Capitulom 2: THE III-BLACK (Satus of Chapter mortem:The start of death Chapter)

289 12 2
                                    

|Capitulom 2|

🌹THE III-BLACK (Satus of Chapter mortem:The Start of Death Chapter)🌹

"Mystery creates wonder and wonder is the basis of man's desire to understand."

-Neil Armstrong-

🔥🔥🔥🔥🔥

Five years later.

Princess's Point of View



Unang araw ng pasukan.

Kasalukayan akong naglalakad sa pasilyo ng isang building kung saan paroroon at paririto ang mga estudyanteng nakakasalubong at nakikita ko. Ako naman ay panay linga sa paligid at tingin sa mapa na kanina ko pang hawak hawak.

Bagong lipat lamang kasi ako sa eskwelahang ito. Ang Emerald Academy, Isang maimpluwensya at prestiryosong paaralan. Paaralan ng mga mayayaman. Hindi ka makakapasok rito kung wala kang pera o kung hindi maimpluwensya ang kinabibilangan mong pamilya.

Ito lamang kasi ang pinakamalapit na eskwelahan sa bago naming nilipatang bahay sa isang village. At iba nga naman kung makakapagtapos ka sa isang maimpluwensyang eskwelahan kaya hindi na nagdalawang isip pa ang aking mga magulang na dito ako ilipat. Tutal naman ay kayang kaya nilang bayaran ang gintong tuition dito kaya hindi na rin ako umalma pa. Malalayo na kasi ang lokasyon ng iba pang eskwelahan na maari kong lipatan 'yan ang sabi sa'kin ng aking ama.

Muli kong pinagmasdan ang mapa. Nagbabakasakaling malapit ko ng matunton ang aking designated room kaya hindi ko na nalingat pa ang aking nilalakaran.

Hindi ko na napansin pa ang isang estudyanteng pasalungat ang way sa'kin na naging dahilan ng aming pagkakabangga sa isa't-isa.

Mabilis at tila may pagmamadali ang kanyang paglalakad kaya medyo malakas ang naging impact ng pagkakatama namin sa isa't isa na naging dahilan ng pagkakatumba naming dalawa sa sahig.

Napansin ko naman ang mabilis niya pagtayo at paglapit sa akin upang alalayan ako sa pagtayo.

"Naku miss! sorry! sorry talaga! hindi kita napansin!" may pagaalalang tugon niya saakin habang dahan-dahan niya akong inaalalayan sa pagtayo.

"Hindi ayos lang, sorry din, hindi rin naman kasi ako natingin sa dinadaanan ko." malamig na tugon ko naman sakanya. Ang totoo kasi ay nakaramdam ako ng konting pagkairita sa nangyari. Pero alam ko naman may kasalan din ako.

Saglit naman akong napahinto ng mapatingin ako sakanya.

Balot kasi siya ng kung tama ang hinala ko ay harina at kakaibang berdeng likidong malagkit na hindi rin maganda sa pang-amoy.

Napansin niya naman ang pagtingin ko sakanya dahilan ng agad niyang pagdistansya sa'kin.

"Naku miss sorry! Nakalimutan kong madumi pala ako! Nalagyan tuloy kita ng mansya!" taranta niyang sambit habang nagmamadaling may kung anong dinukot sa bulsa ng kanyang palda.

Kung titignan ay maputi siya, hindi katangkaran, mas matangkad ako sa kanya ng ilang pulgada. Maganda sya kung susumahin wag lamang isama ang marungis niyang itsura sa pagkakataong 'yon at masangsang na amoy ng kung anong berdeng likidong nasa ilang bahagi ng uniform n'ya.

"Eto oh! pasensya na talaga miss ah? sorry talaga." sambit niya ng makuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at saka inabot iyon saakin.

"Salamat" maikling tugon ko naman sakanya matapos ay alanganing inabot ang kanyang panyo at sinimulan punasan gamit no'n ang mansyang dumikit sa longsleeve ng uniform ko.

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon