Capitulum 1: Ab initio usque ad finem (The End to Begin)

382 13 3
                                    

|Capitulom 1|

🌹Ab initio usque ad finem (The End to Begin)🌹

"We cannot have peace among men whose hearts find delight in killing any living creature."

-Rachell Carson-

🔥🔥🔥🔥🔥

Third Person's POV

Sinakop na ng tulayan ng kadilimang likha ng gabi ang liwanag na binibigay ng araw.

Isang kahindik-hindik na sitwasyon ang kinalalagyan niya na hindi lingid sa mga taong wala sa sitwasyon n'ya ng mga oras na 'yon.

Tahimik ang gabi. Kasalungat n'yon ang kabog ng kanyang dibdib.

Sa isang masukal na gubat s'ya dinala ng sa kasulukuyang pagod na n'yang mga paa.Tumatakbo siya para sa kanyang buhay.

Puno ang kanyang buong katawan ng pinaghalong pawis na gawa ng pagod, luha ng dahil sa mga pinaghalo halong emosyon at dugong hindi niya naman pagmamay-ari. Galing ang dugong 'yon sa kanyang mga kamag-aral na kanikanina lang ay masaya niya pang kakwentuhan at kaasaran.

Hanggang ngayon ay hindi n'ya maisip na malalagay siya sa kakila-kilabot na sitwasyon na kinalalagyan n'ya ng mga oras na 'yon.

Ni minsan, At hindi kailanman sumagi sa kanyang isipan. Hindi niya lubos akalain na mapupunta siya sa ganoong sitwasyon.

Siya na lamang ang natitirang buhay sa kanilang klase.

Ang iba ay mga wala ng buhay. at malagim na kinaharap ang kamatayan sa kamay ng taong kasalukuyang humahabol sakanya sa mga oras na 'yon.

Dahil sa kasukalan ng kagubatang kanyang tinatakbuhan, dagdag pa rito ang kadilimang bumabalot sa paligid. Hindi maiiwasan ang mga natatamo niyang sugat sa mga paa.

Ngunit hindi na niya pa ininda 'yon, dahil wala na s'yang panahon upang isipin ang ibang bagay.

Ang nais lamang niya ay makaalis sa kakilakilabot na sitwasyon na 'yon.

Hindi mo lubos na aakalain na ang masukal na gubat na kinalalagyan niya ngayon ay matatagpuan lamang din sa kanilang eskwelahan.

Nasa tagong parte 'yon ng kanilang eskwelahan.

Patuloy lamang siyang tumatakbo at dahil na rin siguro sa kaba at takot ay hindi na niya napansin ang matabang ugat na nakausli sa kanyang daraanan na naging dahilan ng kanyang pagkatisod.

At dala na rin siguro ng sa wala sa oras na kamalasan.

Isang matulis na bagay ang naramdaman niyang mariing bumaon sa kanyang kaliwang binti na nagbigay sakanya ng napakatinding kirot. Tanging pagluha na lamang ang kanyang naging tugon sa matinding sakit na naidulot ng pagkakabaon ng isang matulis na bagay sa kanyang kaliwang binti.

Ngunit sa gitna ng kanyang kalagayan, pinilit niya pa ring wag umirit o gumawa ng kahit anong ingay na pweding kumuha sa atensyon ng itinuturing niyang halimaw.

Kahit na damang-dama niya ang matinding sakit ay pinilit pa rin niyang tumayo at bumangon sa pagkakadapa.

Kailangan n'yang makatakas.

Kailangan n'yang makaligtas.

Kailangan n'yang mabuhay .

Ya'n ang paulit-ulit na sinasabi niya sa kanyang isipan upang pawiin ang takot at kilabot na kanyang nararamdaman.

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon