CHAPTER 2 : Titus Five

128 4 0
                                    

Kinabukasan...

Queenie's POV

Busy ako rito dahil sa mga gamit, syempre papasok na ako ng school.

"Nie! Gising naaa!"

"Ayy palaka! Mom naman eh!"

"Gumising kana kasi d'yan at mag-aalmusal na."

"Hayst, okay mom maligo lang muna ako bago bumaba."

"Ohh okay, para magising diwa mo 'nak? Sige intayin ka namin sa baba."

"Okay mom."

Lumabas na nga si mom sa k'warto ko. Hayst, si mom naman ngayon ang nagpagising sa akin. Sino susunod, yung dad ko naman? Hayst, maaga naman akong natulog kahapon pero bakit parang kulang pa yung tulog ko. Makaligo na nga lang.

—————

"So it's your first day of school in Zortron University my daughter," my dad said.

"And I'm excited to see THEM." Saad ko, hindi ko kilala mga lalaki kahapon pero wala akong pake, baka hindi nila alam kung sino kinakalaban nila.

"And why you're excited huh?" Napansin kong naging curious si mom sa sinabi ko.

"Secret mom and what's with our deal yesterday? May car na ba ako and hahanap na ako ng dorm?" Syempre, dapat may car ako at the same time dorm na malilipatan.

"Hon, ikaw na magsabi sa kanya." Walang pakeng tumingin ito sa dyaryo at tinitigan lang, anong nasa isip ni dad ngayon?

"Okay, we decided to give you a car and for your allowance, daddy will provide it for you. Ikaw na din 'nak ang maghanap ng dorm na gusto mo. Ibigay mo na lang sa amin yung address ng magiging dorm mo." Masaya ako sa sagot ni mom sa akin.

"Ahh okay mom." Speechless nga lang ako, sa wakas may kotse at dorm na ako.

Sila mom and dad kasi ayaw akong bigyan ng car, you know. Delikado raw para sa isang babae, which is alam ko naman 'yon, pero gusto ko rin ng ganun.

"Hindi ka ba masaya 'nak? Akala ko 'yon gusto mo?" Ganito lang pala kadali magkaroon ng kotse, jusko nakipagtalo pa ako noon sa kanila, tsk.

"Ah masaya naman po ako, speechless lang hehe." Baka mamaya alam nila binabalak ko nako huwag naman.

"Hon, we're getting late now and Prin—I mean Haisley, you need to go now." Agad naman akong natauhan sa sinabi ni dad kaya nagmadali akong umakyat at nagbihis sa kwarto ko at saka bumaba na.

"Sige po mom and dad, I need to go now, bye!" pagmamadali kong sabi.

Kinuha ko naman gamit ko then nagmadali na akong umalis. Mamaya ko na lang kukunin yung ibang mga gamit ko pagka-uwi ko.

Naglalakad ako ngayon sa shortcut syempre, kahit papano hindi ako mapapagod kakalakad papunta sa school na 'yon. Ako lang naman may alam about dito so alam kong ako lang din makakadaan dito pero bakit ganun. May nakikita akong isang pigura ng tao mula sa malayo? Hmm...

Nagmadali akong naglakad papunta dun at tama nga. May tao rito at nakasandal pa ito sa dingding habang may headset sa tenga n'ya.

Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon