Queenie's POV
Nakakahiya! Peste, peste, peste! Bakit ba kasi gano'n siya?! Kung anu-ano kasi iniisip ng gunggong na 'yon!
Nakakahiya tuloy, nakita kami ni Ms. Agape sa gano'ng posisyon!
*Flashback*
"Ms. Agape?! / Mom!" sabay naming wika ni Crave.
Agad kaming tumayo ng maayos. Kita ko sa mukha ni Ms. Agape ang pagkaka-gulat.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba no'ng papalapit si Ma'am sa akin pero hindi pala sa akin kung hindi kay Crave.
Agad piningot ni Ms. Agape si Crave sa tenga at si Crave naman panay ngiwi sa sakit. Walang nagawa si Crave ng biglang hilain ni Ms. Agape ang tenga nito habang papalabas ng library.
"Aray! Mommy, masakit na!" sigaw nitong si Crave habang nagrereklamo sa sakit.
"Tsk! Tinuruan ba kita ng gano'ng asal ha Mr. Crave Forter Cresty?! Anong ginawa mo kay Haisley! Nakita ko kayo!"
Oh no, ayan na nga ba sinasabi ko. Pero totoo naman kasi, kung big deal sa kaniya 'yong concealer pwede naman niyang sabihin kay Ms. Agape or mas maganda hayaan na lang niya 'yon.
*End of flashback*
"Look, kanina ko pa sinasabi sa inyo. Ginagamit ko 'yan kasi nga make up ko 'yan, bakit ba ang big deal para sa'yo 'yan Crave?!" inis ko ng sigaw dito.
Sinabi niya rin kasi kay Ms. Agape at sa buong Titus Five ang tungkol sa concealer ko.
"Then why do you have this pero hindi ka gumagamit?" tanong ni Dous.
"Argh! Kasi nga hindi naman ako gumagamit ng concealer kapag hindi naman aalis ng bahay!" inis kong sagot dito.
"Oh really? Pero noong nasa school tayo wala ka niyan!" singit naman ni Vash sa usapan namin.
Ito bang si Vash ay gumagamit ng concealer? Bakit alam niya?
"Bakit! Gumagamit ka ba ng
concealer ha? Alam mo ba itsura ng may concealer sa wala?" curious kong tanong kay Vash."Correction, parehas kaming gumagamit," dagdag naman ni Ron.
"Wait, what?!" Nagulat ako sa sinabi ni Ron. Gumagamit sila ng concealer? Seryoso ba siya?!
Biglang tumayo ang Titus Five at saka sila nagtabi-tabi sa harapan ko. Lahat sila ay tumalikod at itinagilid nila ang kanilang mga leeg sabay punas onti sa leeg nila ng kung ano at hinila nila ito onti.
"Tignan mo Haisley, ang tatak ng Titus Five."
Nagtaka ako sa sinabi ni Ms. Agape. Tatak ng Titus Five? Wait?!
Dali-dali akong nagtungo sa kanilang lima at tinignan ang nasa gilid ng kanilang leeg at doon ko nakita ang isang bulaklak na ngayon ko lang nasilayan kahit na isa lamang itong guhit.
"Bulaklak? Bakit bulaklak ang symbol ng Titus Five?"
Kahit na guguluhan ay nagtanong ako sa kanila.
Tinignan ko sina Kieffer, Ron, Dous at Vash na tumatawa pero si Crave naman mas sumeryoso ang mukha niya.
"Saang gang ka nabibilang? Hindi ka nagulat na may ganito kami sa leeg namin. Halatang alam mo na ang tungkol dito, kaya ka may concealer, tama ako?"
Doon lang ako nagulat sa sinabi niya. Ba-bakit ang galing niya?! The heck!
Tumingin din ako sa iba na ngayon ay nagbago na rin ang mga reaksyon.
Tsk, ito na ba ang katapusan ko? Bye, bye Queenie na ba? Wala naman na akong magagawa kung hindi sabihin sa kanila ang totoo. Kung patayin man nila ako at least alam kong sila ang gumawa no'n. Uhm, sabihin na nating masaya akong mamatay dahil masaya naman ang buhay ko ng makilala ko sila, lalo na si Ms. Agape.
BINABASA MO ANG
Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)
Action[ON-GOING] Queenie had a hidden secret. Other people should not know her true identity and, because of it, people in her own world had forgotten her. She's not an ordinary woman. Let's just say that she was strong, but what can she do with what the...