Capitulom 11: The Treacherous Demon

41 4 0
                                    


Capitulom 11



The Treacherous Demon 


"Enemies are nothing compared to traitors, after all. It's the people hold closest who have the most power to make you bleed."


-Ally Carter



Princess's Pov


Tumambad sakin ang isang lumang white bord na halos punuin ng iba't ibang litrato.


Mga litrato yun ng isang kaedaran kong babae kasama ang isang may edad na lalake.


Mapapansin sa litrato na may kung anong namamagitan sa kanila.Meron dung litrato na nasa kotse sila habang nasa harapan ng kasing edaran kong babae ang may edad na lalaki na tila magkahalikan sila. Merong kumakain sila sa isang kainan habang nakangiting titig na titig sa isa't isa. At marami pang iba na tila nagpapakita ng kung anong namamagitan sa kanila.


Nangungunot ang noo ko habang maiging pinagkatitigan ang mga litrato. Parang pamilyar kasi sakin yung babae.


Di nagtagal ay naramdama kong nagsisilapitan ang iba kong mga kaklase sa kinaroroonan ko. At mababatid sa kanila ang pagkagulat ng makita ang mga litarato.


"S- -si Cathelene yan hindi ba?" sambit ng isa kong kaklase.


"A- -at diba daddy nya yan?" saad pa ng isa.


Sinong Cath- -


Literal na nanlaki ang mata ko ng makilala ang babae sa litrato.


S- siya yung pugot na ulo. Oo tama! Siya yung pugot ang ulo, hindi ko kasi agad nakilala dahil nababalutan na nang nanunuyot na dugo yung ulo.


"May relasyon si Cathlene sa ama niya?" tanong ng isa na kung hindi ako nagkakamali ay nagngangalang Aleana.


"Hindi ko akalaing ganyan klase pala siya ng babae, ibig sabihin tama lang ang mamatay siya. Tsk tsk tsk" dugtong niya pa habang mababahidan ng panghuhusga sa mga mata nito na patuloy na nakatitig sa mga litrato.


Nangunot ang mga noo ko sa nadinig. Hindi ako makapaniwala.


Kahit na may ganon mang sekreto si Cathlene, kaklase niya pa rin ito, at hindi makatao ang nangyari sakanya. Paano niyang nasasabi ang bagay na iyon sa harap namin?


Napalibot ang mata ko sa iba kong mga kaklase, at gaya nitong babaeng Aleana, tila pandidiring tingin ang nabasa ko sa kanilang mga mata.Anong klaseng tao ba sila?



Ryl's Pov 


HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon