Capitulom 3: The First Victim

139 9 0
                                    

|Capitulom 3|

🌹The First Victim🌹

"We all have been through a lot of shit in our lives; the difference is some of us choose not to play the victim."

-Unknown-

🔪🔪🔪🔪🔪

Pricess's POV

"Tss, napaka-plastic talaga ng mga 'yon!"

Singhal naman ni Maeri ng makaalis na 'yung dalawang babae. Do'n naman kami naupo sa may punakalikurang parte ng classroom.

"Hindi mo na lang dapat sila pinatulan eh."

Sambit naman sakanya ni Khris habang inilalapag nito ang mga gamit sa desk at saka naupo. Bali tabi-tabi kaming tatlo. Napapagitnaan namin si Khris.

"Tss! Alam mo? Ayan ka na naman d'yan sa kaewanang kabaitan mo! Kaya ka lapitin ng mga bully dito sa school eh!"

Taas kilay namang sambit sakanya ni Maeri.

"Hindi naman sa gano'n, pero hanggat maari, Ayaw ko ng gulo Mae."

"Sino ba yong mga 'yon?" pagsingit ko sa kanila na agad namang nakakuha sa kanilang atensyon. Hindi ko naman talaga ugaling mangialam sa kahit na anong bagay. Pero curiosity kill ika nga. 

"'Yung mga 'yun ba? Hay nako! Hindi mo na gugustuhing kilalanin pa sila."

Sagot naman sakin ni Maeri saka Sumalong baba sa kanyang table.

"Hindi naman sa gano'n Princess, pero kung ako sa'yo, hanggat maaari iiwasan mo sila, sa lahat ng oras at pagkakataon."

Seryosong saad naman sa akin ni Khris na siya naman nagbigay misteryo sa'kin para sa mga taong 'yon.

Ano kayang meron sa kanila? At bakit parang maiinit ang dugo sa kanila ni Maeri?

Teka ano bang pakelam ko?

♀♀♀

Third Person POV

Mabubuhay ako! Makakaligtas ako! Mabubuhay ako! Hindi ako mamatay!

Yan ang paulit-ulit na sambit n'ya sa kanyang utak habang tila wala sa sariling naglalakad patungo sa kanilang tagpuan.

Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maramdaman niyang emosyon sa mga oras na 'yon. Dahil wala na siyang ibang iniisip kundi ang kaligtasan niya sa tiyak na kamatayan.

Dahil na rin sa pagiging abala sa pag-iisip ay hindi na niya namalayan pa na nakarating na pala siya sa lugar na iyon.

Ang lugar ng kanilang tagpuan.

"Kanina ka pa namin inaantay. Cathlene."


Bungad sakanya ng ng kanyang katagpo na kilalang-kilala niya.

"P- - pasensya na kung n- - nahuli ako."

Utal na sagot niya rito dahil na rin sa takot at kilabot na kanina pang bumabagabag sa kanya na nadagdagan pa ng makaharap na niya ito.

"Wag kang magaalala, tamang-tama lang ang dating mo."

Nakangising sambit naman sakanya na taong 'yon na lalong nagbigay ng takot at pangamba para sa kanya at sa kanyang buhay. Pakiramdam niya'y mailuluwa na n'ya ang kanyang puso sa sobrang lakas ng tibok nito.

Napansin naman ng taong 'yon ang pagkabalisa ni Cathlene.

Kaya nilapitan siya ng taong 'yon at itinapat ang bibig sa tenga niya at saka bumulong dito.

"Natatakot ka ba?"

Sambit nito sa nakakakilabot na boses na tila'y nangaasar pa.

"Wag kang mag-aalala, kase mamaya-maya lang, hindi mo na mararamdaman ang emosyong 'yan."

Lalong nadadaggan ang kilabot na naramdaman ni Cathleme sa dagdag na sambit ng taong 'yon kaya agad itong napalayo ng distansya sakanya.

"A- -nong i- -ibig mong sabihin?" lakas loob namang tanong n'ya kahit na sa totoo lang ay hindi naman n'ya nais na marinig pa ang sagot dahil una pa lang ay alam na n'ya ang panganib na nakaamba sa kanyang buhay.

"Ilang sandali na lang ay matatahimik ka na, kasabay ng paglabas ng iyong sekreto."

Nakangising sagot naman ng nakakakilabot na nilalang na 'yon sakanya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso n'ya. Gustuhin man n'yang tumakbo o manlaban ay hindi na n'ya magawa pa 'yon dahil pakiramdam n'ya ay kung susubukan n'yang gumalaw sa mga oras na 'yon ay mabubuwal lang s'ya dahil sa tinding takot na nararamdaman.

"A- -ano bang - - ackk - -"

Hindi na niya natuloy pa ang sinasabi niya dahil sa pagpalo ng isang matigas na bagay sa kanyang ulo na siyang agad na nagpawala sa kanya ng malay. Dumaloy ang dugo niya hanggang sa paanan ng humampas sa kanyang ulo.

"Saktong-sakto lamang ang iyong pagadating."

Nakangising sambit nito sa taong iyon.

"Akala ko ay nahuli na ko, tamang tama lang pala ang pagdating ko."

Sagot naman ng kadarating lamang na taong iyon na s'yang humampas sa ulo ni Cathlene habang pinagmamasdan ang katawan kasalukuyang nakahandusay sa kanyang harapan.

"Magandang panregalo to para sa kanila"

Sambit ng isa at saka lumapit sa kanyang kasama.

"Tama ka , Paniguradong magugustuhan nila ang regalo nating ito."

"Kailan na nating buksan ang isinaradong yugto,"

"Isang sekreto ang nabunyag, kaya isang kapalaran ang magwawakas, Kaninong buhay kaya ang magiging sunod na biktima ni kamatayan?"

Nangingiting banggit niya at saka tumingala sa kalangitan.

"Nasasabik na akong malaman"


🌹🌹🌹🌹🌹

N: Ang Lame ng update XD pero sana mapagtiyagaan nyo XD ha-ha. Maikli lang ang update na 'to. Feel free kayong magtanong kung may hindi kayo naintindihan :)

S'ya nga pala, gusto ko lang malaman n'yo na I am writing for my own pleasure and satisfaction :) 'yun lang salamat at Thanks for reading my shit🎇🎇🔪🔪💀🔥

♀♀♀

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon