XLVI- HOMER

2.5K 61 0
                                    

JUSTICE' POV


Matagal ko nang alam na may gusto si Homer kay Lemuela. Nagkaroon na kami ng lihim na komprontasyon dahil doon kahit noong nasa akademya pa lang siya.


Hanggang sa nagulat na lang ako ng maging matalik na magkaibigan sila. Madalas ihatid ni Homer si Lemuela tuwing gagabihin siya ng uwi. Okay na rin kahit papaano ay ligtas si Lemuela lalo pa't hindi ako makalapit sa kanya noong mga panahong iyon.


Naging magkasama kami sa iisang presinto. Kahit alam kong nililigawan niya si Guineverre , hindi pa rin niya maiwasan ang espesyal na pagtingin kay Lemuela. Nagulat na lang ako ng maging sila ni Sgt. Collins pero malagkit pa rin ang tingin niya sa iba. Malapit pa rin silang dalawa.


Hindi ko alam kumbakit ko nakita si Homer sa club ng gabing iyon. Oo, hindi ako maaaring magkamali. Pumasok siya sa loob ng opisina ni Conrad.


Kinabahan ako ng biglang nawala si Lemuela sa eksena. Bigla akong naaliw sa panunood. Mabuti na lang at may tracking device ang panty niya. Lahat ng bagong panty na binili niya ay lihim kong nilagyan ng maliliit na button. Kahit saan siya magpunta ay masusundan ko siya.


Wala na si Homer. Wala na rin si Lemuela. Lumabas ito ng club at tamang tamang paalis ang isang pamilyar na kotse. Nailabas ni Homer si Lemuela ng ganun-ganun lang.


"Gusto kong ilabas si Frosty"

"Baka hindi mo kayanin ang presyo niya"

"Heto, 150k..."

"Gotcha! Sige, ipapakuha ko si Frosty."


Habang nagkakagulo ay hinila ni B1 si Frosty at dinala siya kaagad sa loob ng opisina ni Conrad. Piniringan agad ni B1 si Lemuela dahil ayaw niyang makita siya ng dalaga. Ibinigay siya agad kay Homer.


"Gusto ko ang ganyang mga istilo mo, binata. Sana ma-enjoy mo ang gabi kasama niya"


Tumango si Homer at hindi nagsalita. Nang gabi iyon ay gusto niyang solohin ang dalaga sa kahit anong paraan pa.


Dinala niya si Lemuela sa isang exclusive na hotel. Nagmadali rin si Justice. Kailangan niyang masundan si Lemuela.


Nakapiring pa rin ang mga mata ni Lemuela. Hindi lang siya umiimik dahil hindi pa siya nakakaramdam ng panganib. Iniakyat siya sa isang elevator, alam niyang ipinasok siya sa isang kuwarto.


Nagulat siya ng ihiga na siya ng binata. Unti-unti siyang tinanggalan ng damit. Alam niyang nasa panganib na siya. Nag-iinit ang palad ng lalaki ng ihiga siya sa kama. Napapitlag siya ng maramdaman niya ang mainit na dampi ng kanyang labi. Tila ba hot na hot ang binata. Hindi niya alam na itinatali na pala ni Homer ang kanyang mga kamay sa apat na corner ng kama.


Hindi siya umiimik. ayaw niyang makilala siya ni Lemuela.


SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon