber's cut maging ang ilang mga kababaihan.


May ibang babae naman na nakapusod ang buhok sa halip na nakalugay.


Palibhasa ay mga bagong pasok kaya maninipis pa ang katawan kumpara mo sa mga nasa Third Year at Fourth Year na medyo nagkaroon na ng mga muscle ang kanilang mga braso. Sa madaling sabi e, pa-macho men na ang katawan.


Abalang abala si Julia na lihim na nakatingin sa malalaking katawan ng mga estudyante. Bahagyang nangingiti-ngiti na animo'y kinikilig mag-isa. Binubusog ang mga mata sa nakikitang kamachuhan at kakisigan ng mga ito. Madami –dami din ang may mga hilatsa talaga ang mga mukha... may face value kaya hindi mo maiiwasang magpantasya sa kanila.


Bago pa maka-order ng pagkain si Julia, mukhang busog na siya at magdi-dessert na lang. Nagsenyasan na lang sina Lemuela at Pamela. Hinila nila ang kasamahang dalaga upang makabalik sila kaagad sa kanilang susunod na klase.


"O, ano? May natipuhan ka ba?"- Lemuela

"Grabe! Halos lumuwa ang mata mo o...."-Pamela.

"Natutuwa lang naman ako kasi ampopogi nila... Bakit? Huwag ninyong sabihin na hindi man lang kayo ... Hay, anong klaseng mga babae kayo? Hindi man lang kayo marunong maka-appreciate ng kaguwapuhan"


Nagtawanan na lang ang mga babae. Nililingon ang bawat lalaking makita nila. Nagkakatinginan pagkaminsan at ngumingiti ng may kahulugan. Nangungusap ang mga mata at nagtataasan ang mga kilay.



SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon