XXII-LET THE WORK BEGIN

3.5K 91 0
                                    

LEMUELA'S POV


Maaga akong gumising para sa unang araw ko sa trabaho. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa presinto kung saan ako madedestino. Lahat ng mga kinakailangang dokumento ay dala ko na rin.


Huwag mong kalimutan ang job order mo. Iyon ang una mong ipapakita mo sa hepe ng presinto kong saan ka naka-aasign.

Agahan mo kasi magbibigay pa siya ng mga reminder sa inyo.

Hindi lang ikaw ang puwede niyang makilala. Malay mo, may iba ka palang kasama


Iyon ang mga naalala niyang bilin ni Justice sa kanya bago ito umuwi.


"Nanay, aalis na po ako"

"Teka nga. Maupo ka muna dito. Magkape ka man lang bago umalis. Hindi yung aalis ka na walang laman ang tyan mo" Hinila ako ni Nanay at saka ipinaghain muna niya ako ng maalmusal.


Nagulat si Romuela ng makita ako.


"Wow, ate. Di ako makapaniwala... Pulis na pulis ka na talaga" Gulat na gulat ang kapatid ko ng makita ako sa unang pagkakataon na suot ang aking uniporme.

"Ela, tulungan mo si Nanay dito sa bahay ha. Tigilan mo ang kagagala"

"Opo, Ate"

"Ikaw ba may boyfriend na?"

"Secret!"

"Secret ka dyan. Lagot ka sa akin kapag nahuli kitang nagpapaligaw sa kalye"

"Hay naku Ate. Ayokong matulad sa iyo. Hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend. Kailan mo ba sasagutin si Kuya Homer?"

"Kuya Homer? Si Homer? Sasagutin ko? No way..."

"Pogi kaya siya... Parang si Chief Kang ng The Prime Minister and I"

"Manahimik ka nga..."

"Pero alam ko kung sino ang type mo sa kanilang dalawa kahit hindi mo sabihin..."

"Sino?"

"Secret! Sa akin na lang yun... Basta ako... kilala ko kung sino sa kanila ang talagang gusto mo. Pinahihirapan mo pa pero sa tingin ko, love mo na siya."

"Hay, ewan..." Hindi ko na pinansin ang sinasabi ni Ela. Alam ko si Justice lang ang tinutukoy niya. 


Nagmadali akong tumayo at lumabas ng bahay. Inilagay ko ang Bluetooth na ear piece sa aking tenga. Sumakay na ako sa aking bagumbagong kotse .


Hindi gaanong traffic kaya nakarating kaagad ako sa tapat ng presinto sa Maynila. Inilagay ko ang job order ko sa isang folder bilang katunayan ng aking assignment sa presintong iyon.


Pagpasok ko , may mangilan-ngilang pulis na ang nandoon. Nagtanong ako sa pulis na nasa front desk kung dumating na ba ang superindente pero maaga pa lang nakasimangot na siya. Pasinghal niya akong sinagot. Hindi pa naman siya katandaan para magsungit. Pinilit kong ngumiti dahil baka pati ako ay mahawa ng kanyang kasungitan. Maaga pa para masira ang araw ko. Kasunod ko ang apat pang kababaihan. Juskoday, nanliit ako sa kanila! Matatangkad na babae, pare-parehong mahahaba ang buhok, mga tsinita, morena at makinis ang kutis at higit sa lahat boobsy. My gosh! Sino ba sila? Tinitigan ko silang mabuti. Daig ko pa ang namamalikmata. Bakit dinadagsa kami ng mga Koreano? Parang... kamukha sila ng Sistar.

SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon