Capitulom 12: The Treacherous Demon (part 2)

53 5 2
                                    


Capitulom 12



The Treacherous Demon (part 2)


"A fool thinks himself to be wise, but a wise man knows himself to be a fool"


-William Shakespeare




Princess's Pov



Ilang araw ng nagdaan matapos yung kahindik hindik na senaryo sa aming klase, Pero ang nakakapagtaka lang dun, matapos ng araw na yun ay parang wala na lang nangyari. Walang sino man ang naglalakas loob ng magbanggit, parang normal lang ang lahat, pati sina Khris at Maeri ay wala rin namang nababanggit na.


Yung bangkay, wala rin akong ideya kung anong ginawa nila do'n, kung nilibing man nila o itinapon, hindi ko na alam. Pagpasok ko kasi kinabukasan, malinis na ang lahat, parang yung memorya lang ng mga kaklase ko, kasama nung mga litrato. Lahat, lahat ay parang nawala na parang bula.


Hindi ko alam kung nagpapatay malisya lang ba sila o sadyang wala lang silang pakialam.


Kanina habang pinagmamasdan ko sila, napapakunot noo na lang ako dahil nagagawa pa nilang ngumiti matapos ang lahat. Parang wala lang.


Pero sino kaya ang gumawa ng ganong kahindik hindik na bagay? Pwede kayang isa sa klaseng to? Bwisit! Sumasakit na talaga ang ulo ko! Isa pang isipin ko pala ay si Khris at Maeri.


Simula din kasi nung pangyayaring yun, hindi ko na rin sila masyadong nakikita na magkausap, hindi na rin sila palaging magkasama. At sa ngayon magkalayo sila ng upuan.


Katabi ko ngayon si Khris pati yung lalaking nerd na Anthony ang pangalan. Si Maeri naman malayo sa kinauupuan namin, at kasalukuyang nakikipagtawanan sa iba habang may pinagkakaisahan ata silang kaklase namin.


Nakapagtataka lang, dahil ang alam ko ay hindi gusto ni Maeri ang bullying na umiiral sa eskwelahang ito. Pero baligtad ngayon ang ipinapakita niya.


Napakadamimng isipin!


Sa sobrang inis ko ay lumabas muna ako para makapagpahangin. Narinig ko na tinawag pa ko ni Khris pero hindi ko na siya nilingon pa.


Habang naglalakad ako papunta sana sa quadrangle, nahagip ng mata ko sa malayo ang dalawang estudyanteng magkaakap. Bakit hindi nila gawin yan sa pribadong lugar? Nakakasura sa mata. Hindi na sila nahiya.


Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero napabalik ako ng tingin sa dalawang magkayapos na ngayon ay magkahiwalay na, hawak ng lalaki na kundi ako nagkakamali ay yung lalaking menopause dun sa clinic yung kamay na kong tama ako sa pagkakakilala ay yung president namin.



Ewan ko, pero may urge sakin na magstay pa dun at panoorin silang dalawa.

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon