Capitulom 5: Persecution

76 5 0
                                    

A/N:  patayan na ulit *U*. 

Capitulom 5

Fist Victim Point of View

Cathlene's Pov

**Flash Back

Tuwang tuwa ako ng ipakilala ni Mama sakin ang bago kung magiging daddy.

Limang taong gulang pa lamang ako noon.

"Baby, Meet your Daddy Erick, be good to him ok ?"

Masayang sambit sakin ni mommy.

"I do mommy"

Masiglang tugon ko naman sakanya.

Maagang namaalam ang aking totoong daddy na labis na ikinalungkot ng aking mommy, Pero simula nung araw na ipakilala niya sakin ang bago kung daddy, nakita ko sa kanya ang kasiyahan na hindi ko nakita sa loob ng ilang taon.

Kaya simula noon ay ipinangako ko na magiging mabait ako sa bago kung daddy.

Sa katagalan ng panahon, wala namang naging problema.

Madaling napalapit ang loob ko sa daddy erick ko.

Napakabait naman kasi niya sakin at walang araw na hindi kami masaya.

Akala ko wala ng katapusan ang kaligayahan na yun.

Pero nagkamali ako.

* * *

Pagkamulat na pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad kung inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakita ko ang aking sarili sa isang madilim na silid. Tanging isang bumbilya lamang na patay sindi ang siyang nagbibigay liwanag sa buong kwartong iyon.

Ako lang magisa sa silid na yun.

Mahigpit na natatakpan ang aking bibig ng isang makapal na packing tape, at maigi naman akong napupuluputan ng isang badwire na syang bumabaon na sa aking laman habang akoy nakaupo.

Pinilit kung sumigaw at magwala, pero sa bawat konting paggalaw ko ay mas lalong bumabaon ang badwire sa katawan ko. Alam kong walang mangyayari sakin sumigaw man ako o hindi, pero nagbabakasakali pa din ako.

Eto na ba ? Katapusan ko na ba ? Mamatay na ba ako ?

Hindi ! Ayoko ! Ayoko pa ! Gusto ko pang mabuhay !

Pero paano ? Paano ako makakawala sa gapos ni kamatayan ?

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon