Capitulom 18: Hoplophobia

12 3 0
                                    


|Capitulom 18|

Ryl's Pov.

Andito ako ngayon sa loob ng office niya. Ipinatawag niya ko kanina, at hindi ko alam kung bakit. Pero pagkakataon ko na 'to para matanong siya.

Maya-maya lang lumabas na siya sa isa pang silid sa loob pa din ng office niya.

"Bakit mo ako ipinatawag?" malamig na tugon ko sakanya.

"Wala naman, masama bang ma-miss ang kaisa-isa kong anak na babae?" siya matapos ay tumawa na parang baliw.

"Wala akong oras sa walang kwentang bagay Mr. Hanazo." may diin namang sagot ko sakanya.

Tama. Siya ang ama ko. At hindi ko 'yon ikinasisiya, dahil kung tutuusin ay mas gugustuhin ko na wala na lang ama kesa maging anak ng demonyong 'to.

Kaya nga hangga't maari ay hindi ko iyong ipinaalam kaninuman. Hindi ko gustong malaman nila dahil ikinahihiya kong nanalaytay sa dugo ko ang dugo niya.

Yo'n din ang dahilan kaya hindi ko ginagamit ang apelyido niya o ang mismong pangalang ibinigay niya sa'kin.

Tumigil siya sa pagtawa at nakaismid na tumingin sakin.

"Alam kong may sasabihin ka anak ko, kaya ikaw muna ang mauna." makahulugan namang saad niya.

"Sabihin mo? May kinalaman ka ba sa ibang- -"

Naputol ang sinasabi ko ng bigla na naman siyang tumatawa tapos ay may kung anong bagay na inilipag sa mesa.

Ng makita ko yo'n ay naramadaman ko ang unti-unting panginginig ng katawan ko.

H- -hindi. Sakim talaga siyang ama!

Pinipigilan kong wag ipakita sa kanya ang panginginig ko. Ang takot na namumuo sakin ng makita ang bagay na 'yon.

"Bakit honey? May problema ba?" nakangisi naman niyang tanong sa'kin, "parang namumutla ka ata? Bakit? Hibdi mo ba nagustuhan ang bago kong baril?"

Lalo akong nanginig ng itapat niya sa akin yo'n, nararamdaman ko na ang namumuong pawis sa buong katawan ko at ang unti-unting paninikip ng dibdib ko.

Nakakainis! Bakit kasi sa dami dami ng makakaalam ng phobia ko ay ang taong ito pa? Pero sa bagay, siya naman ang dahilan kung bakit may ganito akong takot sa mga baril.

"H- -hayop k- -ka!" sambit ko sakanya kahit tila hirap na hirap na kong huminga.

Alam kong anumang oras ay mawawalan na ko ng wisyo. Pero gayunpaman ay pinipilit ko pa ding kalmahin ang sarili ko kahit na imposible na yo'n sa mga oras na 'to.

"Ayy naku! Naalala ko! May takot ka nga pala sa mga baril! HAHAHAHAHAHA! Paumanhin at kinalumatan ko ata?" may pang-aasar niyang saad sa akin tapos ay tumawa na parang isang baliw.

Hindi pa nakuntento ang gago kong ama at lalo niya pang inilapit sa akin ang kanyang baril.

Hindi ko na kaya, bumabaliktad na ang sikmura ko, tuluyan na 'kong nabuwal sa pagkakatayo. Ramdam na ramdam ko ang paghahabol ko ng hininga.

Naging puti na ang nakikita ko sa paligid. Rinig na rinig ko ang hagikgikan ng mga taonng nakamaskara sa paligid ko. Mariin kong tinakpan ang tenga ko at pinikit ang mga mata para hindi madinig ang tila mapangutya nilang mga tawa.

Pero naramadaman kong tila nalipat ako sa ibang luga kaya agad ako nagmulat ng mga mata. Nasilayan ko ang aking sarili sa isang napakalaking mansyon. Napakamoderno no'n at elegante. Tila pamilyar sa'kin.

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon