Capitulom 8: The Gift Of Doom

71 4 5
                                    

Capitulo 8

The Gift of Doom

Princess's Pov

Pabalik na din kami sa room namin, kasama ko sina Maeri at Khristine na kanina pa ko kinukulit tungkol sa bandage ko sa noo.Hindi na naman kasi ako nagabala pang ipaliwanag sa kanila. Tinatamad ako. Lalo na't masakit pa din ang sugat sa noo ko na sanhi ng pagkakatama sakin ng bola kanina.

Pagkagising ko kanina nasa clinic na ko kasama ang isang menopause na lalaki.

** Flashback

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Ang pananakit ng ulo ko ang agad kong naramdaman ng magkamalay ako. Agad kong nasapo ang likurang bahagi ng ulo ko habang pilit na minumulat ang aking mga mata.

Sa pagmulat ko isang puting kisame ang nabungaran ko.

"Mabuti naman gising ka na"

Sambit ng isang malamig na boses, napalingon ako sa gawi ng nag salita na siyang lalong kinasakit ng ulo ko.

Doon nabungaran ko isang lalaking ubod ng puti, maangas ang kanyang tindig, malamig ang kanyang mga tingin na tipong mapapaisip ka kung ngumingiti kaya tong taong to?.

"Sino ka?"

Tanong ko sakanya na matiim pa ding nakatitig sakin wearing his bored look on his face.

"Hindi ako obligadong sagutin yang tanong mo, ang mabuti pa't bumangon ka na dyan. Ang laki mong sayang sa oras ko"

Sambit niya matapos ay lumabas na ng kwarto.

Ako naman ay naiwang nakataas ang isang kilay.

Antipatiko.

**end of flashbacks**

Napapailing na lang ako pagnaaalala ko yun.

Hindi man lang humingi ng pasensya. Siya na nga tong nakakaagrabyado, siya pa tong may ganang magtaray. Napakaantipatiko.

At lalo pang nakakainis ng makita ko sya sa pilahan namin kanina, Ibig sabihin kaklase ko yung antipatiko na yun.

At isa pang bagay, habang nagiispeech yung principal namin kanina, napansin ko din ang pagngisi nya bago tuluyang magpaalam sa amin.

Hindi ko tuloy mamalayan kung maswerte ba o malas ang pagtransfer ko sa eskwelahan na to. Pero ang pinagtataka ko lang, hindi ako nakakaramdam ng pagsisi sa paglipat ko sa school na ito. Bwisit talaga! napakadaming isipan.

**"nahanda mo na ba ang regalo natin ?"**

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon