Capitulom 15.2: Demonian Kings

73 5 8
                                    

|Capitulom 15.2|


Demonian Kings 


Alexander Point of View

Mga ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa lugar na yo'n. Inihinto ko ang kotse at saka bumaba at pinagbuksan siya. Agad naman siyang bumaba, at napahinto siya ng makita niya ang lugar.

Naalala mo ba? Naalala mo ba 'to Jowan?

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" sambit niya matapos ang ilang minutong katahimikan.

Nandito kami sa lugar kung saan una't huli kong nakita ang totoo at payapang niyang pagngiti. Isa yung mataas na mataas na bangin kung saan matatanaw ang kagubatan sa baba.

Oo, palagian man siyang masisilayang nakangiti, pero batid ko na hindi yo'n totoo. Batid ko na mabigat ang emosyong nasa likod ng mga ngiting yo'n.

Umupo ako sa ugat ng isang malaking puno bago siya tugunin.

"Hindi mo talaga naalala?" malungkot na tanong ko sakanya habang tinatanaw ang kabuuan ng kagubatan.

Dahil sa kataasan ng bangin na ito ay malakas na tunatama sa aking mukha ang hangin. Presko yo'n at nakapapayapa ng kalooban. Kaya lang imbes na payapain nito ang kalooban ko, parang dinadagdagan pa nito ang bigat na nararamdaman ko. "Gusto mo munang umupo?" nakangiti ko namang tugon sakanya.

"Wala ako oras para sa mga walang kwentang bagay Alexander." sambit niya ng walang kahit anong ekspresyong mababasa sa kanyang mukha.

Napabuntong hininga naman ako. 

Sa pagkakataong 'to dapat nagagalit na ko o kaya nagwawala.

Pero nakapagtataka dahil ni kapiranggot na galit ay wala talaga akong nararamdaman. Basta kay Jowan nakukuha kong magpasensya at magtiyaga pa.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at saka nakayukong lumapit sakanya. Hindi pa rin niya ko tinignan kahit na ilang pulgada na lang ang lapit ko sakanya

Sa pagkakataong yo'n desperado na ako.

Lumuhod ako sa harapan niya dahilan para ipunta niya ang kanyang atensyon sa'kin.

Desperado na talaga ko. Kahit magmakaawa pa ko sakanya, gagawin ko para pagbigyan niya lang akong patunayan ang sarili ko sakanya.

"Pwede ba? Pwede ba kahit isang pagkakataon lang pagbigyan mo kong patunayan ang sarili ko sa'yo? Alam kong nagmumukha na kong tanga pero desperado na ako. Mahal kita Jowan. Wala akong ideya kung bakit hindi mo na yo'n maalala. Pero bumalik ako at hinanap ka para tupadin ang ipinangako ko sa'yo. Sana kahit ngayon lang pagbigyan mo kong patunayan ang sarili ko bilang fiancé mo." nakayukong saad ko sa kanya ng hindi namamalayan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Katahimikan. Katahimikan ang isnukli niya sa'kin.

Naramdaman ko naman ang paghakbang niya palayo sa akin. Kaya bahagya kong naiangat ang ulo ko para tignan siya.

Pumunta pala siya doon sa edge ng bangin.

"Tumayo ka na diyan." malumanay niyang tugon habang nakatanaw sa malayo.

"Ayoko! hangga't hindi ko naririnig ang sagot mo!" pagmamatigas ko naman.

Then I heard her chuckled.

"Stupid!" saad niya pa, "Hindi ko alam kung anong gusto mong patunayan. Sabi ko sa sarili ko, hinding hindi kita kailan man papasukin sa buhay ko. Pero sa ginagawa mong 'to lalo mo kong iniinis at binabagabag. Wala akong ideya kung ano yang pangakong sinasabi mo. Pero bahala ka na, gawin mo ang gusto mong gawin." mahaba niyang litanya atsaka lumakad patungo sa kotse.

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon