Capitulom 9: The Call

57 6 0
                                    

Capitulom 9

The Call

Princess's PoV

Ramdam na ramdan ang tensyon sa loob ng klase. Ngunit isang tunog ang bumasag nun.

*kriiinngg kring kriiiiiiinngggg kring*

Biglang napatahimik ang lahat. Isang tunog ng ringtone ang lalong nagpatindig saming mga balahibo. Nagtinginin sa isa't isa ang aking mga kaklase. Sinisipat nila kung sino ang nagmamay-ari ng ringtone na yon.

Pero lalo kaming nahintakutan ng mapagtantong galing ang tunog na iyon sa teacher's table. Patuloy na umaalingawngaw ang ringtone na iyon na siyang umangkin sa katahimikan ng buong klase.

Nagpapakiramdaman ang bawat isa kung sino ang maglalakas loob na tignan ang bagay na gumagawa ng ingay mula sa teacher's table.

"Ano ba! Tignan nyo kung ano yun!"

Sigaw ng lalaki ulit na singkit at maangas.

"Baki't hindi ikaw ang gumawa Mark ?"

Saad naman sa kanya nung Aleana.

"Tae baki- -

Di na natapos nung lalaki yung sasabihin niya ng danggalin siya nung isa pang lalaki na maangas din ang itsura palapit dun sa teachers table.

Siya yung lalaking antipatiko dun sa Clinic kanina.

*kriiiiinnnggg kring kriiinnnggg kring*

Lalong lumakas ang tunog nung ringtone ng buksan ito mula sa drawer.

Kinuha niya ito, matapos ay tinitigan ang screen. Mga ilang saglit pa ng pindutin niya ang screen nun matapos ay tinapat sa kanyang tenga.

Kapansin pansin ang pagkunot ng noo nya, matapos ay inalayo na yung cellphone sa tenga niya, pinindot niya uli yun at inilipag sa table.

"Pina-loud speak"

Siya sa baritonong boses.

Napukaw din ng atensyon ko ang kakapasok lang na tatlong babae, Yung isa dun ay yung nakausap ko ng maligaw ako dun sa magubat na parte ng eskwelahan. Yung dalawa ay yung humarang samin nina Maeri nung papasok namin sa room.

"Kumusta III-Black"

Ani ng isang nakapangingilabot na boses, napakalamig ng ritmo ng kanyang boses at pagtataasan ka talaga ng balahibo kung marinig mo ito.

Sa tingin ko ay edited voice na 'yun, hindi tunay na boses ng caller. Malalim kasi yun at hindi mo matutuko'y kung babae ba o lalaki yung nagsasalita.

"S- -sino ka!?"

Tanong nung lalaking nagngangalang mark.

"Hindi niyo kailangang malaman"

Sagot naman nung nasa kabilang linya.

" ikaw ba anv guma - -

"Ito ang regalo bilang pagbati ng lagim sa inyo. Ihanda niyo na ang inyong sarili. Dahil sisimulan na naming tupdin ang nakasulat sa inyong kapalaran"

"A- - anong ibig mong- -

"Isang klase. Iisang kapalaran. Kamatayan"

Lalong nagpakilabot samin ang lohikang binibigkas at ibinigay niya. Ramdam ang bawat tensyon ng bawat isa.

"Kamatayan para sa isang nalantad na sikreto. Buhay ang kapalit ng katotohanang maisisiwalat."

"Tumungo kayo sa silid ng libingan"

Sunod sunod niya sambit matapos ay ilang minuto ng katahimikan. Walang nagtatangkang kumibo.

Walang naglalakas loob na basagin ang katahimikang iyon, patulo'y pa ring pinakikiramdaman ang tao sa kabilang linya.

Dumaan ang ilang minuto ngunit hindi pa rin ito nagsasalita.

Kaya nagulat kami ng...

"MAMATAY DIN KAYONG LAHAT! HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Sa gulat ay di na napigilan ng iba ang mapasigaw. Kahit ako ay muntikang mabuwal saking kinatatayuan ng marimig ang nakakatakot nitong sigaw, sundan pa ang nakakikilabot na kanyang tawa.

Matapos ay isang end call tone na ang narinig namin. Senyales na wala na ang tao sa kabilang linya.

- - -

A/n: Sorry for the short and lame update guys ._.v

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon