Capitulom 7: Ms. Class President

136 6 3
                                    

Capitulom 7

 Ms. Class President

Jowan's Pov

Jowan Kitt Avelong.

Kasunod ng pangalan kong yan ang word na Ms. Nice girl, o kaya minsan Ms. Perfect.

Minsan natatawa na lang ako.

Natatawa ako sa katotohanang napakastupido ng mga tao, pinaniniwalaan nila ang bagay na nakikita lamang nila, o' kaya yung mga bagay na mas maraming naniniwala.

Sa oras na kumportable na naman sila sa kaalamang yun, yon' na yon'.

Muli ako napailing.

Patungo ako ngayon sa school quadrangle upang gampanan ang aking tungkulin.

Bukod kasi sa pagiging class president ko ng aming seksyon, ay ako rin ang school vice president ng student counsil dito sa Emerald Academy.

Kailangan kong icheck ang mga gagamitin para sa gaganaping meeting mamaya.

Pero palabas pa lang ako ng student counsil ng mamataan ko ang dalawang classmate ko.

Medyo malapit kasi sa entrance gate ang student counsil building.

Si Elle yun kasama yung transfery.

Napansin kong napatingin sa gawi ko si Elle na kanyang ikinagulat at ikinatigil taka namang napasulyap sa gawi nya yung transfery.

Walang ekspresyon ko siyang tinitigan pero nginitian ko din naman kalaunan.

Sinundan nya ng tingin si Elle na titig na titig pa rin sakin, hanggang sa nagtama ang paningin namin, agad naman siyang nagbawi ng tingin at bumalik ng sulyap sa tulala pa ding si Elle.

**silly girl

Sambit ko sa isip ko at nagsimula ng maglakad.

Mga ilang minuto siguro ng marating ko ang aming quadrangle, agad naman akong dumiretsyo sa grand stand o yung napalaking stage kung saan magiispeech mamaya ang aming school principal na sya ring nagmamay-ari ng eskwelahan ito. Tinignan ko lang kung ayos na ba ang lahat ng gagamitin.

Maaga din naman kasing pumasok ang iba pang student counsil officer para iset ang lahat ng kakailanganin, kaya ang kailangan ko na lang gawin ay icheck kung ayos na ba ang lahat.

Pansin ko sa di kalayuan ang mga nagpapractice ng baseball, Kasama ang kapatid kong si Johann ken at siya.

Nahagip din ng paningin ko yung tranfery kong classmate papunta dun sa may malaking puno sa may mga benches.

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon