XXXI- UNOFFICIALLY YOURS

3K 77 2
                                    

Walang imik si Thelma ng umagang iyon. Ipinaghanda niya ng almusal si Lemuela. Naniningkit ang mata nito sa sobrang pag-iyak. Naparami ang kain ni Lemuela. Napadighay pa ito.


"Nanay, salamat sa almusal. Papasok na po ako" Ngumiti ang dalaga at niyakap ang ina.

"Masaya ka ba o malungkot?" Tanong ng ina.

"Masaya po..." Humigop ng kape at saka umalis.


Nagmadaling pumasok ng opisina... Hawak ang kanyang cellphone. Hinihintay ang text ni Justice. Pumasok na siya ng Crime Lab pero walang Justice ang nakasunod sa kanya. Palinga-linga siya sa pasilyo dahil madalas kung saan-saan lang sumusulpot ang binata kapag dumarating siya. Nakapasok na siya ng opisina pero walang Justice kaya nagtaka siya.


Nagtaka sina Luci at Val ng makasalubong si Lemuela. Halatang tuliro ito at malalim na naman ang iniisip.


"Hay naku, si Ms. Ocean Deep... Malalim na naman ang iniisip..."-Luci

"Wala na naman sa sarili si Lemuela. Si Justice lang naman ang dahilan ng ipinagkakaganyan niya palagi"-Val

"Uy, Lemuela. Ano na naman ang problema mo?"

"Wala pa ba si Justice?"

"In fairness, nagsasalita ka na..."


Pinindot nito ang numero ni Justice.


"Nasaan ka? Pumasok ka ba?" Nag-aalala si Lemuela. Narinig niyang umuubo sa kabilang linya si Justice. Naalala niya na baka nahamugan si Justice dahil nasa labas sila kagabi.


Lumabas muna ang dalaga. Sumakay ito sa kanyang kotse. Binagtas ang kahabaan ng kalyeng iyon. Nagmadali at pinaharurot ang kotse para mabilis siyang makarating ng dorm.


"Ate Belly, pupuntahan ko lang si Justice."


Diretsong umakyat si Lemuela habang nagtatakang nakatingin sa kanya ang landlady.


Diretso siya sa pinto ni Justice. Kumatok siya ngunit walang umimik at walang nagbukas sa kanya. Pero bukas ang door knob kaya pumasok siya kaagad.


Nakita niyang nakahiga si Justice sa kanyang kama.


Sinalat kaagad niya ang noo ng binata. Nagbukas ito ng mata at nakita doon ang dalaga.


"Anong masakit sayo?"


Umubo si Justice. Itinuro ang dibdib nito.


"Ha! masakit ang dibdib mo? Hindi ka makahinga? Dadalhin na ba kita sa ospital?"


Umiling si Justice. Naubo ito. Itinuro ang kanyang puso. Nakahalata si Lemuela kahit maysakit si Justice ay nakuha pang magbiro.


Hinampas na lang niya ang binata. Naupo na lang ito sa tabi ng kanyang kama.


"Nakakainis ka talaga! May lagnat ka... Uminom ka na ba ng gamot?"

"Dito ka na lang sa tabi ko para mawala ang sakit ko"

"Uminom ka ng paracetamol at neozep para sa sipon mo" Humatsing muli si Justice.

"Kumain ka na ba? Aalis lang ako saglit. Bibili ako ng makakain..."


Ilang saglit lang na umalis si Lemuela. Sa isang fastfood chain siya nagpunta para bumili ng makakain. Pinakain muna niya ang binata. Hindi lang nito kinaya ang pagod at nahamugan siya kagabi kaya bigla itong nagkasakit. Masakit ang mga kasu-kasuan nito na akala mo ay tatrangkasuhin.


"Papasok na ako" Sabi ni Lemuela habang sinalat uli ang noo ng binata. Sinalat ang pisngi nito.

"Kung ganito kang magmahal tuwing magkakasakit ako, sana palagi na lang akong may sakit para palagi ka dito sa tabi ko."

"Tumigil ka nga. Daig mo pa ang nagdidiliryo, kung anu-ano ang sinasabi mo" Nakaupo si Lemuela sa gilid ng kama. Hinila siya ni Justice atsaka sinisid ng halik. Hinila niya ito hanggang sa halos kumandong na ang dalaga sa hita ng binata. Inihiga ni Justice ang dalaga at binalutan ng kumot.

"Teka, Teka... Justice..." Ngunit hinalikan siya ni Justice para hindi ito makapagsalita. Nakapatong na ang binata sa kanya at iniangat lang ang kaliwang hita ng dalaga. Ramdam ni Lemuela ang anumang bagay na matigas na bumubunggo sa kanyang harapan. Napapamulagat siya sa sobrang pagkagulat.


Mahigpit ang kanyang kapit sa braso ng binata.


"Oh, Justice... What is this? Oh my...." Hindi niya inaasahang hahantong sila sa sitwasyong iyon.


Amuy na amoy ni Justice ang pabangong iyon na matagal ng gamit ni Lemuela. Lalo siyang nabaliw sa amoy ng dalaga. Hinila niya ang pusod ng buhok ng dalaga at lalo niyang nakita ang kagandahan ng babaeng pinakamamahal niya.


Bumaba ang halik ni Justice. Mainit ang mga halik na iyon. Hinalikan din siya ni Justice hanggang sa leeg.


Bubuksan sana niya ang butones ng uniporme ni Lemuela ngunit tumanggi ang dalaga.


"Justice... Akala ko ba may sakit ka?"


Biglang nahimasmasan ang binata at biglang humiga. Nahiya sa kanyang pinaggagagawa.


Hinila na lang niya at ibinangon si Lemuela at muling niya itong tinitigan.


"I love you , Lemuela..."


Sinalat ni Lemuela ang noo at pisngi ng binata.


"Huh... mukhang bumaba na ang lagnat mo. Magpahinga ka. Dadaan na lang ako uli dito bago umuwi" Patay malisya ang dalaga. Tumayo at inayos ang damit nito. Inilugay muna ang kanyang basang buhok para matuyo. Mamaya na lang niya ito itatali sa opisina.



LEMUELA'S POV


Things were unofficial between us pero we're doing things like an official girlfriend and boyfriend. Hay, sino nga ba ang makatatanggi sa charm ni Justice? Sabi nga ni Gwen, papalicious daw si Justice. Oo, and I have tasted how papalichious he is. Aaaayyyyyyy! Papatayin ako ni Nanay at Ninong kapag nalaman nilang humantong kami sa ganito tapos malalaman nilang hindi ko pa sinasagot si Justice.

I want more. Nakakaadik!


SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon