XXXIX-MISSION IMPOSSIBLE

2.7K 73 0
                                    

LEMUELA'S POV


Nagpaalam ako kay Nanay na sa dorm muna ako uuwi. Ayokong makita si Nanay na palaging nag-aalala dahil baka lalo lang akong panghinaan ng loob at hindi ako makapag-isip ng tamang diskarte sa sobrang stress.


Hindi ko sinabi kay Ninong ang nangyari kay Ela. Sana lang huwag maisip ni Nanay na magpunta ng presinto para ipaalam sa kanya ang nangyari dahil kapag nagkataon, tatanggalin niya ako sa misyon. Maaaring maisip niya na may personal akong dahilan kaya ko gagawin iyon at hindi dahil sa tawag ng tungkulin bilang isang pulis. Hindi ko naman iyon maitatago dahil kapatid ko ang nasa panganib.


"Lemuela, kung ano ang binabalak mo kay Conrad ay kalimutan mo na. Isipin mo munang kailangan mong iligtas si Ela"

"Magbabayad siya ng mahal sa akin kapag may nangyaring masama kay Ela tulad ng ginawa niya kay Tatay"

"Alam ko kung ano ang balak mo kaya binaabalaan kita"

"Huwag mong hadlangan ang mga plano ko. Justice"

"Hindi ko hahayaang mabahiran ng dugo ang mga kamay mo dahil lang sa paghihiganti mo sa iyong ama."

"Hindi mo ako mapipigilan, Justice"

"Lemuela..."


Iyon ang huli nilang pag-uusap ni Lemuela ng gabing iyon.



Kahit hindi rin gusto ni Justice ang idea, wala na itong nagawa. Mahigpit niya akong binilinan na maging alerto at maingat sa lahat ng pagkakataon lalo pa't delikado ang aming ginagawang pang-iispeya sa loob mismo ng compound ni Conrad.



COPA COBANA

10AM


Kasalukuyang nanunood si Conrad ng mga babaeng aplikante bilang GRO habang kumakanta at sumasayaw ang mga ito. Halos nasa labingdalawa ang mga babae doon. Halatang mga kaladkarin ang nakasama nina Lemuela.


Sa kapal pa lang ng make-up at lipstick nila , maging sa kung paano sila makipagsalamuha at maging ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig ay halatang beterana na sila sa ganitong trabaho.


Higit sa lahat, wala na sa mga mata nila ang bakas ng takot at konsensiya.


Iyon ang trabaho nila at bumubuhay sa kanilang pamilya. Wala namang disenteng trabaho silang mapapasukan na mataas ang suweldo na kikitain mo ng isang gabi lang.


Sa mundong kinagagalawan nina Lemuela, pinaghihirapan ang bawat sentimong kanilang kikitain. Sa bagong trabaho nila, iba-ibang klase ng taon ang kanilang makakasama ngunit katawan naman ang kanilang ibinibilad sa harapan ng maraming kalalakihan. Napakadaling kumita.


"Magaling! Napakagaling ng mga bago nating mananayaw" Sigaw ni Conrad.


Hindi ako nagpahalatang nanggigigil ako ng PUTIK NA ITO! dahil baka ako pa ang maging dahilan ng pagkabulilyaso ng plano. Sarap niyang sungalngalin sa bibig habang tumatawa na animo'y demonyo sa pandinig ko. isang demonyo sa lupa, kulang na lang ng sungay at buntot... Ngayon pa lang ay sinusunog na ang kaluluwa niya sa impiyerno dahil sa mga buhay na nasira niya dahil sa PESTENG YAWANG droga na yan.... GRRRRRR!

SECRET AGENT: Little Ms. FrostyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon