CHAPTER 28 : Can I court you?

21 1 0
                                    

Queenie's POV

Argh, hanggang kailan nila ako ikukulong dito sa kwarto? Tsk, magpagaling daw, magpagaling nga ba o ayaw nila akong umalis ng hideout? Natatakot sila na may gawin akong hindi maganda?

Hah! Pero tama naman sila kaso hindi ngayon. Aba, hindi ako kikilos ng walang kalaban laban.

Si Mr. Tag, niloko niya ako so pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa akin at sa Daddy Zenith ko. Hindi ako papayag na paglalaruin niya sa mga kamay niya ang pamilya ko!

At isa pa, 'yang sinabi niya na kaibigsn niya si daddy? Psh, kung hindi pa sasabihin nila mommy at daddy 'yong nakaraan nila baka–baka lang ha? Baka maniwala ako but thankfully hindi.

Queenie, bakit naman kasi uto-uto ka rin? Hayst!

"Queenie–I mean, Princess Arcadia."

Hmm... May naririnig akong boses mula sa pintuan ko kaya lumapit ako do'n. Nakasara ito at wala namang kumakatok pero alam ko may narinig talaga akong boses mula sa kabila nitong pinto.

"Ugh, mas better kung Queenie itatawag ko but– Argh! Bakit kasi siya pa?! Why her?!"

Nababaliw na ba ang isang 'to? Oh no, wala naman siyang kausap so it means nababaliw na siya?!

Wait, hindi ako palihim na nakikinig sa sinasabi niya ok? Sadyang... Uhm, sadyang malakas kasi pagkakasabi niya. Ayoko rin namang gumawa ng ingay dahil baka isipin ng iba na ako ang kausap ng lalaking 'yon so...

"Ulitin natin... Uhm, Princess Arcadia."

Psh, bakit kasi may Princess pa? Pwede namang Arcadia na lang, mas preferred ko ang gano'n. Teka, bakit ang demanding ko ata?

"Wait, paano ko sasabihin sa kaniya?"

Nagkunwari pa siya na parang inuubo na halata namang wala naman talaga. Haynako, malala na ang isang 'to.

Hahakbang na sana ako palayo sa pintuan ng maistatwa ako sa sinabi niya.

"Can I court you?"

Namali ba ako ng dinig? Teka, teka! Hindi naman ako masyadong malayo so talagang sinabi niya 'yon?!

"Bakit ang hirap sabihin? Argh!"

"Oh Kieffer, nandito ka lang pala. Teka, anong ginagawa mo sa pintuan ni—"

"W-wala lang tita. Tinitignan ko lang kung tumakas ba siya, 'yon lang."

"Hindi mo ako maloloko Kieffer. Paano mo malalaman kung nandito ka sa labas, parang naghihintay ka lang naman?"

"Uhm, kakalabas ko lang tita. Sige, bye!"

Natinig ko ang pagtakbo ni Kieffer papunta sa baba at narinig ko rin sinabi ni Tita Karen pagkaalis ni Kieffer.

"Sus, ayaw pang sabihin. Alam ko naman na may something sila ni Queenie."

Huh? May something ba sa amin ni Kieffer?

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at hindi na ako nakabalik pa sa higaan ko. Magkukunwari sana ako na tulog at walang narinig dahil sa nangyari kanina, hayst.

"Marites ka na niyan Iha?"

"Tita, ano naman 'yang sinasabi mo?"

Lumayo ako onti at kunwari wala akong nalalaman sa sinasabi niya.

"Isa ka rin. Bakit ba ayaw niyong sabihin kung anong totoo? Mga kabataan nga naman ngayon."

"Teka, teka lang naman Tita. Kayo nga hindi nagsasabi ng totoo sa akin, psh!"

"At ikaw naman itong curious sa lahat ng bagay. Nababasa ko mga galaw mo Queenie. Hindi mo matatago sa 'kin 'yang ugali ng kapatid ko. Sa lahat pa nang mamanahin mo bakit 'yang ugali pa ng kapatid ko? Hayst."

Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon