Capitulom 10: The Room Of Grave

84 5 2
                                    

Capitulom 10

The Room Of Grave

Maeri's Pov

Mararamdaman mo ang pigil na hininga ng bawat isa kong kaklase. Nakikiramdam sa mga pwedeng mangyari. Samantalang hawak ko naman ngayon at inaalalayan si Khris sa mga bisig ko. Mahina talaga siya sa mga ganitong bagay.

"Fuck that! Sino ba yung ulul na yun!? At anong silid ng libingan ang tinutukoy nya!? Meron ba nun dito?"

Sigaw ni Arjhey, yung classmate naming lesbian.

Hindi ko rin alam kung anong silid ang tinutukoy nung caller kanina. Silid ng libingan? tama naman siguro ang pagkakarinig namin sa sinabi nung caller.

"Kung hindi ako nagkakamali, 'Yun yung lumang science lab. natin"

Napatingin kami sa aming president sa kanyang tugon. Walang kahit anong eksresyon ang mababatid sakanya. Kasalukuyan din siyang nakatingin sa bangkay na nakalambitin sa gitna na aming room, tila malalim ang iniisip niya.

Yung lumang science laboratory?

Kung hindi ako nagkakamali, matagal ng hindi na nagagamit ang laboratoryo na yun since matayo ang bagong science lab. Ayon kasi sa usap usapan, apat na taon ang nakakaraan ng may mahukay doon na mga bangkay ng mga estudyante. Tama! yun nga marahil ang tinutukoy nung caller!

Simula kasi nun ay tinawag na yung silid ng libingan, at kasabay nun ang pag-iwas sa room na 'yon ng mga estudyante.

Pero hindi ko rin sigurado kung totoo ang usap usapang 'yon.

"Puntahan na natin yung punyetang silid na yon para matapos na to!"

Matapang na saad naman ni Aleana.

Aleana Lyne Estavillo. Ang isa sa pinka bratinela sa klase.

Napangisi ako sa isipan ko. Akala mo kung sinong matapang.

"P- - pero p- -papaano tong bangkay ? Sasabihin ba na - -". Naputol ang sasabihin ng lalaking may suot ng makapal na salamin. Si Mark Llena.

"Hindi! Linisin nyo yang bangkay! Walang ibang dapat na makaalam ng tungkol dito!". Sigaw niya. Ni Lexandria.

Napasinghap ako sa'king narinig.

Ito na naman kame. Mukhang bumabalik ang nangyari noon.

Princess's Pov

"Hindi! Linisin nyo yang bangkay! Walang ibang dapat makaalam ng tungkol dito"

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa nadinig kong sigaw nung Lexi, Kung hindi ako nagkakamali sa pagkakatanda sa pangalan nya.

Magsasalita na sana ako upang kwestyunin ang naging desisyon nya ngunit nakaramdam ako ng paghawak sa balikat ko, napalingon ako sa gawi niya at namalayan kong si Maeri pala yun habang alalay pa din niya sa kanyang bisig si Khristine na sa ngayon ay medyo kumalma na.

Umiling iling siya na tila nagsasabi na wag ko ng ituloy pa ang plano kung magsalita. Napataas ako ng kilay sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya balikat ko. Kaya hindi ko na lang tinuloy ang pagsalungat ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyari. Kalokohan na to!

Nagsipagkilos na ang ilan saming kaklase upang sundin ang utos sa kanila ni Lexi. Ang iba nama'y nagsilabasan na upang tunguhin siguro ang nasabing silid. Ako naman puno pa rin ng pagtataka sa nangyayari.

"Tayo na"

Narinig kong sambit sakin ni Maeri na nagsisimula na ring sumunod sa iba pa naming mga kaklase. Kaya kahit wala sa loob ko ay sumunod pa din ako, gusto ko din malaman kung ano yung nasa silid na yun.

HIGH SCHOOL MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon